"Can I ask something?" "Anything." Sagot agad nilang tatlo. "Noong napalaya ko kayo, may nasabi kayo tungkol sa paghihiganti. Kanino kayo mag hihiganti?" "Caesar." Madiin nilang sabi. "O-ok. Can I ask why?" "Because he killed Emperor Henry." Anila. "Ang amo ninyo?" "Oo. Ngunit 'dating amo'." Pagtatama nila. "Maraming salamat nga pala, dahil kung hindi dahil sainyo ay hindi pa rin namin nakukuha ang hustisya para sa dati naming amo." Sambit nila. "Walang ano man. Ginawa rin naman namin iyon dahil sa kaniya-kaniya naming rason." Sagot ko. "Humihingi nga pala ako ng kapatawaran dahil hindi ko kayo nagawang mailigtas noong nakita ko kayong nakakulong sa ilalim ng kastilyo." Aniko atsaka yumuko ng bahagya. "Wala lang 'yon saamin." Tugon nila. "Let's go bac...." hindi ko na natul

