CHAPTER 10

1507 Words
Lagi ng nagte-text si Julliene kay Ruiz para mangungulit at ngayon papunta na naman ito sa restaurant para maglate lunch kasabay nila ang kanyang kuya Harry. Wala nang nagawa si Ruiz kundi ang pagbigyan ang kahilingan nito. “Myrah, pakiaayos naman iyong VIP room reservation for Julliene Cheng. Paparating na sila at pakibigay na rin itong pagkain na orders nila kay chef Rhiz pati iyong new cocktail drinks na mixed ni Iamy maghanda s’ya ng tatlo. “ utos ni Ruiz kay Myrah. “Hi, baby Lawrence! Nand’yan ba si Iamy? May inuutos lang kasi si ma’am Ruiz sa kanya.“ malambing na bati ni Myrah sa kanyang crush. “Kayong dalawa oras ng trabaho naglalampungan pa kayo dito sa bar counter. Ano ang kailangan mo sa akin Myrah? “ mataray na sita naman ni Iamy. “Naiinggit ka lang sa amin ni baby Lawrence ko dahil wala kang jowa! “ pang-aasar ni Myrah “Excuse me may jowa ako noh hindi lang ako showy na kagaya mo. Ano ba talaga ang kailangan mo sa akin at hinahanap mo ako? Kung wala kang kailangan lumayas ka na nga sa harapan ko. Buwisit! “ inis na tanong ni Iamy. “Sabi ni ma’am Ruiz maghanda ka raw ng tatlong glass ng new cocktail drinks na ikaw ang nagmixed sa VIP room mo iserve ay hindi ako pala ang magbibigay dahil ako ang nakatuka doon. “ bilin nito bago umalis patungong kitchen. “Hoy, Lawrence girlfriend mo na ba si Myrah?! Walang respeto ang sarap talagang tirisin. “ tanong ni Iamy pagkaalis ni Myrah. “No, we’re just friends. “ tipid na sagot ni Lawrence. “But soon to be lovers? Wow!! Ang showbiz n’yong dalawa ah! Pero Lawrence ha kung wala kang gusto sa kanya tapatin mo na s’ya para naman hindi aasa sa’yo. “ pangungusisa ni Iamy kay Lawrence. “Lovers agad? Tsaka ayoko pa ng relasyon dahil may tinik pa sa puso ko! At hindi ko s’ya gusto para maging girlfriend ko. “ pasaring na sagot ni Lawrence. “Hanggang ngayon bitter ka pa rin ba kay Mary Ann? Ang tagal n’yo ng naghiwalay pero hindi ka pa rin nakamove on? Juskolord! Pero balita ko type ni Mary Ann si sir Macoy iyong kumanta ng I’ll be there. Infairness mas gwapo si sir Macoy sa’yo noh. “ pang-aasar ni Iamy sa kanya. “Wala akong pakialam kung ano man ang gagawin ni Mary Ann dahil matagal na s’yang malaya. Gwapo nga pero may asawa na s’ya. “ malungkot na sagot nito sa kanya. “Pero mahal mo pa rin si Mary Ann di ba? Hindi mo lang kayang aminin sa kanya. Bakit ba kayo naghiwalay noon? Weeh.. hindi nga? Sayang naman kung meron na s’yang asawa. “ muling pangungulit nitong tanong. “Good afternoon ma’am! “ bati ni Lawrence ng pumasok si Julliene. “Tumahimik ka na Iamy, pwede ba? ” bulong ni Lawrence sa kanya. “Hi sir Harry good afternoon po. “ bati naman ni Iamy pagkakita kay Harry na nakasunod lamang sa kanyang kapatid. “Oo na po pero may utang ka pa sa akin Rence kaya pag-isipan mong maigi ang sagot. “ bulong din ni Iamy sa kanya. “Hi ma’am Julliene, sir Harry! Dito po tayo kanina pa po naghihintay si ma’am Ruiz sa inyo. “ masiglang bati ni Myrah at dinala sila agad sa VIP room kung saan naghihintay si Ruiz. “Hi Ruiz. How are you? Sorry for being late. “ tanong ni Harry sa kanya. “I’m good. Have a seat. Myrah pakiserve na iyong orders namin. “ utos nito na kaagad din sinunod ni Myrah. “Bakit di kayo mamasyal ni kuya Harry tapos na ang conference nila for today kaya libre na s’yang gumala ngayon. “ singit ni Julliene. “Sorry, I can’t Julliene may trabaho rin ako dito sa restaurant. Don’t worry mag-island hopping tayo sa Sunday dahil day-off ako n’yan. “ paliwanag ni Ruiz kay Julliene “Pwede ba akong sumama sa inyo ni kuya Harry? “ excited nitong tanong. “No problem, Julliene kung okay lang kay Harry na mag-island hopping tayo sa Sunday? “ untag ni Ruiz sa natahimik na si Harry. “Walang problema sa akin iyon. “ tipid na sagot ni Harry . “Okay sige kumain muna tayo. “ aya ni Ruiz. Sabay na lumabas sina Myrah at Lawrence bitbit ang walang laman na tray pagkatapos na tinulungan ni Lawrence si Myrah para magserve ng food and drinks sa VIP room. “Salamat sa tulong mo baby Lawrence mabuti nalang nandyan ko pasaway kasi itong si Paul absent pa today. “ nangiting sabi nito pero inirapan lang s’ya ni Iamy. “Alam mo ba ang landi mo girl, umalis ka na nga dito sa pwesto namin dahil naalibadbaran ako d’yan sa pagmumukha mo! “ inis na pinagsabihan si Myrah. “Hoy, Iamy huwag ka ngang pakialamera sa amin ni baby Lawrence ko ang sabihin mo naiinggit ka lang dahil ako ang pinapansin n’ya at hindi ikaw! Tsaka hindi ikaw ang kausap ko noh sabat ka nang sabat eh. Bye baby ko, mamaya nalang may inggiterang palaka kasi sa tabi mo. “ nag-flying kiss pa ito kay Lawrence bago umalis at nagtungo sa kitchen. “Ako pa talaga ang naiinggit sa’yo? No, way! Tsaka hindi ko magugustuhan iyang baby mo kahit isaksak mo pa iyan sa iyong bagà wala akong pakialam sa inyong dalawa. Ikaw ang mukhang palaka, malandi! “ gigil na saad ni Iamy. “Talaga bang hindi mo ako magugustuhan, Iamy? Ang harsh mo naman sa akin ganoon na ba ako kapangit para hindi makapasa sa standards mo sa mga lalaki? “ seryosong tanong ni Lawrence pagkaalis ni Myrah. Napalunok bigla si Iamy at napipilan sa mga katanungan ni Lawrence pero pinanindigan n’ya ang kanyang mga nasabi kanina lamang at tinitigan sa kanyang mga mata. “Actually, hindi ka naman pangit Rence sadyang hindi lang talaga kita gusto at kahit anong kilig pa ni Myrah sa’yo sorry pero sa akin hindi ko iyon naramdaman sa iyo kahit magpa-cute ka pa d’yan, kasi hindi tayo talo noh. “ paliwanag ni Iamy at ipinagpatuloy na lamang ang kanyang ginagawa. “Grabeh ka sa akin ang gwapo ko kaya para maakit sila sa akin. Pero hindi ko naman inaasam na magustuhan ako ng lahat at maging paasahin sila sa pagmamahal ko. Sa ngayon pass muna ako sa pag-ibig at kaibigan lang talaga kami ni Myrah. “ sagot naman ni Lawrence. “Whatever! Hi Mary Ann. “ bungad na bati ni Iamy sa kapapasok lang na si Mary Ann. “Hello Iamy! “ bati rin ni Mary Ann at ngumiti lang kay Lawrence. “Kamusta na Ann? “ tanong ni Lawrence sa kanya. “I’m good. “ tipid nitong sagot. “Mary Ann! “ tawag naman ni Hendrix. Lumingon lang si Mary Ann sa kanya. “Sige alis muna ako may practice pa kami ng banda namin. “ “Ayeehh..kakanta ba si Hendrix mamaya? “ tanong ni Iamy. “Yes, Iamy kaya abangan mo nalang. “ sagot ni Mary Ann at agad na umalis. Inakbayan pa ni Hendrix si Mary Ann ng makalapit ito sa kanya at sabay na silang pumasok sa training room. Habang tinitignan lamang sila ni Lawrence mula sa bar counter. “Huwag mo na akong akbayan Hendrix dahil wala ng nakatingin sa ating dalawa. “ tanggal ni Mary Ann sa kanyang kamay. “Pero aminin mo man o hindi effective kaya kasi nagseselos yong ex mo kanina habang inaakbayan kita ang tabis kaya ng mga tingin n’ya sa atin. “ tumawa lang si Hendrix ng makapasok na sila sa loob. “Don’t worry schedule ko bukas ako naman ang may pakulo sa ating dalawa para makaganti ka sa manlolokong iyan. “ singit naman ni Dylan sa kanilang usapan. “Tama na nga kayong dalawa wala na naman kayong magagawa sa mga buhay n’yo. Ang isipin n’yo ang inyong mga sarili huwag iyong sa akin dahil tahimik na ang buhay ko ngayon. “ asar na pinukpok ni Mary Ann iyong dalawa na pinagtatawanan lang s’ya. “Sige na nga mag-umpisa na tayo sa pag-eensayo. Ano ba ang opening number natin? “ seryosong tanong ni Hendrix. “Hindi ba pwedeng ikaw na lamang ang mauna Hendrix total mas marami kang fanbase d’yan. “ sabi ni Mary Ann. “Oo nga maraming bading na nag-aabang sa’yo pre! “ pang-aasar naman ni Dylan. “Sige na nga ako ng maunang kakanta. “ agad na sang-ayon ni Hendrix. “Ano naman ang kakantahin mo? “ seryosong tanong ni Mary Ann. “ Hmmm.. One last cry. Eh ikaw anong kakantahin mo?“ he smiled at her. “I love you goodbye. “ tipid na sagot ni Mary Ann. "Para kanino naman ang kantang iyan? Huling pamamaalam mo na ba iyan kay Lawrence? " kunot-noong tanong ni Hendrix. "Wala kang pakialam at walang basagan ng trip! " irap ni Mary Ann. “Wow. Nakakahiya naman sa mga kanta ninyong dalawa kaya ako kakanta din para sa huling kanta. “ ngisi naman ni Dylan. “At ano naman iyong pinagmamayabang mong kanta? “ taas ang kilay na tanong ni Mary Ann. “Ang senti n’yo kasi kaya ang kakantahin ko mamaya, dying inside. Oh di ba ang ganda para iwas iyakan. “ pagmamayabang na sagot ni Dylan. “Hay nako eh di ikaw na ang hindi madrama! “ irap ni Mary Ann at agad kinuha ang gitara dahil si Hendrix ang nauunang kumanta. Naunang kumanta si Hendrix sa kanilang pag-eensayo at si Mary Ann naman ang may hawak ngayon ng gitara. Sinabayan nito ng gitara at drum ang kantang One Last Cry ni Hendrix.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD