“MAGANDANG umaga po,” magalang na bati ni Sydney nang makarating siya sa bahay nina Jannah upang dalawin ang kaibigan nang umagang iyon. Sinadya niyang agahan ang pagpunta roon upang makapagbonding sila ng matagal ng kaibigan. “Señorita Sydney, ikaw pala. Tuloy kayo señorita,” nakangiting niluwagan ni Aling Gina ang pinto ng maliit na bahay ng mga ito matapos itong makahuma sa pagkagulat nang makita siya. Maybe she’s not expecting her to go there. Nakangiting tumango siya at walang pag-aalinlangang pumasok sa loob ng bahay ng mga ito. “Pasensiya na Señorita kung maliit at magulo ang bahay namin,” nahihiyang pinulot nito ang mga nagkalat na damit sa mahabang upuan ng mga ito na gawa pa sa kawayan. “Okay lang po iyon,” nakangiting sagot niya at umupo sa upuan. “Para sa inyo nga po pala

