CHAPTER 07

1511 Words
Tulala si Reyna na bumalik sa loob ng restaurant pagkatapos n'yang masaksihan ang nangyayari sa backstage. Agad s’yang nilapitan ni Rhiz at Mia na puno ng pagtataka sa kanilang mga mukha. “Reyna, okay ka lang ba? May multo ka bang nakikita sa likod ng backstage? “ takang tanong ni Rhiz “Alam n’yo mas maigi pa na pupunta nalang tayo sa clubhouse and enjoy the night. Maloloka lang tayo sa kakaisip d’yan sa multo. “ excited na saad naman ni Mia. “Mas mabuti pa nga, kaya tara girls punta na tayo sa clubhouse magdisco nalang tayo para mawala itong problema ko. “ alanganin ang ngiting sinulyapan ang table na kanyang inuupuan. Nakita n’yang sina Harry at Ruiz na lamang ang naiwan sa table na masayang nagtatawanan at nagkwentuhan. Kaya nagkaroon s’ya nang lakas loob na tunggain ang isang shot ng tequilla na hinanda ni Iamy. “Ayos ka lang ba ate Reyna? Heto po oh lemon at asin. “ alok ni Iamy sa kanya. “Salamat nalang Iamy kaya ko ito manhid na kasi ang puso ko, okay lang sa akin kahit sampung tequilla pa para mag-eenjoy kami ngayong gabi. “ tawang malakas ni Reyna. “May tama na iyan kaya dalhin n’yo na sa clubhouse nang mahimasmasan at lalabas ang pawis n’ya. “ suggest ni Iamy. Sabay na lumabas ang tatlo sa restaurant at pinasadahan muna ni Reyna ang gawi nina Harry at Ruiz nandoon na rin si Julliene, Macoy at Venice. “Pagka-out mo mamaya Iamy punta ka nalang sa clubhouse para makasali sa aming kasiyahan sa taas. “ pahabol ni Mia bago tuluyang umalis. “Okay ate Mia susunod ako mamaya kapag out na’ko, enjoy! “ kaway ni Iamy sa kanila. Nagmamadali na ang tatlo para umakyat sa second floor at sa exit door na sila dumaan. Palinga-linga at hindi mapakali si Harry nang mapansin n’yang hindi na bumalik si Reyna mula ng magpaalam ito para magcr. “Venice nakita mo ba si Reyna? “ bulong na tanong ni Harry. “Nako hindi ko nakita s’ya. “ tipid na sagot ni Venice. Nagpaalam si Harry saglit kay Ruiz at Julliene na pupunta muna s’ya sa cr. Hinanap n’ya kaagad si Reyna sa cr ng pambabae pero walang tao doon, pumunta s’ya sa bar counter at nagtanong kay Iamy. “Ms. tanong ko lang kung pumunta ba dito si Reyna? “ “Yes sir dumaan po dito si ate Reyna pero umakyat sila sa clubhouse magdisco po sila kasama n’ya si ate Mia at ate Rhiz. “ sagot nito. “Saan ba ang clubhouse? “ kunot-noo nitong tanong. “Sir sa second floor po at room 3. “ sagot agad ni Iamy. “Thank you Iamy. “ nagmamadaling pumunta sa second floor si Harry at pumasok na agad sa room 3. Palinga-linga at pilit na hinahanap si Reyna sa gitna ng crowd hanggang sa mahagip ng kanyang mga mata si Reyna nag-eenjoy sa pagsasayaw kasama ang isang lalaki. Walang pakialam si Reyna sa mga tao sa kanyang paligid basta isa lang ang gusto n’ya sumayaw, mag-eenjoy at makalimot sa sakit na naramdaman n’ya kanina lang sa music lounge. Dahil sa maharot na music sa clubhouse naging seductive na ang kanyang sayaw habang sinasabayan naman s’ya ng lalaking kapares. So close ng muntik pa s’yang halikan nito but someone grab her hand and hold it tight at pilit s’yang hinila palayo sa kanyang ka-partner. Nagulat s’yang si Harry pala ang kumaladkad sa kanya palayo ng dance floor at galit na galit itong nakatitig lamang sa mukha n’ya. "Ang paalam mo sa akin pupunta ka lang sa cr at bakit napunta ka dito?" gigil nitong tanong. "Wala kang pakialam kung saan man ako mapunta o kung sino man ang mga kasama ko dahil hindi naman kita boyfriend" ganting sigaw naman ni Reyna. Nagulat si Mia at Rhiz kaya agad naman itong lumapit kay Reyna para tulungan pero hindi na nila naabutan pa dahil kinaladkad na s’ya ni Harry palabas ng clubhouse. "Ate Rhiz, saan kaya dadalhin ng lalaking iyon si ate Reyna? “ takot na tanong ni Mia. "Ewan ko nga Mia hindi ko rin alam eh tsaka hindi ko kilala ang lalaking iyon kasi wala naman s’yang nakwento sa atin kanina. “ "Pero ate sino kaya iyon? Ang gwapo naman n’ya sayang kung deadmahin lang iyon ni ate Reyna bagay pa naman sila. “ nanghihinayang komento ni Mia. "Siguro hindi na iyon babalik dito kaya umuwi na tayo Mia at makibalita nalang tayo sa kanya bukas malalim na kasi ang gabi at inaantok na’ko. " humikab pa si Rhiz. "Ate Rhiz naman eh gusto ko pang mag-enjoy malay natin matagpuan ko dito si pag-ibig. “ pakiusap ni Mia. "Eh di maiwan ka dito at hanapin mo si pag-ibig na iyan basta ako uuwi na kasi may pasok pa ako bukas." Nairitang sagot ni Rhiz. "Sorry na ate Rhiz sige na nga sasama na akong umuwi sa’yo" mahina nitong sagot. Sabay na silang umalis ng clubhouse at diretsong lumabas sa hotel para makauwi na rin sa staff house. Samantalang si Reyna ay kinaladkad pa rin s’ya ni Harry patungo sa kanyang kwarto. "Harry please nasasaktan na ako kaya pwede ba bitiwan muna ang kamay ko. " saglit na huminto si Harry at tumingin lang sa kanya. "Malapit na tayo sa kwarto ko kaya magtiis ka. “ patuloy sa paglalakad at hinila pa rin nito si Reyna. Sumunod na lamang si Reyna na parang tupa. Nasa tapat na sila ng kwarto at agad namang binuksan ni Harry ang pinto pagkatapos ay pabalyang isinara at nilock tsaka lang binitawan at pinaupo si Reyna sa sofa. Harry took a deep sigh at tsaka nagsalita. Ngayon sabihin mo nga sa akin kung bakit ka nakarating sa clubhouse? " nagpipigil na tanong ni Harry. "Wala kang pakialam kong anong gagawin ko Harry! “ sigaw ni Reyna. "Meron akong pakialam baka nakalimutan mong ako ang ka-date mo tapos makita ko nalang nakipaglampungan ka sa iba? " inis naman nitong sagot. Namumula na sa galit at pagpipigil si Reyna kaya tumayo s’ya para buksan ang ref at kumuha ng isang can na rootbeer tsaka inisang tungga. Pinunasan muna ang kanyang bibig bago nagsalita in a tipsy tone. "Akala mo kung sino kang magaling, manhid ka ba talaga Harry? oh sadyang nagbulag-bulagan ka lang para sa akin? “ sunud - sunod na tanong ni Reyna. “Tama na iyan, Reyna. “ lumapit si Harry pero lumalayo naman s’ya. "Akala mo ba hindi ako nasasaktan sa mga ginawa mo sa akin? pinagmukha mo akong tanga at ang sakit dito..” sabay turo nito sa kanyang puso at umiyak ng bongga. Lumapit agad si Harry sa kanya tsaka kinuha ang beer na hawak at yumakap ng mahigpit, yumakap din si Reyna habang patuloy na umiiyak. “I'm sorry Reyna hindi ko sinasadyang saktan ang kalooban mo at patawarin mo sana ako sa pagiging manhid ko sayo. “ he gently kissed her forehead. Wala ng response at iyak mula kay Reyna, hindi narin ito mahigpit na nakayakap sakanya kaya ng tignan n’ya ito mahimbing na pala ang kanyang tulog. Para lang tanga si Harry na nag-eemote at nagdrama din habang ang kausap naman pala n’ya ay masarap na ang tulog kaya hinigpitan na lamang ni Harry ang pagkakayakap nya kay Reyna. "Pambihira nga naman oh, pagkatapos mo akong dramahan at iyakan tinulugan mo pa ako at ginawang unan? “ napailing-iling na lamang si Harry. Binuhat na lamang ni Harry si Reyna para makahiga ng maayos sa kama at nilagyan ng kumot. Minagmasdan ng maigi habang mahimbing itong natutulog. "Hindi ko alam kung ano talaga ang nararamdaman ko para sa iyo, inaamin ko may gusto ako kay Ruiz pero bakit parang may kulang sa akin kapag wala ka sa tabi ko? “ kausap ni Harry sa kanya. “Kanina lang kinain ako ng selos at takot na baka mawala ka pa sa akin kaya agad na kitang inilayo sa lalaking kasayaw mo kanina. Tsaka naisip kong dalhin kita dito sa room ko para magkausap sana tayo ng sarilinan pero pambihira ka tinulugan mo pa ako. “ naiiling na saad ni Harry. "Tinitigan ng husto ni Harry sa mukha ang tulog at walang kamalay-malay na si Reyna at hinahaplos ang pisngi nito. “ Binabantayan na lamang n’ya si Reyna habang mahimbing na natutulog sa kanyang kama hanggang sa maalala n’ya sina Ruiz at ang kapatid n’yang si Julliene na naiwan sa music lounge. Kaya tumawag s’ya agad at dinayal ang numero ng kanyang kapatid. “Hey dude, where are you?! " sigaw agad ni Julliene pagkasagot sa kanyang tawag. “I'm sorry babe may nangyari lang na hindi maganda kanina and I need to rest pakisabi nalang kay Ruiz I'm sorry talaga at di na ako nakabalik pa. I have to go babe.. Goodnight! “ agad n’yang tinapos ang tawag. "Dude! Wait lang, dude.." pero nawala na ito sa kabilang linya. Lumapit uli si Harry kay Reyna at humalik sa kanyang noo. “Goodnight sweetie. Let's talk again tomorrow about our true feelings. Just give me some time to think more about you and I. Sleep well.. " inayos muna n’ya ang kumot nito bago pa s’ya pumunta sa sofa para doon na matulog. Masayang nakahiga na sa sofa si Harry at nakangiting sinulyapan muli si Reyna bago pa s’ya tuluyang nakatulog ng mahimbing.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD