“GOOD MORNING beauty queen!” “Aiysh! Stop it!” Naiiling na umupo siya sa tabi ni Ate Hazel nang pagkagising niya’y magtungo siya sa dining room upang makapag-almusal. “Ang aga-aga nambubwisit ka na naman.” Natawa ito. “What’s wrong with calling you beauty queen? Eh di ba nga nanalo ka kagabi.” “Whatever!” She rolled her eyes. “What’s wrong? Aren’t you happy?” nagtatakang tanong nito. ‘Yes, you’re absolutely right, I’m not happy.’ She wanted to answer that but she refrained herself to say so. Pilit siyang ngumiti sa pinsan at tumusok ng hotdog. “Of course, I’m happy.” Tinaasan siya nito ng kilay. “Really? I don’t think so. It seems like your eyes tell otherwise. Para kang nagluluksa. What’s wrong?” Bakit ba ang galing magbasa ng damdamin itong pinsan niya? “

