“MA’AM, may kailangan pa po ba kayo?” tanong sa kanya ng guard na hiningan niya ng tulong upang mailagay sa compartment ng kotse niya ang lahat ng mga gamit at pasalubong niya. She bought that car the other day. And it cost her more than 3 million pesos. “Wala na po, salamat,” nakangiting pasalamat niya at binigyan ito ng 3 thousand peso bill bilang tip sa pagtulong nito sa kanya. Nang matapos ay pumasok na siya sa loob ng kotse niya. Wearing her dark red lipstick, white croptop carmi strap topped with black blazer, black fitted high-waist ripped jeans and white rubber shoes, she started the engine and turned on the stereo connected to her cellphone through bluetooth. Matapos niyang ilagay sa ulo niya ang signature dark sunglasses niya ay nakangising pinasibad na niya ang kanyang kotse.

