Brun Virro
"Brun, the speech ceremony is up. Go," dali-daling utos sa akin ni Miraim, isa sa mga tagapamahala ng temple.
Bago tuluyang gawin ang sinabi niya ay muli kong tinignan ang mga hawak kong papel kung saan nakapaloob lahat ng sasabihin ko sa speech ceremony. I want my speech to be perfect as possible, the kind of speech that will be embarked in their hearts and minds. That is what I want to happen.
Pagkatapos no'n ay agad na akong sumalang sa stage at humarap sa napakaraming tao, ang lahat ng mga miyembro na bumubuo sa House of Virgo. Bago ko ibuka ang bibig ko ay pinagmasdan ko muna silang lahat. They're all here to celebrate my triumph. I am beyond thankful.
"Good day, House of Virgo. Thank you for being with me today. I want all of you to know that my heart and my soul are put into the desire to achieve what we want for the Upbringing, to secure a seat in the council. Alam kong mahaba pa ang lalakbayin at haharapin ko upang mangyari iyon pero ipinapangako sa inyo na hindi kayo magsisisi na sinuportahan niyo ako. I will bring pride in this house, I will---"
Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil sa kadahilanang may lumapit sa akin at inagaw ang entablado ko. Napatingin ako sa taong may gawa no'n at doon ko nakita si Dreu. Ang kapatid ko. Agad na kumunot ang noo ko dahil sa nangyari. Kitang-kita sa itsura niya na hindi siya nasa maayos na kalagayan.
After I accessed the situation, I immediately went towards him and tried to handle the situation. Agad ko siyang binulungan at sinabihan na kailangan niya munang umalis kung nasaan kaming dalawa ngayon at pag-uusapan namin kung ano ang gusto niyang sabihin pero hindi siya nakinig sa akin, imbes ay nagwala pa siya. Nagwala pa siya sa harap ng libo-libong mga tao.
"Brun, Brun Brun. My little brother Brun." sambit ni Dreu na para bang galing pa siya sa pag-inom ng alak.
"Dreu, go please. Don't ruin this for me." pagmamakaawa ko sa kaniya.
Natigilan ako sa paggalaw nang bigla niyang ipinagalaw ang kamay niya at doon unti-unting nagsihabaan ang mga tangkay at ugat ng mga halaman na nasa loob ng temple. Pinagalaw niya iyon papalapit sa amin na para bang gusto niyang may mangyari. I don't want to fight him.
Napatingin ako sa mga elders at sa chancellor upang tignan kung anong ginagawa nila para pigilan ang nangyayari sa pagitan namin ni Dreu pero para akong pinagbagsakan ng langit at lupa nang makita kong taimtim lamang silang nakaupo sa harapan at pinapanood ang susunod na mangyayari. Don't tell me they want to see us fight? What the hell is wrong with these people? Hahayaan ba talaga nila ang ceremony na masira para lang dito?
"You're drunk. Go home!"
Napailing siya sa akin at tumawa lang na para bang walang paki sa mga sinasabi ko sa kaniya. Tumindig siya sa gitna at hinarap ang mga taong nakapalibot at nakatingin sa amin. Bago magsalita ay tinignan niya ako ng may puot sa mga mata.
"House of Virgo, what happened? Why did you let this..." sabay tingin sa akin, "This little kid represent us for the Upbringing? Hahayaan ba natin na magdusa tayo ng ilang taon kapag nabigo siyang makakuha ng puwesto sa council? I am very disappointed," ani nito sa harap nilang lahat.
Pakiramdam ko ng mga oras na iyon ay parang kakainin na ako sa kahihiyan. I know I have nothing to be ashamed of. I fought in The Selection, fair and square. Pinakita ko kung anong kaya kong gawin at dahil doon ay nanalo ako. I won and he didn't. But it seems he can't accept that fact. Lahat ay plianno ko una palan, kunganong gagawin ko una palang hanggang sa mataas ang lahat, but I never thought this moment would come. Why just can't he accept that he lost? Bakit kailangan niya pang sirain ang lahat?
Iginilid ko siya at kinuha sa kaniya ang mic.
"Go home, Dreu. Please don't make this worse---"
Hindi ko na natapos muli ang sasabhin ko dahil tinuluyan na akong ginamitan ni Dreu ng kapangyarihan niya. Sinubukan niya akong ibalot sa baging pero agad ko itong nagawan ng paraan at napigilan siya. I formed blockades from the ground around me to defend myself from his powers. Sa mga oras na iyon ay naririnig ko na ang sigawan ng mga taong nakapalibot sa amin.
Hindi ko na magawang tignan at siwasatin kung anong nangyayari sa loob ng templedahil nakapokus nalang ang atensyon ko kay Dreu. Kilala ko ang kapatid ko, hindi siya titigil kapag hindi niya pa nagagwa ang binabalk o gusto niya. He wants to embarrass me on the moment when I should be on the spotlight.
"You're just a pathetic little orphan boy who used to be a thief. You don't deserve all of this."
At nang dahil sa mga sinabi niya na iyon ay hindi ko na napigilan ang pagtaas ng dugo ko. Sinira niya ang speech ceremony at ang feast na para sa akin. He made me embarrassed in front of the whole House of Virgo. And now, he's digging up things in my past? Parang sobra na ata 'to.
I blasted him with formed circular clays continuously. He defended himself with his vines again and again.
"Bakit hindi mo nalang sabihin, Dreu na hindi mo tanggap na natalo kita? Ikaw dapat ang ipahiya, you were defeated by someone, like you said a pathetic little orphan. I don't expect you to treat me like your own brother because you never did actually, but don't you ever use my past against me." banta ko sa kaniya sa huling pagkakataon dahil s aoras na iyon ay natigilan na kaming dalawa dahil pumagitna na sa amin ang chancellor.
"Brun Virro and Dreu Virro, stop this nonsense."
Napabuga ako ng hangin dahil sa sinabi niya. Bakit hindi niya naisipang gawin 'yan bago magsimula ang lahat, diba? He just wanted us to fight. I don't really get this old man, ano bang gusto niya sa buhay at ginagawa niya 'to sa akin?
"But dad, I should be the one to compete in the Upbringing and not this adoptee." Pagsusumbong ni Dreu sa tatay niya.
"You refer to me as chancellor. You have to accept that Brun Virro has won the Selection. You can't do anything about it. Now leave before I decide to give you a punishment for what you did." The Chancellor said.
Wala namang nagawa is Dreu kundi sundin ang ama niya. Pagkatapos ay tinignan ako sa mga mata ng chancellor, sinalubong ko ito gaya ng pagtingin niya sa akin. What do you have in mind, Chancellor? What do you have?