CHAPTER 03

1642 Words
Tapos na ang kanilang shift kaya nagmamadali nang nagtime.out sina Reyna at Venice para makapunta agad sa training room ng music lounge para ibalita sa kanilang kaibigan ang magandang balita. “Sissy.. may good news kami sa iyo at hulaan mo na! “ sigaw ni Reyna pagkapasok pa lang ng training room na ikinagulat pa ni Mary Ann. “Ano naman iyon sissy? Pagkain ba iyan o bago mong prospect na gwapong boylet? ” seryoso din nitong tanong. “Ganito kasi yon sissy kaninang hapon nakausap ko si sir Macoy at na-invite ko siyang manood ngayon sa performance mo. ” masayang kwento ni Reyna. “Ano?! Sissy naman bakit ka pa nag-invite ng mga bigating guest natin kinakabahan na tuloy ako? Tsaka sino naman ang Macoy na iyan? Bago mong boyfriend? “ pambalewala nitong tanong dahil labis na itong kinakabahan. “Hoy bruha ka talaga! Hindi ko boyfriend si sir Macoy noh at ayaw mo pa noon gwapo ang bisita mo at malay natin baka mainlove pa siya sa iyo.” kinikilig pa nitong sabi. “Manahimik ka nga! Bakit higit pa ba iyan sa ex ko aber? Ang gwapo at macho kaya ni Lawrence wala pang nakakahigit sa kanya. ” agad napataas ang kilay ni Mary Ann. “Watch out sissy at nganga ka talaga kapag nakita mo na si sir Macoy. Iyang ex mong si Lawresyano, taob iyan sa manok kong gwapo! “ They both laughs and giggles while Vince shout out with excitement. “Andyan na! andyan na s’ya.. ” patiling baklush ang sigaw nito na palapit sa aming dalawa. “Ang ingay mo bakla!” tsaka agad na binatukan ito ni Reyna. “Araay!! Ang sakit naman n’yan Reyna ha.” reklamo ni Vince at napakamot pa ito sa kanyang batok. “Manahimik na nga kayong dalawa dahil ayoko ng maingay habang nag-eensayo ako. Baka maabutan pa kayo dito ng mga kabanda ko asar pa naman si Hendrix sa iyo bakla. “ napailing na iniwanan ni Mary Ann ang dalawa at muling hinarap ang pag-eensayo sa kanyang sayaw habang wala pa ang mga kasama n’yang banda. “Silipin ninyo kasi si Sir Macoy andon siya sa may bar counter at kausap iyong ipinagmamayabang mong gwapo at machong ex na si Lawrence. “ nguso ni Vince sa dalawang lalaki na nag-uusap. Magkasabay pa na sumilip sina Reyna at Mary Ann. “Oh, ano ka sissy nganga? Sinong mas gwapo sa dalawa? Si sir Macoy o ang ex mong tukmol? ” tanong ni Reyna sa napatulalang si Mary Ann. “Ha? Oo gwapo nga ang galing mong mamili ng fafa Vince. “ umirap lamang ito at nakangiting malapad. “Well besh, ipakilala ka namin sa kanya mamaya kaya galingan mo ang pagkanta at paggiling sa iyong performance para maakit s’ya sa alindog ng isang sikat na singer performer ng Lotte Hotel Bar and Restaurant, the one and only Mery Ann Dela Cruz!! “ pumalakpak ito ng malakas at tumawa pa ng nakakaloko. “Siraulo ka talaga Vince lumabas na nga kayong dalawa at nang makapahanda na ako dito.” pagtataboy nito sa dalawang kaibigan. “Ok sissy.. aalis na kami para makapag-ayos ka d’yan. Bye!! “ paalam ng dalawa sa kanya. Magkasabay na naglakad si Julliene at Macoy patungo sa music lounge, nahuli naman si Harry dahil may tumawag sa kanya. Malapit na sya sa pintuan ng training room ng makita niyang lumabas si Venice at kasunod nito si Reyna. “Sissy galingan mo sa performance mamaya ha kasi manonood si sir Macoy. “ habol na bilin ni Reyna. Kinalabit siya ni Venice kaya bigla siyang napalingon at saktong nahagip ng kanyang paningin si Harry na nakatitig sa kanya at halos laglag pa ang panga sa pagkamangha kay Reyna. “Hi sir Harry nandyan ka pala sinilip lang namin iyong bestfriend ko nagpractice kasi s’ya pero papunta na rin kami sa music lounge. “ nahihiyang ngiti ni Reyna. “Wow..ang ganda mo Reyna bagay sa’yo iyang suot mo ngayon lalo kang gumanda. “ ganting ngiti sa kanya at inilahad pa kamay para alalayan s’ya sa paglalakad. “Asus nambola ka pa sir Harry, biglang lumubo tuloy ang ulo pati ang heart ko. “ lalong kinikilig si Reyna ng ngumiti si Harry. “Pwede bang maging escort mo sa pagpasok natin sa music lounge? “ seryoso pa nitong alok. “Sure sir Harry it’s my pleasure. “ ikinawit agad ang kamay sa braso nito tsaka sabay na naglakad patungo sa loob ng music lounge. “ “Bruha ka talaga sis umangkla agad kay sir Harry at di man lang nagpakipot. “ bulong ni Venice “Sis may sinabi ka ba dyan? “ tipid nitong tanong. “Wala sis..ang sabi ko lang naman nandito ako sa likuran mo hila ang mahaba mong buntot este buhok pala baka maapakan kasi sa sobrang haba ng hair mo sis. “ asar na sumunod sa kanilang dalawa. “Ok lang iyan sis carry ko pa naman. “ nakangiting tinignan si Harry. Nasa loob na sila at hinahanap agad ni Harry ang table nina Julliene at Macoy. “ nagpalinga-linga sa paligid at nakita nilang masayang nagkwentuhan, tawanan sina Macoy at Julliene. Naaasar na naman si Reyna dahil nakita niyang muli ang bruhang female guest at masaya pa ngayon si Macoy sa piling ni Julliene. Tinapik siya ni Harry kaya nilingon n’ya ito na nakakunot ang noo. “Tara doon tayo sa table nila Macoy at Julliene malapit lang iyon sa stage. “ Napansin naman ni Julliene ang presensya ng kuya Harry niya pero napasimangot siya ng makitang may kadate ito at nakaangkla pa sa kanya. Lumapit agad si Harry kasama si Reyna para ipakilala ang huli sa kanila. “Hey babe.. “ bati nito kay Julliene. “Babe meet my date, this is Reyna Egam and this is also my baby sister Julliene at ito naman si Macoy, my buddy and business partner. “ “You look good Reyna with your outfit, bagay sa’yo. “ papuri ni Macoy at agad siyang kinamayan nito. “Thanks a lot sir Macoy. “ ang lapad nang kanyang ngiti ng pinaupo pa s’ya sa tabi nito. Umupo na rin sa tabi ni Reyna si Harry at palihim na hinawakan nito ang kanyang kamay sa ilalim ng table. Sa sobrang asar ni Julliene kay Reyna, tumayo nalang ito at nagwalk.out tsaka naglakad patungo sa bar counter. “Babe.. Where are you going? “ sigaw ni Harry para marinig s’ya ni Julliene. “Relax dude kukuha lang ako ng lason at may lalasunin akong palaka! “ irap nito sa kanila at nagtuloy na sa bar counter. “Waiter!! “ umupo agad sa stool ng bar at hinintay ang paglapit ng waiter sa kanya. Nabigla s’ya ng paglingon nito ay babae pala ang tinatawag n’yang waiter kanina. “Owwss.. such a lovely angel in disguise ang cute naman babae pala ang bartender dito. Anong pangalan mo girl? “ curious na tanong ni Julliene. “Iamy Canonigo po ma’am. “ “Ah ok, nice name. I'm Julliene Cheng it’s nice to meet you, Iamy. “ “Ako din po ma’am. Ano pong gusto ninyong drinks para makapagmix na ako. “ “Meron ka bang drinks na pwedeng panlason? “ bigla nitong tanong. Nagulat naman si Iamy kaya nagbiro nalang ito sa kanya. “Meron po ma’am malatayon! “ “Ganon ba Iamy, sige bigyan mo nga ako nang isang shot may lalasunin lang ako. “ nakataas pa ang kanyang kilay. “Grabe ka naman maam Julliene nagbibiro lang po ako. “ alanganin ang kanyang pagtawa. “Well hindi ako nagbibiro Iamy sa sinabi ko kanina, but anyways bigyan mo nalang ako nang masarap na drinks para sa akin. “ “Sure ma’am Julliene bigyan kita ng masarap na cocktail drinks at siguradong magustuhan n’yo po. “ nakangiti nitong tugon kay Julliene. “Okey, I'll wait for my special drinks here. “ sabi n’ya nang may nahagip ang kanyang mga mata sa isang sulok. “Iamy, kilala mo ba iyang girl d’yan sa sulok na nagmumokmok? “ turo pa ni Julliene sa babaeng nag-iisa. “Ah si ma’am Ruiz po s’ya iyong manager dito sa music lounge bagong hired lang din halos kasabayan ni ma’am Janeth iyong bagong Manager po ng Hotel. “ “Pero talaga bang ganyan s’ya, malungkot at laging nag.iisa? “ “Opo, Ms. Lonely ang tawag namin d’yan kay ma’am Ruiz at tsaka masungit din po iyan kunting pagkakamali nga namin sinisigawan n’ya agad kami. “ hindi napigilang magsumbong ni Iamy. “Talaga? It sounds interesting, may boyfriend na ba s’ya? “ tanong agad ni Julliene. “Wala na po ma’am Julliene kaya nga ganyan s’ya dahil bitter iyan sa buhay at ang balita pa nga namin pumunta lang dito para magpapahilom sa kanyang sugatang puso. “ chika naman ni Iamy. “In short, she’s broken hearted. Iamy make it for two iyong order kong drinks at pakiserve nalang doon sa table, thank you. “ umalis agad para lapitan si Ruiz sa kanyang table. “Myrah, pakiserve naman itong drinks sa table ni ma’am Ruiz “ utos agad ni Iamy nang lumapit si Myrah sa bar counter. “Bakit ako pa Iamy ang magserve n’yan wala bang iba? Alam mo naman maselan iyan si ma’am Ruiz baka maibuhos ko lang sa kanya itong drinks. Sino pala iyang kasama n’ya? “ kamot sa kanyang ulo. “Huwag ka nang magreklamo Myrah at iserve mo nalang iyan para di ka na malintikan ni ma’am Ruiz. “ Lumapit si Julliene sa table ni Ruiz at walang hiya na umupo sa kanyang harapan. “Hi can I join you here in your table? “ “Yeah sure, but I guess there's still a lot of vacant tables. “ takang sagot nito sa kanyang kaharap. “Actually, I need to talk to you Ruiz, by the way I'm Julliene Cheng. “ lahad ng kanyang kamay para magpakilala. Dumating iyong waitress na may dala ng inumin at agad inilapag ang cocktail drinks para sa kanila. “Thank you, Myrah at pakisabi naman kay chef Marish na iserve iyong usual order ko for dinner at sabihan mo din si Mia Joy na ihanda n’ya ang new dessert para matikman nang ating bisita. “ utos agad ni Ruiz. Naiserve agad ang usual order ni Ruiz at hinihintay na lamang nila ang new dessert na gawa ni chef Mia. Habang naghihintay sa kanilang dessert ay masayang nagkwentuhan sina Ruiz at Julliene. Pero natigil ang kanilang kwentuhan ng lumabas na ang host para ipakilala sa lahat ang band performer ngayong gabi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD