“JANNAH!” nakangiting kumaway siya sa kaibigan nang matanaw niya itong pumipitas ng mga bulaklak sa garden nina Ate Hazel. Ngayon niya lang ulit nakita ang kaibigan. Halos ay naging busy kasi siya sa mga nakalipas na linggo. “O Sydney ikaw pala.” Napangiti ito nang makita siya. Masayang lumapit siya rito. “Long time no see, pasensiya na medyo naging busy kasi ako after ng pageant.” Nakangiting ipinagpatuloy nito ang pagpipitas ng mga bulaklak na inilalagay nito sa mga vases. “Okay lang iyon. Nga pala, balita ko, kayo na raw ni Señorito Rayven. Congratulations pala sa inyong dalawa.” Napangiti siya sa sinabi nito. “Salamat. Unbelieveble right?” “Oo nga eh.” Natatawang itinigil nito ang paggupit at hinarap siya. “Parang kailan lang noong inis na inis ka sa kanya. Naa

