"Nay, Tay.", pumunta si Jan sa bahay nina Yasmin. Buti na lang nagkataon na wala si Yasmin sa bahay. Nagmano muna ako sa kanila.
"Oh, Jan, wala si Yasmin dito. Kaaalis lang nya, sayang hindi mo sya naabutan. Magkikita daw kasi sila ni Ana sa bayan. Mag aaply daw sila ng scholarship dun sa school na gusto nila pasukan para sa kolehiyo.", sabi ni Tatay Roni sa akin.
"Di ba mamaya pa ang usapan nyo ni Yasmin?", sabi ni Nanay Beth sa akin.
"Ah, opo, pero kayo po talaga ang sadya ko, kaya po ako nagpunta rito.", sagot ko sa kanila.
"Ah, sige, halika muna at maupo ka dito. Ikukuha muna kita ng tubig para makainom ka.", sabi ni Nanay Beth. Binigyan nya ako ng maiinom.
"Ano ba ang sadya mo sa aming mag asawa at naparito ka?", sabi ni Tatay Roni sa akin.
"Ah, ano po. Ah kasi po.", kinakabahan kong sagot sa kanila. Umupo muna ako, pakiramdam ko kasi sasamaan ako ng lasa sa sobrang kaba eh. Sobrang bilis ng t***k ng aking puso.
"Tungkol po ito kay Yasmin. Wag po sana kayong magagalit sakin. Matagal na po kami magkakilala ni Yasmin, at di ko po naiwasan na napamahal na sya sa akin. Alam ko pong malaki ang agwat ng edad naming dalawa.", sabi ko. Napabuntong hininga ako. Sobra sobra ang kaba na aking nararamdaman.
"Naparito po ako, para mag paalam sa inyo, at humingi po ng permiso. Nais ko po sa ligawan ang inyong anak na si Yasmin. Nangangako po akong di ako magiging hadlang para maudlot ang mga pangarap ninyo para sa kanya.", pagpapatuloy ko.
"Mabait kang bata Jan, napakaresponsable, alam namin at nararamdaman namin na mabuti ang hangarin mo para kay Yasmin. Pero sana, wag mong sisirain ang tiwala namin sa'yo. Mga bata pa kayo ng anak namin.", saad ni Tay Roni.
"Pangako po, di ko po sisirain ang tiwala nyo. Mahal ko po si Yasmin, at gagawin ko pong inspirasyon ang isa't isa para maabot namin ang aming mga pangarap.", sabi ko sa kanila.
Napakasaya ko kasi pumayag ang mga magulang ni Yasmin na ligawan ko sya, at nangako di ko sisirain ang tiwala nila.
Sa burol...
Mga alas tres ng hapon na iyon. Kauuwe ko lang galing sa isang University dito sa Batangas. Nag apply kasi kami ni Ana ng scholarship, para na din sana makatulong ako kina Nanay at Tatay, para mabawasan ang gastusin ko sa pag aaral para sa college.
Pag kauwe ko sa bahay nag paalam ako kina Nanay at Tatay, dahil pupunta ako sa burol. Magkikita kasi kami ni Jan, nangako kasi ako sa kanya na makikipagkita ako sa kanya doon. May importante daw kasi sya sasabihin sakin.
"Kanina ka pa?", sabi ko kay Jan. Nasa burol na kasi sya nung dumating ako. Dito kasi kami sa burol naglalaro noong mga bata pa kami.
"Hindi naman kararating ko lang din.", sagot ni Jan.
"Ano bang sasabihin mo sakin, at kelangan talaga dito pa tayo sa burol magpunta.", sabi ko sa kanya. Hinawakan nya ang kamay ko. Napakalamig ng kanyang kamay.
"May nagugustuhan kasi akong babae.", medyo nangangatal na sagot nya sakin.
"Wow, sa wakas. Sino sya? Kilala ko ba sya? Nakita ko na ba sya?", masayang sagot ko sa kanya.
"Actually, Yasmin. Kilalang kilala mo sya.", sabi nya sakin.
"Ha? Sino sya? Tutulungan kita, para mapasagot mo sya.", sagot ko.
"Ikaw!", sagot sakin ni Jan. Nabigla ako sa sagot nya kaya biglang napabitaw ako sa kamay nya. Bigla akong kinabahan, sobrang bilis ng t***k ng puso ko. Totoo ba ang sinabi nya? Ako yung babaeng tinutukoy nya na gusto nyang ligawan. Biglang may saya akong naramdaman. Pero di ako makapaniwala sa narinig ko.
"Mahal kita Yasmin, mga bata pa lang tayo gusto na kita. Di ko agad sinabi ito sayo, kasi di ba sabi mo di ka pa pwede mag boyfriend kasi di ka pa nakakagraduate ng high school." sabi nya sakin.
Di ako makapag salita dahil sa mga sinabi nya sakin. Totoo ba ito? Yung lalaking matagal ko ng kaibigan at yung lalaking matagal ko na ding gusto, nasa harapan ko ngayon at sinasabi sakin na mahal nya ako. Bigla ako kinilig.
"Yasmin", tawag nya sakin. Kasi naman natigilan ako dahil sa mga sinabi nya sakin.
"Ah, sorry sorry", bigla akong nahimasmasan. Di ko tuloy malaman kung ano isasagot ko sa kanya eh.
"Mga bata pa lang gusto na kita, kay tagal kong hinintay ang araw na ito. Para ipagtapat sayo ang nararamdaman ko. Natatakot ako na baka kapag nagcollege na tayo may makilala kang ibang lalaki, kaya ngayon pa lang nagtapat na ako. Alam ko namang bata ka pa, at pati na rin ako. Hindi ko sisirain ang tiwala ng mga magulang mo sakin, pangako ko yan.", sabi nya sa akin.
Napatango na lang ako. Kasi di ko talaga alam kung ano ang isasagot ko sa kanya eh. Bigla nya akong niyakap.
Alas sais na ng hapon. Umuwe na kami ni Jan, inihatid nya ako pauwe sa aming bahay.
"Narito na pala kayo!", sabi ni Nanay. Nagmano si Jan kay Nanay.
"Inihatid ko lang po Nay si Yasmin.", tugon nya.
"Mamaya kana umalis, dito kana maghapunan.", yaya ni Nanay kay Jan.
"Nagluluto ang inyong Tatay Roni ng sinigang na baboy.", pagpapatuloy nito.
"Wow, sige po. Paborito ko po iyon.", masayang sagot ni Jan kay Nanay.
Pagkatapos ng hapunan, nagpaalam na si Jan kina Nanay at Tatay. Inihatid ko na sya labas, para maakalis na sya. Hinawakan nya ang aking kamay.
"Salamat, kasi pinayagan mo akong maligawan kita. Pangako ko sa'yo, aalagaan kita at di kita papaiyakin.", sabi ni Jan sakin habang hawak nya ang dalawang kamay.
"Sige, ingat ka pag uwe.", sabi ko habang nakangiti.