Episode 5

982 Words
"Talaga? Sabi ko sayo eh. Magtatapat din yan sa'yo", sabi ni Ana. "Di ko naman talaga inexpect eh, nagulat ako nung nagtapat sya sakin. Halika na nga at baka malate pa tayo sa exam natin, sayang din yung scholarship", sagot ko kay Ana. Nagpunta kasi kami sa university na pag aaplayan namin ng scholarship para magtake ng exam. Ngayon kasi ang schedule na ibinigay samin ni Ana para sa exam. Medyo marami din sumusubok na makakuha ng scholarship ng araw na iyon. After namin magtake ng exam, nagyaya si Ana kumain bago umuwe ng biglang dumating si Jan. "Tapos na kayo sa exam?", sabi ni Jan. "Ah, oo, katatapos lang.", sagot ko sa kanya. "Kakain sana kami bago umuwe, tara sama ka?", yaya ni Ana kay Jan. Sumama samin si Jan. Dun kami kumain sa isang eatery na lagi naming pinupuntahan nung mga High School Students pa lang kami. Paborito namin kumain dito ng Lomi. Masarap kasi ang luto ng Lomi Batangas dito, kaya naman lagi naming binabalik balikan ito. Ngayon lang ako nakaramdam ng hiya habang kumakain, nasa harapan ko kasi si Jan habang kumakain kami. Ewan ko ba, ngayon lang ako nakaramdam ng ganito, siguro dahil iba na ang sitwasyon ngayon. Manliligaw ko na kasi sya ngayon. Hindi ko tukoy naubos yung kinakain ko. "Bakit di ka makakain ng maayos? Masarap naman", pansin ni Ana sa akin. "Ah, busog pa kasi ako, marami ako nakain kanina bago ako umalis sa bahay eh.", sabi ko kay Ana. After namin kumain, di na sumabay samin si Ana pauwe. Makikipagkita daw kasi sya sa kanyang kapatid. Pupunta kasi sila sa mall. Gusto ko sana sumama kaso di ako nakapag paalam kina nanay at tatay. May nadaanan kami nagtitinda ng fishball at kikiam. "Ayun, tara kain tayo, libre ko.", yaya ni Jan. "Ah, sige.", nahihiya kong sagot. Nahihiya kasi ako magpalibre sa kanya, pero nahihiya naman akong tanggihan sya kaya pumayag na ako. Marami din kaming nakain kahit kumain na kami kanina. Pauwe na kami. Biglang hinawakan ni Jan ang aking kaliwang kamay. Sobrang lamig ng kamay nya, malambot din ito. Di halatang gamit na gamit ito sa mga gawin sa bahay. Masipag kasi si Jan sa bahay. Tuwing wala kasi pasok nung nag aaral pa kami, tumutulong sya sa kanyang ama sa bukid. Nagtatanim ng mga gulay at prutas. Meron din silang alagang baka. Pangarap nya makapagtapos ng pag aaral, at makapag ibang bansa. Para daw maiahon sa hirap ang kanyang pamilya, at para na rin sa magiging pamilya nya balang araw. Sakay na kami ng dyip noon. Malayo kasi sa bayan ang aming bahay kaya kinailangan namin sumakay para makauwe. Nang biglang may sasakay sanang isang matandang babae kaso puno na at wala ng bakanteng mauupuan. "Saglit lang po.", sabi ni Jan sa drayber ng dyip at pinasakay nya ang matanda at dun na lang sya umupo sa may pinto ng dyip. Nagpasalamat ang matanda kay Jan. Natuwa naman ako kay Jan. Likas talaga sa kanya ang pagiging magalang lalo na sa mas nakakatanda. Napatingin ako kay Jan habang nakatalikod sya, dun kasi sya nakaharap sa labas dahil nga dun sya nakaupo sa may pinto. Medyo kinilig ako ng konti dahil sa ginawa nya sa matanda. Sabi ko sa sarili ko, maswerte ako kay Jan kasi lahat ng gusto kong katangian sana sa isang lalaki ay nasa kanya na. Dumating na kami sa aming lugar, inalalayan nya ako habang pababa ako ng dyip. Medyo hapon na ng oras na iyon. "Halika ka na, at baka hinahanap kana ni Nanay at Tatay.", sabi nya. "Hindi naman siguro, nag paalam naman ako sa kanila kanina bago ako umalis na baka malate kami ni Ana ng uwe.", sagot ko sa kanya. "Narito na pala kayo, pumasok na kayo sa loob. Mamaya ka na muna umuwe sa inyo Jan. Dito ka na maghapunan, nagluluto ang inyong Nanay ng nilagang baka.", sabi ni tatay. "Wow, sige po Tay, paborito ko po iyon. Maraming salamat po.", masayang sagot nya kay Tatay. "Pasensya na po kayo at medyo nalate kami ng uwe ni Yasmin, nahirapan po kasi kami makasakay sa bayan.", sunod nya. Tumango lamang si Tatay at tinapik sya sa kawilang balikat. Naiwan kami n Jan sa labas habang naghihintay kami ng hapunan. "Salamat sa pagsundo at libre sakin kanina ha.", sabi ko sa kanya. "Wala yon! Reponsibilidad ko gawin yun, kasi di ba nililigawan kita at kahit hindi man, gagawin ko pa din yun, palagi kita susunduin san ka man magpunta kasi gusto ko safe ka palagi.", sagot nya sakin. Bigla naman ako nahiya. Ang dami naming nakain. Daig pa naming hindi kumain kanina sa aming pinuntahan. "Ang sarap po ng nilagang baka Nay. Salamat po.", sabi ko kay Nanay. "Naku Jan, masarap talaga magluto ng nilagang baka yang nanay nyo na iyan.", sabi ni Tatay sakin. "Busog na busog po ako, pasensya na po kayo, ang dami ko nakain.", sabi ko. "Ano ka ba, kahit araw araw ka kumain dito, ok lang. Di ka na iba samin, para ka na naming anak.", sabi ni nanay sa akin. Pauwe na si Jan. Nag paalam na sya kina nanay at tatay. Medyo dumidilim na din kasi. Inihatid ko sya hanggang sa labas. "Salamat ha.", sabi ko kay Jan. "Ingat ka pag uwe.", sabay ngiti sa kanya. "Salamat din, masaya ang buong araw ko kasi kasama kita.", sagot nya. Nakaramdam ulit ako ng kilig. Ibang iba na talaga ngayon. Hindi katulad ng dati na normal lang. Ngayon kasi alam na namin na may nararamdam kaming special sa bawat isa. Another level ng friendship namin ito kumbaga. Di na lang basta magkaibigan na palaging magkasama. Ngayon kasi meron ng feeling na involved para sa isat isa. Masayang masaya ko sa nararamdaman ko ngayon. Matagal ko ng crush si Jan at hindi ko itinatanggi iyon, sino ba namang hindi magkakagusto sa kanya. Bukod sa angking kagwapuhan meron din sya mabuting kalooban.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD