CHAPTER 02

1635 Words
Tuwang- tuwa si Reyna at Venice dahil confirmed na pupunta si sir Macoy mamaya sa music lounge. Kaya masayang bumalik uli si Reyna at Venice sa kanilang trabaho pagkaalis ni Macoy. Nakabalik na si Reyna galing sa kanyang lunch break kaya si Venice na naman ang kumain ng lunch kaya naging abala muli si Reyna para sa kanyang room monitoring report. Dahil naging abala si Reyna sa kanyang computer kaya hindi niya napansin ang guest na kanina pa nakatayo at tinatawag s’ya. Kaya sa sobrang inis ni Harry Cheng ay tinampal nito ng malakas ang counter top. “Hello!! May tao ba dito??? “ galit na tanong ni Harry. “Meron po.. “ gulat na sabi ni Reyna. “Alam mo ba Ms. kanina pa kita tinatawag pero hindi mo man lang ako pinapansin, nananadya ka ba talaga o meron kang invisible headset na nakasaksak sa tainga mo? “ asar nitong litanya sa kanya. “I'm really sorry sir medyo busy po ako sa paggawa ng aking reports sa computer kanina kaya hindi kita agad napansin, ano po ba ang maipaglilingkod ko po sa inyo sir? “ pekeng ngiti ang kanyang iginawad sa bastos na guest. “Ahmmm.. ganito kasi iyon gusto ko lang itanong sana sa iyo kung may nakareserve dito under the name of Julliene Cheng? “ tanong agad ni Harry. “For awhile sir check ko nalang po muna sa database namin. “ agad na umupo at tumingin sa kanyang computer. “Sir meron pong nakareserve dito na Julliene Cheng at arrival time niya tonight at exactly 7:00pm, anything else sir you need to know? “ tawag pansin niya kay Harry na nakatingin lang sa kawalan. “No, its alright. I’m done with my inquiries and thank you Ms.?? “ bitin ni Harry sa kanyang sinasabi. “My name is Reyna Egam, sir. “ agad n’yang sagot. “Oh thank you Reyna, by the way I'm Harry Cheng. “ inilahad ang kamay para makipag-kamay sa kanya. “Your welcome sir Harry. “ matamis nitong ngiti bago inabot ang kamay para makipag-kamay. Lumayo muna si Harry sa counter para may kakausapin sa kanyang phone. Kaagad nitong hinahanap sa contact list ang number ng bunso niyang na si Julliene. “Babe.. Bakit may reservation ka dito? H'wag mong sabihin na manggugulo ka na naman dito sa conference namin? “ bungad na litanya ni Harry sa kanyang kapatid. “Oppss.. teka lang dude di mo na ako pwedeng pagbawalan ngayon dahil may consent ako mula kay daddy, kaya relax ka lang kuya di naman ako manggulo sa iyo kapag pupunta na ako d’yan para sa conference at kay kuya Macoy. “ tumawa lamang ito sa kabilang linya. “Parang awa mo na babe huwag mong pasakitin ang ulo namin dito please lang.. “ biglang naputol ang kanyang sinasabi dahil nawala na ito sa kabilang linya. “Hello.. hello babe.. “ hindi niya napansin na may nabangga siyang tao at laking gulat pa n’ya pagtingin dito dahil agad itong nakikilala ang babae. “Ikaw..?? Ikaw nga iyon! Iyong girl kanina sa may dalampasigan?? Hi.. My name is Harry and you are? “ excited nitong pakipagkilala sa kanya at inilahad pa ang kamay. “I'm Myrah Abais.. I'm really sorry Harry, I need to go! “ nagmamadali na itong umalis at di man nakipag-kamay sa kanya bago umalis. “Wait lang.. Myrah, wait.. “ tawag ni Harry habang hinahabol ito. Pero hindi na siya pinansin pa ni Myrah at mabilis na nawala ito sa kanyang paningin. “ napailing-iling na bumalik sa counter si Harry. “Reyna, anong room number nakareserve si Julliene Cheng? “ agad nitong tanong. “Sir Harry room 317 po. “ may lungkot sa kanyang boses dahil nakita nito mismo nang habulin ni Harry iyong magandang female guest. “Okey. Thank you, Reyna and please huwag mong sabihin sa kanya ang room number ko at kay Macoy. “ huling bilin ni Harry bago ito umalis. “Yes sir Harry. “ tipid nitong sagot pero muling lumingon ito at bumalik sa counter. “One last question Reyna, can you tell me or check the room number of Myrah Abais? “ he asked seriously. “I'm really sorry sir Harry it’s confidential po kasi iyong personal details nang guests namin for their own privacy. “ biglang napasimangot si Reyna. “It's alright, Reyna. Thank you so much. I have to go now, bye. “ matamis pa ang ngiti nito bago tuluyang umalis. Sasabog na sa inis si Reyna ng makaalis na si Harry ang akala niyang maginoo at gwapo ubod naman pala ng pagkababaero. “Nako sis bakit naman ang tulis na ng nguso mo kasing tulis na nga ng aking koko tignan mo pa oh? “ mapang-asar na tanong ni Venice. “Venice ha huwag mo akong masis- sis d’yan at inisin hindi talaga kita ililibre mamaya sa music lounge! “ inis na inis si Reyna. “Sis relax ka lang, ang fine lines sayang naman iyong mga patingin-tingin ni sir Harry sa iyo kanina kung papangit ka lang sa sobrang stress. “ mapang-asar na tumawa si Venice. “Nakakaasar ka Venice pero sige na nga kailangan kong maging maganda para mamaya at sisiguraduhin kong makahanap ng gwapong boylet higit pa sa playboy na Harry Potter na iyon.” gigil na saad ni Reyna at kinurot pa ang pisngi ni Venice. “Ay, malala ka na sis di hamak naman na mas gwapo si Harry Potter kumpara d’yan sa crush mo. Pero feeling si fafa Macoy na ang pasadong gwapong boylet natin tonight. “ kinikilig pang saad ni Vince. “Ewan ko sa iyo masyado pang maaga para lumandi ateng! Bumalik ka na sa pwesto mo baka mahuli na naman tayo nito ni Ma’am Janeth palagi iyong nakasilip sa CCTV noh. “ pananakot nito kay Vince para tumahimik. Hindi nila namalayan ang oras at mabilis itong lumipas hanggang sa sumapit ang gabi. May pumaradang service car sa harap ibig sabihin may dumating na bagong guest. She’s indeed beautiful and sophisticated, the way she dressed up. Lahat napatulala ng lumabas ito ng sasakyan at naglakad papasok ng hotel. “Hi ma’am good evening! Welcome to Lotte Hotel Jeju. “ masiglang bati ni Reyna pagkalapit ng female sa reception area. “Good evening ma’am. “ sunod na bati naman ni Venice nang tumingin ito sa kanya. “I have reservation here under Julliene Cheng. Kindly check it A.S.A.P “ mataray nitong sabi kay Reyna. “Yes, meron po ma’am at heto na po iyong susi ng room 317. “ Reyna faked her smile to their new female guest. She imediately grab the keys and directly go to the customer's lounge without saying anything to them. “Bruhilda talaga ang arte ha akala mo kung sinong maganda, di man lang marunong mag - thank you sa atin. “ himutok naman ni Reyna sa katarayan ni Julliene Cheng. “Sis kapatid ba talaga iyan ni sir Harry ang taray ha, kung gaano naman ka charming si sir Harry ganon naman siya kasuplada. “ inis na inayos ni Venice ang kanilang mga gamit. Nakita nilang may tinatawagan ito sa kanyang cellphone at galit na kinakausap nito ang nasa kabilang linya. “Dude, where are you?? Kanina pa ako dito sa customer's lounge at nagutom na ako huh, for pete sake! “ galit nitong turan sa kanyang kuya Harry. Humihikab pa si Harry na sinagot ang tawag ng kanyang kapatid. “Hello babe.. I'm so sorry kagigising ko lang just give me 20mins for a quick shower, I love you, babe. “ agad na binaba ang tawag. “Bwiset talaga pareho lang kayo ni kuya Macoy mga walang pakialam sa akin! Hello.. dude?? “ lalong gigil na gigil sa inis si Julliene dahil binabaan ito ng tawag. Nagbabasa lang ng magazines si Julliene nang dumating si Harry. “Hey babe, kamusta ang byahe mo? “ halik nito sa pisngi pero agad naman siyang binatukan. “Arraayy ko po! Babe naman ang sakit n’yan ha. Ano bang problema mo at ganyan kabadtrip ngayon? “ sabay kamot sa kanyang ulo. “Kasi naman kanina pa ako naghihintay sa inyo, nasaan na ba si kuya Macoy hindi ko s’ya macontact at hindi man lang nagreply sa mga texts ko?! “ nakapameywang na litanya pa ni Julliene. “Hindi ko alam babe malamang andoon iyon sa ilalim ng palda ni Jenny. “ tumawa lang ito sa kanyang corny joke. “Funny dude isusumbong talaga kita kay ate Jenny sa mga kalokohan ninyo ni kuya Macoy. “ nakakamatay na titig ang ipinukol nito sa kanyang kapatid. “Honey Yeng!! “ tawag ni Macoy kay Julliene. “Kuya Macoy!! “ tumayo agad si Julliene at yumakap kay Macoy. “Nakakainis ka kuya Macoy kasi kanina pa ako naghihintay sa inyong dalawa dito di ka man lang nagreply sa mga text ko at laging busy iyang phone mo. Kahit si kuya Harry tinulugan lang ako, ang bad n'yo talaga. “ nakasimangot na reklamo ni Julliene. “I'm sorry honey Yeng kausap ko lang naman ang ate Jenny mo kanina at ngayon lang kami natigil. Alam mo naman iyong ate Jenny madaldal hindi talaga maubusan ng kwento. “ paliwanag nito habang ginigulo ang kanyang buhok. “Wow ha isang oras talaga ang usapan ninyong dalawa at di man lang masingitan ng tawag or text ko? Tama na nga kuya Macoy sinisira mo ang hairstyle ko eh. “ agad na reklamo ni Julliene. Tara sa music lounge doon na tayo magdinner at manonood tayo ng live band, okay ba iyon sa iyo honey Yeng? “ tanong nito kay Julliene at inakbayan habang naglalakad papunta sa music lounge. Hinatid na lamang ng tanaw nina Reyna at Venice ang tatlo na masayang nagtatawanan habang naglalakad. “Kaya naman pala ganoon ang ugali eh spoiled brat sa kanila ang bruhang iyon. “ ngitngit pang saad ni Reyna. “Paano ba iyan may kaagaw ka sa attention ng dalawang fafabels? “ pang-aasar nitong tanong. “Hmmm. Wala akong pakialam sa attention na iyan Venice basta manonood lang ako kay sissy na kakanta uli at mapakinggan ang favorite song ko na I'll be there. " puno s'ya ng excitement. “Ako rin inaabangan ko palagi si fafa Hendrix at Dylan na tumutugtog ng kanilang instrument. Ang pogi nila di ba? " nagpapa-cute na saad ni Venice. Dahil uwian time na nagmamadaling inayos nila ang monitoring reports para maendorse ng maayos sa next shift.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD