CHAPTER 9

1514 Words
Late ng nagising ang magkaibigan na sina Mary Ann at Reyna kaya hindi nalang s’ya pumasok sa kanyang trabaho. May hang-over pa rin s’yang nararamdaman kaya agad uminom ng kape para mahimasmasan. Gising na rin si Mary Ann at kaagad na bumangon para maghanda ng kanilang late lunch. “Sissy, kamusta naman ang pakiramdam mo? “ agad na usisa ni Reyna. “Ayos lang naman sissy, masakit pa rin pero mawawala rin ito katulad sa nangyari sa amin ni Lawrence noon. “ wala sa sarili nitong sagot. Umiling lang si Reyna sa sagot nitong wala naman sa isip. “Eh hanggang ngayon pa nga lang hindi mo makakalimutan si Lawrence, iyan pa kaya si sir Macoy. Pustahan tayo idadaan nalang natin iyan sa kanta mamaya. “ suggest ni Reyna. “Hayaan mo may naiisip na akong kakantahin mamaya kaya walang iyakan, okay? “ pekeng ngiti ni Mary Ann. Hindi pa nakasagot si Reyna ng biglang mag-ring ang kanyang cellphone at ng tignan kung sino ang caller si Harry kaya hindi na lamang s’ya nag-abalang sagutin ang tawag nito. “Bakit ayaw mong sagutin si sir Harry? Baka naman importante ang kailangan niya sa’yo, sige ka hindi na iyon tatawag uli magsisi ka talaga. “ pang-aasar ni Mary Ann sa kanya. “Tse! Pakialam ko sa kanya, buwisit ang lalaking iyon kagabi pa ako naiinis sa kanya. “ asar talong sagot ni Reyna. Pero muling nag-ring ang kanyang cellphone, buong akala n’ya si Harry pero si Venice naman pala ang tumawag kaya hindi na nag-alangang sagutin ang tawag ng kanyang kaibigan. “Sis, where are you?! Nahihilo na ako sa gutom at mga tawag ng guests natin kaya pumasok ka na, please..“ bungad na sagot ni Venice. “Sis wala man lang pa-Hello d’yan? Nasa lungga pa ako ngayon masama kasi ang pakiramdam ko kaya hindi ako papasok. “ maarteng umubo pa si Reyna. “Hoy, bruha ka! Iinom-inom ka tapos iiwanan mo ako dito sa ere. Pumasok ka ng half day kung ayaw mong matalakan ng bongga ni ma’am Janeth kaya please pumasok ka na sis.. “ pagmamakaawa ni Venice sa kabilang linya. “Pumasok ka na sissy baka biglang sumabog ang Mt. Mayon ng Pilipinas kung hindi ka makikita ngayon ni ma’am Janeth. Ayan lasing pa more!! Kulang pa iyan sissy kaya mamayang gabi uli. “ nakangising sabi ni Mary Ann. Agad naligo si Reyna para pumasok na lamang dahil totoo ang sinabi ng kanyang mga kaibigan baka ito na ang katapusan ng kanyang mundo kapag nakaharap nito si Janeth Linugon ang kanilang Hotel Manager na ubod ng sungit. “Sissy, kumain ka muna bago umalis para may lakas ka kapag sasabunin ka na. “ aya ni Mary Ann sa kanya pagkatapos nitong magbihis. “Sige sissy para hindi ako himatayin kapag pinatawag na’ko sa kanyang opisina. “ agad na umupo at sumabay kay Mary Ann sa pagkain ng late lunch. “Thank you, sissy sa foods at tsikahan pero hindi pa tayo tapos ha mamaya uli at dito na ako matutulog. “ paalam ni Reyna. “Sige sissy sabay na tayong umuwi tonight. Ingat ka goodluck sa talak ni ma’am Janeth. “ nakangising kaway ni Mary Ann bago pa ito tuluyang nakaalis. Nagmamadaling pumasok ng hotel si Reyna at agad nagtime -in tsaka pumunta sa kanyang pwesto. Taas ang kilay ni Venice na hinarap si Reyna. “Bakit nawala ka sa music lounge kagabi? Saan ka nagpunta? At sino ang kasama mo kagabi? Saan ka ba talaga natutulog? “ sunud-sunod na tanong ni Venice. “Hinihingal pa nga ako sis huwag ka nga ng magulo ang tsismosa mo talaga. Pero secret wala ka ng pakiaalam sa akin kung saan man ako nagpunta lastnight. “ inis na sagot ni Reyna. Naglunch break muna si Venice kaya naiwanan s’yang mag-isa sa front desk. Nakayuko si Reyna ng may lumapit na guest. “hi! “ bati ng lalaking guest. “Hello sir good aft—“ natigil ang kanyang pagbati ng makita kung sino ang bumati sa kanya. “Saan ka ba natulog kagabi? Hindi ka raw umuwi sa staff house sabi ni Venice. “ nag-alalang tanong ni Harry. “Kung saan man ako matutulog hindi mo na problema iyon sir Harry dahil wala naman kayong pakiaalam sa buhay ko. “ madiin ni sagot ni Reyna sa mahinang boses. “Of course, I have dahil ako ang huli mong kasama kagabi. Paano kung may nangyaring masama sa’yo? Eh di kargo di konsensya ko pa iyon. “ defensive na sagot naman ni Harry. “Sir Harry, sorry po pero I’m still on duty kaya kung wala na po kayong ibang sasabihin tatapusin ko lang po itong reports ko. “ iwas ni Reyna sa kanya. “Wala na pero gusto pa sana kitang makausap, pwede ba kitang hintayin pagkalabas mo mamaya? “ pangungulit uli ni Harry sa kanya. “May kasabay na po ako pauwi mamaya salamat nalang po. “ tumahimik na lamang si Reyna at ipinagpatuloy ang kanyang ginawa. Lumayo na lamang si Harry para hindi na maestorbo si Reyna sa kanyang trabaho pero binabantayan naman n’ya ito sa may customer lounge. Busy sa pagbabasa ng magazine nang tinapik ni Julliene ang kanyang balikat. “Dude, samahan mo naman ako sa restaurant magkikita kami ni Ruiz at doon na tayo kakain dahil nagpareserve na’ko sa kanya “ sabi Julliene at hinila patayo ng sofa. Nakita iyon ni Reyna kaya napailing-iling na lamang s’ya dahil napaka-spoiled brat ng kanyang kapatid. Bago tuluyang umalis si Harry dumaan muna ito sa frontdesk at malakas na tinapik para makuha ang attention ni Reyna. “I’ll be back, Reyna! “ sabi nito bago sumunod kay Julliene. “Kahit huwag na para walang estorbo! “ ganting sagot nito sa kanya. “Hoy! “ gulat ni Venice. “Ayy, kabayo ka! “ sigaw ni Reyna sa sobrang gulat. “Ang hard mo ha kabayo pa talaga. Ang ganda ko ateng! “ irap ni Venice at ipinagpatuloy na ang kanyang naiwang gawain. “Ako na d’yan mag-rounds ka muna sa paligid. “ utos ni Reyna. “Oh sure bet ko iyan sis ng makapagboys hunting ako sa labas. “ nakangising lumabas si Venice ng frontdesk at ang unang pinuntahan ang guard ng entrance. “Reyna, nasaan si Venice? “ tanong ni Janeth. “Ma’am Janeth good afternoon po. Nag-rounds po muna si Venice ma’am para macheck ang areas of responsibilities namin. “ magalang na sagot ni Reyna. “Okay, good. Anyways, where’s your monthly reports? Kailangan pa ba na ako ang laging mag-update sa inyo? “ seryoso nitong tanong sa kanya. Kinakabahan si Reyna ng kunin ang mga files ng kanilang monthly reports at nanginginig pang ibinigay sa kanya. “Bakit half day ka today? Kanina ko pa ito hinihingi pero wala ka at ang saan ka na naman kagabi? Last warning ko na ito sa’yo ha kung ayaw mong sisantehin kita agad-agad. “ galit nitong warning sa kanya. “I’m sorry po ma’am hindi na po mauulit. “ habol ni Reyna sa papalayong Manager nila. Isang malakas na tawa ang bumubulabog sa frontdesk area pagkaalis ng kanilang Manager. Ang lokong si Venice ang tawa nang tawa. “Sis magbanlaw ka muna sa pool ang dami mong sabon eh. “ “Nang-aasar ka ba sis? Baka gusto mong ikaw ang iloblob ko sa swimming pool! “ pinandilatan n’ya ito ng mata. “Ito naman di ka na mabiro. Don’t worry sis may dala akong towel at extrang damit sa locker kaya okay lang kahit magbabad pa ako sa tubig. Mas feel ko dyesebel !! “ malanding ngiti ni Venice. “Buwisit! Kahit anong gawin mo hindi bagay sa iyo ang magiging dyesebel ni kaliskis n’ya hindi babagay sa pagmumukha mo. “ asar naman ni Reyna. “Abay loka ito! Ang kagandahan ko walang panapat sa kagandahan mo sis kaya huwag ka ng bitter d’yan. “ pumasok na sa frontdesk. Dumating na si Mary Ann at lumapit muna sa frontdesk para kausapin saglit ang dalawa bago pumasok sa training room. “Sissy, kamusta nasabon ka ba ni madam?! “ bungad na tanong ni Mary Ann. “Yes sissy sinabi mo pa. Buti nga busy kaya isang bagsakan lang na talak ang ginawa sa akin kanina. “ ngiti nalang ni Reyna. “Venice bakit mo ako iniwan kagabi? “ tanong ni Mary Ann. “Aba sis kayo ang nang-iwan sa akin. Iyong isa d’yan mag-cr lang daw pero hindi na nakabalik ganon din si sir Harry hindi nakabalik kaya umuusok ang ilong ni Julliene ‘d bruha dahil iniwan din sila. “ kwento naman ni Venice. “Masama ang pakiramdam ko after my last song kaya umuwi na ako ng maaga kagabi. “ sagot naman ni Mary Ann. “May balita ako sa inyo dahil maagang umalis kanina si sir Macoy pero naiwan si sir Harry dahil hindi pa tapos ang business conference. “ balita ni Venice. “Sissy okay ka lang ba d’yan? “ nag-alalang tanong ni Reyna. “Oo naman sissy. Pupunta ba kayo tonight? “ pilit na pinapasaya ang kanyang boses. “Syempre sissy lagi naman kaming nakasuporta sa’yo kaya huwag kang mag-alala manonood kami sa show mo tonight. “ yakap nito kay Mary Ann. “Maraming salamat. Asahan ko ang inyong pagdating tsaka kakanta mamaya si Hendrix kaya huwag kang mawawala sis. “ sabi nito bago umalis. “Oh no my Hendrix!! Manonood talaga ako sa kanya pero ano kayang kantahin ng baby ko? “ daig pa nito ang nananigip ng gising. Kahit naging bigo man si Mary Ann tama lang ang naging desisyon nilang dalawa ang lumayo sa isa’t isa para hindi masadlak sa isang malaking pagkakamali.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD