Aangkinin na niya sana ulit ang aking labi nang may kumatok ng malakas sa pintuan. "Tala!" Malakas na tawag ni Jasper habang kumakatok na parang masisira na ito. "Fucking...." "f**k it." Madiin na mura ni James atsaka iritang humiga sa tabi ko. "Tala!" Tawag niya ulit kaya ako napilitang bumangon. "What?" Irita kong bungad pagkabukas ko ng marahas sa pinto. "Nothing. Hinahanap lang kita. Halika na at mag ensayo ka na rin." Mapagbiro niyang ngiti na nagpakulo sa dugo ko. Magsasalita pa sana ako nang bigla siyang lumipad ng marahas palayo. Bigla akong napatingin kay James na nakaupo na sa kama. Hindi na maipinta ang itsura niya dahil sa inis at kairitahan. "Oh man... my chin hurts." Rinig kong sabi ni Jasper kaya ko naibalik ang aking tingin sakaniya. "What the heck is that? Did yo

