35 - Forget Me Not

3346 Words

“SAAN BA talaga tayo pupunta?” nagtatakang tanong ni Sydney kay Rayven habang magkahawak-kamay silang naglalakad sa gitna ng kakahuyan. Ang buong akala niya kanina ay sa treehouse sila pupunta ngunit pagkatapos nitong iwan ang mga dala nito sa loob ng treehouse ay hinatak na siya nito patungo sa isang direksiyon. Ilang beses na niya itong kinulit at pilit inuusisa kung saan sila pupunta ngunit iisa lang ang palagi nitong isinasagot.   “You’ll know later,” muli ay nakangiting sagot nito.   “Haayy..” napabuga siya sa sagot nito at bahagyang napangiwi nang maramdaman ang malamig na hangin na dumampi sa balat niya. Sa totoo lang, napaka-creepy ng lugar na iyon. Maliban sa tila gubat ang kinaroroonan nila dahil sa mga naglalakihan at nagtatayugang mga puno ay napakatahimik ng lugar na iyon.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD