CHAPTER 8

1613 Words
Pagkaalis ni Mary Ann sa backstage dumiretso na s’yang pumasok sa dressing room at iniwan si Macoy mag-isa. Sa loob ng dressing room ibinuhos n’ya ang luhang di pa rin nauubos. Isang malaking sampal sa katauhan n’ya ang katotohanan kaya heto s’ya ngayon bigo at sawi na naman sa pangalawang pagkakataon. Wala na ba talagang humpay ang kalungkutan sa kanyang buhay. “Wala na ba talaga akong karapatang magmahal at lumigaya? Lahat nalang yata ng lalaking minahal ko hindi naman talaga ako ang kanilang minahal pero ito ang pinakamasakit sa lahat. “ tanong nito sa kanyang sarili. “Lahat nalang ng lalaking minamahal ko nawawala kung hindi manloloko, hindi na rin malaya. Ang sakit ng nararamdaman ko ngayon, ano ba talaga ang kasalanan ko sa mundo para ganituhin ang aking kapalaran? “ patuloy pa rin sa pag-iiyak. Halos isang oras din bago n’ya napakalma ang kanyang sarili kaya nag-ayos na s’ya uli para umuwi na lamang sa bahay. Pumunta na agad s’ya sa parking lot pero bago pa n’ya pinaandar ang kotse ay tinawagan muna n’ya si Reyna at Venice pero ni isa sa kanyang mga kaibigan walang sumagot. Kinukulit n’yang tawagan si Reyna kahit alam n’yang dis oras na ng gabi. Nagising si Reyna sa sunud-sunod na ring ng kanyang cellphone kaya kaagad n’yang hinahanap ang kanyang bag. Pero nagulat s’ya ng mapansin ang kwartong kanyang tinutulugan ngayon dahil hindi ito ang kwarto n’ya sa staff house. Kahit nahihilo at mabigat ang kanyang ulo pinipilit pa rin n’yang bumangon sa higaan. Mas lalo s’yang nagulat nang makita si Harry na mahimbing ang tulog sa sofa. Hinayaan nalang muna n’ya si Harry para sagutin ang muling pag-ring ng kanyang cellphone kaya kinuha ang kanyang cellphone at kaagad sinagot ang tawag ni Mary Ann. “Hello.. sissy nasaan ka ba ngayon? Kanina pa ako tumatawag sa’yo at kay Venice pero di naman kayo sumasagot. “ bungad na tanong ni Mary Ann. “I’m sorry sissy kung bigla akong umalis kanina medyo mabigat lang ang pakiramdam ko pero pauwi na rin ako. Nandito pa ako sa music lounge ikaw nasaan ka ba ngayon? “ balik tanong ni Reyna sa kanya. “Pwede mo ba akong puntahan nalang sa bahay sissy doon nalang tayo magkita pauwi na kasi ako ngayon. “ pasinghot-singhot na sabi ni Mary Ann. “Don’t worry sissy papunta na ako d’yan hintayin mo nalang ako para mas sulit ang ating tsikahan at kwentuhan. “ sagot ni Reyna at agad tinapos ang tawag. “Saan ka pupunta, Reyna? Gabi na kaya dito ka nalang matulog. “ pupungas-pungas na bumangon si Harry. “Ako nga ang dapat magtanong sa’yo kung bakit ako napunta dito? Kaninong kwarto ba ito? “ sunud-sunod na tanong ni Reyna. “Lasing ka lang naman at nagkakalat sa clubhouse kaya kinaladkad na kita dito sa kwarto ko pero huwag kang assuming dahil wala akong ginawang masama sa’yo. Tinulungan lang kita at di ko kasi alam kung saan kita iuuwi. “ inis naman sagot ni Harry. “Salamat po sir Harry! Pero sa susunod huwag n’yo na po akong pakiaalaman dahil buhay ko naman po ito at wala kang karapatan sa akin pasensya na po kayo kung naabala pa kita. Magpahinga na po kayo sir Harry, goodnight. “ tinalikuran na ito ni Reyna at dumiretso nang lumabas ng kwarto. Iniwan ni Reyna si Harry sa kanyang kwarto at hindi man lang s’ya sinundan nito pagkalabas n’ya kaya sawing-sawi na naman ang kanyang puso na pumunta sa bahay ni Mary Ann. Mabilis lang na nakauwi si Mary Ann sa kanyang bahay kaya nagshower na muna s’ya at nagbihis kaagad nang biglang may nag-doorbell. Nagmadaling binuksan ni Mary Ann ang pinto at diretsong pumasok si Reyna. “Sissy ha bakit ang tagal mong binuksan ang pinto may ibang kasama ka ba sa loob? Kanina pa kaya ako nagdoorbell sa labas. “ nagdududang tanong nito sa kanya. “Nako wala sissy ahh huwag ka ngang ganyan nagbihis pa kasi ako kaya medyo natagalan sa pagbukas ng pinto. “ alanganin ang kanyang ngiti. “Sissy, bakit ganyan ang hitsura mo umiiyak ka ba? Namumugto iyang mga mata mo eh malabong napupuwing ka lang kaya umamin ka nga sa akin, anong nangyari sa iyo? “nag-alalang tanong nito sa kanyang kaibigan. Umiiyak lang si Mary Ann habang yumakap ng mahigpit kay Reyna at niyakap naman s’ya nito ng mahigpit tsaka hinagod ang kanyang likuran. “Kung ano man ang problema mo sissy, umiyak ka lang dahil hindi kita iiwan nandito lang ako. Just tell me sissy, ano ba talaga ang problema mo? “ tinitigan nito si Mary Ann. “Kasi sissy nabasted ako kanina. Ang sakit pala kung akala mo mahal ka pero hindi pala. “ muling tumulo ang kanyang luha. “Ano? Pambihira ka naman Mary Ann, ikaw pa talaga ang nanligaw? Hinayupak na lalaking iyan paasa pala?! “ gulat na tanong ni Reyna. “Hindi naman sa ganon kaya lang di ko alam kung paano nangyari iyon sissy biglaan kasi at hindi ko napaghandaan. “ napakamot na lamang sa kanyang ulo. “Sabihin mo kasi sa akin sissy, dali na nakakaloka ka talaga. Sino ba ang nambasted sa’yo at tatambangan natin? “ atat na tanong nito. “Ganito kasi iyon may nangyari sa amin ni sir Macoy sa backstage kanina. Hindi ko naman alam na sumunod pala s’ya sa akin. “ nahihiyang kwento ni Mary Ann. “Tapos? Anong ginawa n’ya sa’yo? Ginahasa ka ba ni sir Macoy? O ikaw ang nanggahasa sa kanya? “ pinandilatan n’ya ito ng mata? Hindi alam ni Mary Ann kung maiyak o matawa sa mga tanong nito kaya agad nitong binatukan ang kaibigan. “Baliw ka na ba sissy, r**e agad? Di ba pwedeng harassment muna o di kaya landian. “ “Araayy!! Ang sakit n’yan sissy ha. Ano ba kasi ang nangyari sa inyong dalawa ni sir Macoy kanina? “ seryosong tanong ni Reyna at umupo na ito sa sofa. “Pagkatapos ng last song ko kanina, naalala ko lang ang nakaraan namin ni Lawrence tapos nakita ko pa s’yang sobrang sweet kay Myrah. Kitang – kita ng dalawa kong mga mata na masayang naglalandian sila sa bar counter. “ natigil sa pagkwento si Mary Ann dahil muling tumulo ang kanyang luha. “Tapos? “ muling taong nito. “Binuhos ko lahat ng sakit sa pag-iyak pero hindi ko alam na si sir Macoy pala ang sumunod sa akin para aluhin ako. Niyakap ko s’ya ng mahigpit pero huli ko ng malaman na si sir Macoy pala ang kayakap ko. “ medyo kinikilig n’yang kwento. “Talaga nakakainggit ka naman dahil nayakap muna si sir Macoy, pero bakit ka umiiyak sissy? “ takang tanong ni Reyna. “Oo nayakap ko nga s’ya sissy at hindi lang iyon kapwa namin pinagsaluhan ang matamis na halik pero ang lahat na iyon ay isang pagkakamali lamang. “ hindi na napigilin ni Mary Ann ang umiyak ng todo. “Ano ka ba sissy bakit ka umiiyak? Di ba dapat maging masaya ka dahil mutual ang feelings ninyo ni sir Macoy? Tapos nakahalikan mo pa s’ya, ano masarap ba ang unang halik sa kanya? “ naguguluhan na si Reyna sa takbo ng kwento sa kanya. “It’s unrequited love sissy. Mahal ko na s’ya sa unang pagkikita namin pero hindi iyon tama sa part ni sir Macoy. Isa iyong malaking pagkakamali. “ malungkot nitong saad. “Pero bakit nga, sissy? Sabunutan talaga kita kung ayaw mong sabihin sa akin ang totoo. Nakakainis ka sissy ang lakas ng tama mo ah, ikaw na talaga ang maganda! “ inis na sa kanya si Reyna. “Akala mo lang masaya ako pero hindi sissy kasi ang sakit na eh. Sinampal ako ng ilang beses at daig pang sinaksak ang puso ko ng paulit-ulit. “ tuluyan ng bumuhos ang kanyang luha. “Sissy tahan na ano ba kasi ang nangyari, kinikilig ka pa nga kanina tapos ngayon paiyak-iyak ka na? “ hinahaplos pa nito ang kanyang buhok. “He’s too gentle to tell me the truth sissy that he’s happily married na si sir Macoy at 7 months na buntis pa ang kanyang asawang naiwan sa Pilipinas. At ang asawa n’ya ang kanyang only love, o di ba ang sakit sissy ng katotohanan. “ pasinghot-singhot n’yang kumpisal. “Talaga sissy inamin n’ya iyon sa’yo on the spot at sa harapan mo pa after what he did to you. Oh my gosh! I can’t believe it, sissy. Isang sampal nga iyon sa pagkatao mo pero okay na rin iyon atleast honest si sir Macoy. “ iling na lamang ni Reyna. “Ang sakit na nga sissy at nakakahiya pa sa akin. “ asar naman na kinurot ni Mary Ann si Reyna. “Ang hard naman pala ni sir Macoy para sabihin n’ya agad – agad ang katotohanan sa’yo pero infairness faithful s’ya talaga sa kanyang asawa. Siguro ang ganda n’ya at mabait dahil hindi s’ya kayang ipagpalit sa iba tsaka mahal na mahal s’ya ni sir Macoy. “ malungkot na saad ni Reyna. “Tama na iyan sissy tanggapin nalang natin ang katotohanan na di talaga s’ya para sa’yo. Don’t worry sissy andyan pa naman si sir Harry parang type ka din n’ya. “ muling susog nito kay Mary Ann. “Anong type ako? Eh mukhang ikaw nga ang type ni Harry nakikita ko kaya kung paano s’ya tumingin sa’yo ang lagkit talaga as in sobrang lagkit. “ ngumingiti ng makahulugang ito para sa kanyang manhid na kaibigan. “Hayaan mo na sissy aalamin ko iyan kung sino talaga ang gusto n’ya. Pero sa ngayon huwag ka ng umiyak mag-beauty rest nalang tayo. “ sabay na silang tumawa ng malakas. “Thank you sissy pinagaan mo talaga ang aking pakiramdam. “ yakap nito ng mahigpit. “Don’t worry sissy di kita pababayaan nandito lang ako at si Venice sa hirap at ginhawa, pati sa lungkot at ligaya. “ niyakap na n’ya ito ng mahigpit. Ang hindi lang alam ni Mary Ann pareho lang sila ng nararamdaman ngayon dahil paasa lang din si Harry sa kanya. “Minsan ako ang gusto pero madalas naman nagloloko sa iba. “
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD