“MIND TO SHARE what you are thinking?” Napalingon siya sa kanyang likuran nang marinig ang nagsalita. Bahagya siyang napangiti nang makita si Brent na nakatayo sa likuran niya habang nakapamulsa. She’s happy with his company but she’s a little bit empty. Pakiramdam niya parang may kulang sa buhay niya kaya heto siya pagkatapos nilang mamasyal sa isang flower farm ay napagpasyahan nilang umuwi sa resort kung saan sila tumutuloy. Agad naman siyang nagtungo sa tabi ng dagat upang magpahangin at tahimik na tinatanaw at pinapanuod ang paglubog ng araw sa kanlurang bahagi ng dagat. “Ang lalim yata ng iniisip mo ah.” Lumapit ito at sumalampak ng upo sa buhangin upang tumabi sa kanya. “Is there something wrong?” Nakangiting tumanaw siya sa dagat. “You’ve already asked that question a lot of tim

