“OH GOSH! I’m so exhausted!” Matapos ilapag ni Sydney ang mga pinamili niya ay sa center table sa sala ay hapung-hapong inihagis niya ang sarili sa mahabang sofa. Kakauwi lang niya galing sa Duty Free at Mall kung saan ay bumili siya ng regalo sa dalawang cute na pamangkin niya at mga ipampapasalubong niya pag-uwi niya sa hacienda nina Ate Hazel. Bumili na rin siya ng mga gamit niya like sandals, shoes, shirts, blouses, pants and dresses. Mabuti na lang at kumain na siya bago siya umuwi kaya naman ay pwede na siyang matulog after niyang maligo mamaya. Pero mas maganda siguro kung iidlip na lang muna siya. Sobrang napagod talaga siya sa maghapon niyang ginawang pamimili. She was about to close her eyes when she heard her phone ringing. Kinuha niya sa bag niya ang naturang aparato at napa

