“KUMUSTA ka na?” kaswal na tanong sa kanya ni Brent habang nakaupo sila sa upuang nasa tapat ng swimming pool nina Jannah. Nang mga oras na iyon ay naliligo si Zharick sa pool kasama ang panganay na anak nina Jannah at Dave na si Jandee. Limang taong gulang na ang bata. At base sa kwento ng kaibigan niya ay nauna raw ang mga itong magkaroon ng anak bago ikinasal ang mga ito. “I’m fine, still alive and breathing,” nakangiting sagot niya at nilingon ang lalaking nakaupo sa katabi niyang upuan. “How about you?” Mabuti na lang busy na si Zharick sa pakikipagharutan at pakikipaglaro kay Jandee kaya naman ay malayang nakakausap at nakakalapit sa kanya si Brent ngayon. Halos ay wala na kasing ibang ginawa si Zharick kundi ang maging brutal kay Brent. Kung hindi sinusuntok, binubugbog o ka

