Pumikit muna ako habang nakahiga sa kama. Alam ko na kung natapos na ang digmaan ay hindi ko na ulit mahaharap ang humiga mag-isa sa malambot na kama nang walang nangyayaring masama. Nagagawa ko lang makahiga at makatulog kung ang buhay ko'y nasa bingit ng kamatayan. Sobrang dami na ang nangyari at hindi ko man gustuhing harapin ang mga gampaning nag-aabang saakin ay wala akong magagawa. Sa tingin ko'y nabuhay talaga ako para dito. Kung hindi ba nangyari ang mga nangyari dati ay hindi ba ako, kami, naghihirap ngayon? Kung hindi ka ba binawi ng kalawakan, Ama, ay ikaw na ba ang namumuno sa kaharian natin? Kung hindi rin ba pinatay si Haring Arthur ay mapoprotektahan niya ang pamilya at kaharian niya, at namumuhay sila ngayon ng payapa? Ina. Kung hindi ba kayo pinatay ng Hari ay hindi

