“IT’S FINISHED!”Hindi niya mapigilan ang sariling pumalakpak sa matinding saya nang matapos nilang idikit ang mga stars at moon na glow in the dark sa ceiling ng tree house. Nakangiting pinagmasdan niya iyon. Ilang sandali pa’y bumagsak ang balikat niya at napanguso siya. “Parang may kulang.” “Ano naman?” kunot-noong tanong ni Rayven. Napahawak siya sa baba at sandaling nag-isip nang mahagip ng tingin niya ang Forget Me Not flower. Unti-unting gumuhit ang isang ngiti sa mga labi niya nang may maisip siya. “Pwede kayang magpaint diyan ng design like flowers?” Dahil sa sinabi niya ay napatingala sa kisame si Rayven at tila pinag-aaralan ang sinabi niya. “Pwede rin. Maganda siya. Teka, may mga water based paint dito eh.” Nagtungo ito sa maliit na kusina ng treehouse. Nan

