Kaagad akong bumangon. Bakit biglaan?
I called Sam to know more. Mabilis naman niyang sinagot ang tawag ko.
“Sam? Bakit?” ang tanong ko kaagad.
“Last week ko pa dapat ipaalam, ate. But you’ve been busy I think.” Ang sabi niya.
Napailing ako.
“Hindi naman. Kay mama at papa ako tumawag. Busy ka daw eh.” Ang sabi ko.
“Hindi sila nagsabi na tumawag ka sa kanila.” Sumbong nito.
“Okay never mind. Pero tell me what happened.” Ang utos ko sa kapatid ko.
“Ibibenta ni kuya ang café.” Sabi nito.
“Ha? Bakit naman? Kakasimula niyo lang. Sayang naman.” Ang sabi ko.
“May mas magandang opportunity daw kasi na dumating. So he thinks much better na huwag na daw ipagpatuloy ang business. Besides may naisip din ako na mas magandang pagkakitaan.” Ang kwento ni Sam.
“Ano na lang ang gagawin ng kuya mo?” ang tanong ko.
“Bakit ako, te? Tawagan mo kaya. Parang timang ‘yon si kuya araw-araw nanghihingi ng contact details mo. Gusto ka daw makausap.” Ang kwento nito.
“You know I cant talk to him.” Saad ko.
“Bakit kasi hindi? Akala ko okay ka na. Okay na din siya. Okay kayo.” Ang sumbat ni Sam.
“Minsan nananahimik lang ‘yan si kuya pero alam ko na malalim ang iniisip.” Paalala nito sa akin.
“Sam si Lucas ba nagagawi sa café?” ang tanong ko.
“Bakit, ate?” ang tanong din niya.
“Gusto ko lang malaman.” Ang sabi ko.
“Oo naman minsan.” Aniya sa akin.
“Then?” turan ko.
“Then nag-uusap sila. May kasama ‘yon madalas.” Ang kwento nito.
“Sino may kasama?” ang tanong ko.
“Si Lucas.” Wika niya.
“Sino naman ‘yong kasama?” tanong ko.
“Babae, ang madalad niyang kasama. Mga kaedad ni Alex.” Ang sbai nito.
“Babae ang kasama ni Lucas? Sino naman daw ‘yon?” ang tanong ko.
“Ate naman. Hindi ko alam. Mukhang okay naman na si Lucas. Mukhang wala naman na namamagitan sa dalawa.” Kwento nito.
“Ano ka ba, Sam?” ang wika ko.
“Nagtataka kasi ako. May nagpapadala ng mga photos dito at hindi ko kilala ang accounts eh.” Ang kwento ko sa kaniya.
“Akin na, tingnan ko ate.” Ang alok nito.
“Wala na. After mag-padala eh binubura kaagad. I am a bit worried. Alam ko na wala na dapat ako ipag-alala. But you know na mahalaga pa din ang kuya mo sa akin. Sa amin.” Ang saysay ko.
“Ate? Sa amin? What do you mean?” ang paglilinaw ni Sam. Tila nakalimutan ko na wala silang alam sa dinadala ko.
“Wala ‘yon, Sam namali lang ako ng sinabi.” Ang pagbawi ko sa sinabi ko dahil nababahala akong malaman nila ang sitwasyon ko.
“Ate meron pa akong hindi siguradong alam. I mean hindi pa sure talaga. Pero si kuya kasi naging busy lately. Lagi siya wala sa café.” Ang kwento nito.
Ngayon naman ako nakaramdam ng pagkabalisa. Saan siya nagpupunta?
“Bakit wala?” ang tanong ko.
“May inaasikaso kasi siya. Pero ayaw naman sabihin sa akin kung ano ‘yon. Hinihingi nga din n ‘ya ang address mo diyan.” Ang kwento ni Sam.
“May ipadadala ba siya?” ang tanong ko.
“Ewan. Minsan I see him doing researches online about Canada.” Ang sabi ni Sam.
Alanganin naman na susunod siya. Nakakainis at wala akong alam sa mga pinaggagawa ni Jeff. Babalik ba siya sa work niya as cook?
“Tapos ate sorry to tell you this but alam ni kuya ang tungkol sa bahay mo sa Batac.” Ang kwento nito.
“Bakit niya alam?” ang tanong ko.
“Nakalimutan ko eh. Nasabi ko.” Ang nahihiyang wika ni Sam.
“Hindi na ako magsasalita.” Ang sabi ko na lang.
“I’m sorry!” paghingi ni Sam ng tawad.
“It’s okay. Hindi naman ‘yon mag-aaksaya nang time na puntahan ‘yong lugar.” Pagbawi ko upang hindi na mabahala si Sam.
“Ate kamusta naman na mag-isa ka lang diyan? Hindi ba nakakatakot ang bahay? Mukhang natataglan na dito si ate Lia. Napakabusy din niya. Minsan nagagawi ‘yon dito. Kapag may mg aka meeting siya ay dito niya dinadala sa café. Highly recommended niya lagi ang specialties ko.” Ang kwento niya.
“Nasanay na ako, Sam.” Ang sabi ko.
“Mabuti naman pala. Eh wala pa bang pamalit kay kuya?” ang biro nito.
“Wala ano ka ba?” ang biglang sabi ko.
“Mabuti naman kung ganun.” Ang sagot naman niya.
“Ibaba ko na ang tawag ate ha. Kailangan ko pa mag-audit eh. Fore close na kami in two weeks.” Sabi niya.
“Ang bilis naman, Sam?” gulat kong tono.
“Oo. Nagmamadali si Kuya eh.” Ang wika niya.
“Oh siya! Bye muna.” Ang paalam nito sabay niya pinutol ang tawag.
I wonder if ano ang balak niya gawin. Bakit biglaan ang pag-give up sa business? Kung hindi naman annulment ang pinagkakaabalahan ay ano?
Lalo ko lang binigyan ng iisipin ang sarili ko. Bigla akong nakaramdam ng pagkauhaw kung kaya ay lumabas ako ng kwarto. Kaagad kong napansin ang nursery na bukas pa ang ilaw. Marahil hindi pa tapos si Ree sa loob. Hinayaan ko na lang kahit gusto ko pa sumilip. Bumaba ako ng hagdan. Patungo na ako ng kusina ng marinig ko ang boses niya. May kausap yata sa kabilang linya.
Hindi ko alam kung saan siya naroon. Pero malakas ang boses niya.
“I do. Of course. This is all beyond what we agreed months ago.” Ang inis na himig ni Ree.
“Yoi have put me in a situation I never wanted. Look!” ang dagdag pa niya.
Kaaway niya si Lia? Kasi kung ganiyan ang tono niya eh baka kaaway niya si Lia?
Is it because of me? Sabi ko na talaga. Hindi niya kailangan sundin si Lia.
“Then what? I will take all the blame?” ang kasunod na bigkas nito.
“Oh come on! We’ve been together for so long. But it was long ago. ‘til when am I going to repay?” ang sabi nito.
Anong utang ba ‘yon?
“After this I will leave. Do whatever pleases you. Make yourself visible and do it as you wish. You dragged me in a very wrong place.” Ang sabi pa nito.
Nagkunot lang ang noo ko. I don’t know kung sino ang kausap niya. But he sounds so serious and a bit upset.
Hindi ko na hinintay na maabutan niya ako na nakikinig. Kaya naman ay mabilisan kong kinuha ang kailangan ko at bumalik sa bedroom.
Kung anuman ang laman ng usapan ni Ree at kausap nito ay ayoko na isipin dahil nakakadagdag lang sa aking mga aalalahanin.
LUMIPAS ang dalawang buwan. It is almost my expected month to give birth. Patapos na nag winter season. Naging maayos ang set up namin ni Ree. He don’t come close to me. Tamang kakausapin niya ako kapag nagkakaharap kami. Madalas ay sumasama din kapag naglalakad-lakad ako sa labas pero hindi kami magkatabi. He walks behind me as always. Hindi ko din siya kinakausap kung hindi siya ang unang magtatanong.
He even suggested na mag-leave na ako sa work. But he worked on my salary na maging tuloy-tuloy kahit hindi ako active sa workplace. Ang sabi niya ay benefit daw ‘yon ng employees na hindi niya pwede ipagkait.
Maraming bagay ang ginagawa niya para sa akin. And I really appreciate him. Lahat ng pwedeng gawin ng isang asawa ay nagawa na niya. He cares a lot for me. But I love him as a new friend to keep. Ang promise niya sa nobya na aalagaan ako for her ay tinupad naman niya.
But I wonder why until now hindi pa din si Lia bumabalik. Ree said months ago she will be here in two months. Malapit na akong manganak. Pero wala pa din siya.
Madalang na din kami mag-usap since hindi magkatugma ang oras naming na libre siya at libre din ako.
Nakailang pre-natal check-up na din ako at Ree ay walang palya sa pagsama sa akin.
Until one day he sat on the dining with me. Hindi siya sumasabay. Madalas ay mag-isa lang ako kumakain. Pero siya ang madalas na naghahanda ng kakainin ko. Tamang katatapos ko lang na magligpit. Medyo mabigat na nag katawan ko. Lumobo na yata pati ang mga binti ko. Halos sasabog na ang mukha ko dahil siguro tumaba ako.
Mabigat na din ang tiyan ko. Talagang malapit na akong manganak.
Pumanhik siya sa dining at naupo sa mesa sabi hindi ng oras ko.
“Les magpapaalam na ako.” Ang sabi niya.
Naupo ako sa harap niya. I look at him. His eyes looks so sad at hindi makatingin sa akin.
Nagulat ako sa aking narinig. Aalis siya kung kailan naman ako manganganak na? Anong nangyari dito?
“Bakit?” ang tanong ko. Nakakapagtaka talaga.
“It’s just I cant take it anymore.’ Ang sabi niya.
Nagtaas ang kilay ko at nagsalubong ang mga ito.
“I don’t get it, Ree?” Ang saad ko. Nagtatanong ako dahil ang alam ko ay hihintayin niya na makapanganak ako bago siya uuwi sa kanila ng tuluyan.
“I tried. I really tried hard.” Sambit niya.
“Tried what?” ang tanong ko. Nagkibit ako ng aking balikat.
Napahilamos siya ng mukha niya.
“I think I really made a big mistake.” Ang sabi pa nito.
“Ano ba kasi?” ang tanong ko.
“I didn’t mean it. Everyday I fight with myself.” Ang wika niya.
“Kasi?” ang tanong ko.
“Because I know the right thing to do.” Ang sabi niya.
“Yes of course you know it.” I am trying to make him feel at ease. Medyo nararamdaman ko na tensed siya.
“Aren’t you emotionally attached with me?” ang tanong nito.
Nagpigil ako ng paghinga. Hindi ko alam ang sasabihin. Biglang nanikip ang dibdib ko sa tanong niya.
“Ree? Anong tanong ba ‘yan? Lia is my friend. She took me here and made you care for me while she’s away. I think attached ako sa ‘yo kasi you are my friend too.” Ang sabi ko.
“Friend lang?” ang sabi nito.
“I gave you all the time I have. I cared for you a lot.” Ang nakakaawa niyang himig.
Kailangan ko ba maramdaman ‘to? Bakit parang ang sama ko naman dito? Pero tama ito. I need to put boundaries between us. I cant do a thing that I will regret forever.
Tumayo si Ree. Nagtaas naman ako ng tingin sa kaniya. I can see his eyes na hindi ‘yong madalas kong nakikita. Galit ba siya?
“Ree? Are you okay?” ang tanong ko.
“Haven’t you fell in love with me?” ang tanong niya.
Naiwang nakaawang ang bibig ko. Ang alam ko ay wala akong nararamdaman.
Napailing na lang ako.
Then he quickly reached on me. He’s standing behind me. I think he bended his body and leaned towards me. I felt his warmth behind. Ramdam ko pati ang mainit niyang paghinga. Kinakabahan ako sa ginagawa niya.
“Les just say you do.” Ang bulong nito.
“I will give up anything.” Ang wika niya na lalong nagpalakas sa takot na nararamdaman ko sa loob ko. Hindi ko maintindihan pero pakiramdam ko mapapaanak ako ng wala sa oras.
“Ree are you drunk?” ang tanong ko. I smell the aroma of a rum fro his breath.
“A little. But I am not drunk.” Ang sabi niya.
“Maybe matulog ka na. Bukas na tayo mag-usap.” Ang sambit ko sa kaniya. Mabilis akong tumayo. Nais ko na kumawala sa kaniya. Ayoko na malapit ako sa kaniya.
“I’ll go upstairs. I need to sleep.” Ang sabi ko.
Biglang hinawakan ako nito sa aking braso.
“Les listen!” ang utos niya.
“Ree stop!” I said.
Biglang niyapos niya ako mula sa likod. Nakaramdam ako ng takot. Ang bilis-bilis ng t***k ng puso ko. Hindi ko alam kung bakit. Pero kakaiba ang ipinapakita niya. Nakakainom nga siya minsan pero hindi siya dito nagtatagal sa halip ay sa sasakyan niya siya natutulog. Pero ngayon ay pumasok siya ng bahay. He prepared me dinner kahit na ganito ang sitwasyon niya.
“I want you, Les.” Ang sabi niya sa mapusok na himig.
“Nakainom ka. Bukas na tayo mag-usap.” Ang sabi ko. Dahan-dahan kong binaklas ang mga braso niya na nakayapos sa aking katawan.
“Ree? Tumawag si Lia kanina. She’s asking what are you up to. Nag-aalala ang fiancé mo sa ;yo.” Ang wika ko upang mahimasmasan siya. Baka sakali na maalala niya si Lia.
“No, Lesley. I know hindi na tumatawag si Lia. She’s so busy.” Ang sabi nito.
Hinarap ko siya pero unti-unti akong umaatras ng hindi nito napapansin.
“I want you, so bad.” Nakayuko na siya at nahahalata ko sa kaniyang tinig ang panginginig.
Napailing ako. Mali ito. Hindi niya dapat ito sinasabi sa akin. May nakalaan na para sa kaniya. Mali ang iniisip niya. Mali ang nararamdaman niya.
“Everyday I try to distance myself. I try not to look at you. I try not to get too close to you.” Ang sabi niya sa bahagyang garalgal na himig.
“Lia did not ask me to stay here.” Ang pag-amin niya.
“what?” ang tanong ko. Nagsinungaling siya? Pero bakit?
“You did not tell her either that I am here.” Ang sabi niya sa ‘kin.
“Tama.” Ang sabi ko.
“I did not because I am a woman too. Ano ang iisipin niya kung sa akin nanggaling?” ang tanong ko sa kaniya
“Besides sabi mo pakiusap niya na samahan mo ako?”
“I lied, Les.” Ang sabi niya.
“I am sorry. But I can’t tell Lia that I stay with you.” Ang sabi nito.
“Eh bakit? Alam mo ba na inilalagay mo sa alanganin ang pagkakaibigan namin ni Lia?” ang sumbat ko dito.
“Ree nirerespeto ko si Lia. At ikaw din. Pati si doc, ang mommy mo. I am grateful I met you. Lahat ng pinagdaanan ko sa pagbubuntis ko eh karamay ko kayong lahat. But I can’t return the favor the way you want.” Ang paliwanag ko.
“I won’t ask you to give me the same weigh.” Ang sabi niya.
“I have fallen for you. Unexpectedly. I never want to hurt Lia. She’s been the best friend I need. At all times she was with me. But this time I know it is not her.” Ang wika nito.
“No, stop!” ang sabi ko.
Hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdamang tensiyon.
“Stop it, Ree! You’re drunk.” Ang sabi ko na lang sa mahinahon na boses. Ayoko siyang sigawan. Natatakot ako sa pwedeng gawin ng lalaking ito. I haven’t seen him like this. Most of the time tahimik lang siya. Hindi niya alam ang mga ginagawa niya. Hindi niya alam ang sinasabi niya.
“Matutulog na ako.” Ang sabi ko sa kaniya.
“No!” pagtutol nito sa sinabi ko.
“Talk to me!” ang utos niya.
“For what? Wala tayong pag-uusapan. You have to talk to Lia. She needs you.” Ang sabi ko sa kaniya. Nagtaas na ang boses ko sa pagkakataong ito.
Nakapako ang mga namumungay niyang mga mata sa akin. Lalong lumakas ang kalabog ng aking dibdib. Tila ako’y nabaon sa putikan na hindi na makakagalaw.
“I love you, Lesley! I am sorry but I have loved you more.” Ang sambit niya at nagbagsakan ang mga luha mula sa kaniyang mga mata.