"Tita Clara, maiiwan kayo dito dahil mas marami ang makakapag bantay sainyo dito. Kayo rin Amara at Sandra." Aniko. "Kayong dalawa rin. Kailangan kayo ng inyong ina." Wika ko rin sakanila James. "Me, kuya, Jasper, Valentine and probably Denver if he want, will go back to Ceba." Dagdag ko. "I'll go." Sagot niya kaya ako marahang tumango. "I'll go also." Ani ni James kaya ako biglang humindi. "Kailangan kayo ng Reyna. Kayong dalawa ni Hiro. Huwag niyo muna siyang iwan." Madiin kong sambit sakanilang dalawa. "Malinaw na ba? May mag papaiwan ba?" Tanong ko sakanila Valentine. Nang wala ng sumagot ay tumango ako ng bahagya. "Good. Dismissed." Wika ko atsaka na pumasok sa silid kung saan ako mag papahinga. Wala akong ganang kumain kaya't hindi na ako makikisalo sakanila sa hapag kainan.

