“SANA pagbalik ko, makapunta ulit ako sa lugar na iyon kasama ka,” masayang sabi ni Sydney kay Rayven habang paakyat sila sa treehouse. Nang mga oras na iyon ay kakatapos lang nilang mamasyal sa secret garden ng pamilya nito. At dahil magtatanghali na ay napagpasyahan na lang nilang bumalik sa treehouse upang makapananghalian. Ayon dito ay mga pagkain daw ang dala nito kanina na iniwan nito sa treehouse. Mukhang prepared na prepared ang loko. Sa mga nakalipas na oras ay wala silang ibang ginawa kundi sulitin ang natitirang oras at araw na meron sila bago siya tuluyang umalis ng bansa. “Pagbalik mo galing America, pupunta ulit tayo r’on.” Napangiti siya sa narinig. “Sabi mo yan ah.” Hindi man niya sabihin dito ay alam nilang pareho na ang lugar na iyon ay isa sa mga pinakapabor

