10 YEARS LATER… "IT'S BEEN a long time Philippines. Welcome back to me," bulong ni Sydney sa sarili nang makalabas siya sa NAIA. Inilibot niya ang tingin sa paligid at pagkuwa'y napabuntong hininga. It's been ten years since she left the country. At sa loob ng mga panahon na iyon ay ngayon lang siya umuwi. Napagpasyahan kasi niyang magpatayo ng isang music school sa bansa since she finished her doctoral degree major in Education Management sa US. Hindi niya alam kung anong naghihintay sa kanya sa pag-uwi niyang iyon ngunit hinihiling niya na sana'y maging maganda ang kahihinatnan ng lahat. Susunod sa kanya ang parents niya next week. Her parents decided to have their vacation from their work. And dad kasi niya ay nagtatrabaho bilang isang cardiologist sa isang kilalang hospital

