Chapter 1 A Blessing
Chapter 1 A Blessing
“Congratulations! You are twelve weeks pregnant!” ito ang napakagandang mga salitang narinig ko matapos na masuri ako ng OB-Gynecologist. Nasa loob ako ng ultrasound room.
Tila tatalon ako sa galak. Hindi ko lubos maisip na magbubunga pala ang gabing pinagsaluhan namin ni Jeff.
Kailanman ay hindi ko pagsisisihan ang gabing ibinaba ko ang aking sarili upang maiparamdam sa kaniya kung gaano ko siya kamahal. Kung sana ay nandito siya.
Abot-tainga ang aking mga ngiti na lumabas sa Ultrasound room. Sinalubong ako kaagad ni Lia.
She’s smiling too. Excited na din siya na malaman kung ilang buwan na ang aking ipinagbubuntis. Hindi pa gaanong halata na may ipinagbubuntis ako dahil parang normal pa naman ang hugis ng tiyan ko. Nasasabik ako na lumapit sa kaniya. Hindi ko maipaliwanag ang liwanag sa kaniyang mga mata at hindi ko din maipaliwanag ang galak na kumakawala sa aking dibdib.
“Ano daw ang sabi?” ang tanong niya sa akin. I draw a smile on my lips. I took a very deep breath and speak. My eyes were glowing.
“Three months!” ang sabi ko na may nag-uumapaw na tuwa sa aking mga mata.
Napatakip ng kaniyang bibig si Lia. Her eyes were glowing too. I can see through her eyes how happy she is. Napatili siya ng bahagya. Natawa naman ako sa reaksiyon nito. Para bang isang tita na magkakaroon ng pamangkin.
“I am so happy for you.” Ang sabi niya. Sabay tingin sa tiyan ko. She crossed her fingers then with gladness.
“Let’s go!” ang yaya niya sa akin. Hindi ko alam kung saan kami tutungo.
“I-celebrate natin ang magandang balitang ito.” Saad niya.
“Such a great blessing.” Dagdag pa niya. Tama siya isang malaking magandang biyaya ang balitang natanggap ko ngayon.
Kaya naman ay lumabas kaming dalawa at nagtungo sa isang café upang makapag-relax matapos ang mahabang oras na iginugol namin sa loob ng ospital.
Nag-order siya ng fruit juice for us and a salad. Health conscious siya kaya ganito ang pagkain madalas. Kung kumain man kami ay madalang lang. Sometimes once a day lang kami kumakain ng meat kapag siya ang naghahanda ng kakainin namin.
We sat down at waited for our order. Biglang nagbungad siya ng mapag-uusapan.
“So?” ang kaniyang mga mata ay mapanuri.
“Tell me paano ka nagkababy diyan?” ang tanong niya. She sounds so curious.
Natawa ako ng bahagya. Parang ang sagwa sabihin na ako ang nanghalay sa kay Jeff. The intention that night was to ease a little pain he feels na nauwi sa kama. And there was this plan I thought that would make Lucas stay away from my husband.
She’s staring at me like she’s searching for answers. Naningkit ang mga mata niya. Ako naman itong napangiti ng bahagya.
“Ano?” ang sabi niya. Atat na yata itong magkwento ako. Kaya naman ay natawa ako ng totoo. Humalakhak ako na parang baliw. Tumikhim ako at napalunok ng laway ko nang makita kong naging seryoso na ang itsura niya.
“Okay!” turan ko upang maiwasan ang kaniyang tingin na napipikon.
“That day after na nakipag-usap ako sa dad ninyo.” Ang bungad ko habang seryoso siyang nakikinig.
Agad na nag-iba ang ekspresyon ng kaniyang mukha. Can’t she believe na may natitira pa naman na alindog sa katawan ko at hindi maayawan ng asawa ko.
“How?” ang tanong niya. Nagtaas ang kilay niya.
“I did something.” Ang saad ko na malakas ang loob.
“Seriously?” paniniguro nito. Nanlaki naman ang mga mata niya.
“Oo nga. So hindi talaga kagaya ni Lucas si Jeff.” Ang sabi ko pa.
“If ever pareho sila ay hindi na sana kami nakabuo.” Ang paliwanag ko sa kaniya.
Sumandal ang mga siko niya sa mesa at ipinatong ang kaniyang baba sa mga palad niya.
“You really amaze me, Lesley.” Napapailing siya ng sabihin niya ito.
“Paano mo nakuha si Jeff?” tanong niyang muli. May panunukso sa kaniyang mga mata.
Napalunok ako ng laway bigla. Kailangan ko ba idetalye kung ano ang ginawa naming dalawa?
“I grabbed his hands and lead—somewhere-- here—” sabay tingin ko sa aking sarili.
Humalakhak ito dahil baka nga hindi niya din inaasahan ang pangyayari.
“I actually intend to do it.” Wika ko sa mahinang tinig.
“To what reason then?” ang tanong niya.
“I was so angry with Lucas.” Naging seryoso ang himig ko ng sabihin ito.
“I wanted to hurt him. I want to make him realize that I am Jeff’s wife.” Saad ko kay Lia.
“I sent him some clips while Jeff was doing it with me.” Ang sabi ko pa.
“Oh my, Lesley--- don’t tell me that you—” utal-utal niyang sabi. Sabay na nanlaki muli ang kaniyang mga mata.
“It’s okay.” Ang sabi ko upang huwag siya mag-aalala.
“Legs ko lang iyong nakita ni Lucas.” Dagdag ko pa ng makampante na ang loob niya.
“Pinili ko naman iyong siya lang ang makikitang may ginagawa.” Tumawa ako kaagad upang hindi na siya mabahala.
Napailing siya bigla.
“I am sure my brother hates you.” Humalakhak siya.
“He hates you.” Pag-ulit niya.
Nagtaas lang ako ng kilay ko.
“Ano ba?” saad ko.
Pero sa loob ko bahagi iyon ng nakaraan na mamahalin ko dahil nabiyayaan ako ng isang anghel na dadalhin ko ng ilang buwan at mamahalin ko sa panghabang-buhay. Hindi ko maipinta ang ligaya ngayon sa aking puso. Wala na akong pakialam sa mga nangyari sa nakaraan na iyon. Kakalimutan ko na dahil pinili ko nang mamuhay dito.
“But you know what” ang bungad ni Lia.
“Hindi man lang nangatwiran si Lucas kay dad that night na pinatawag siya sa bahay.” Kwento ni Lia sa akin.
“I was so petrified na aatakihin ang daddy.” Pagpapatuloy pa niya.
“Gigil na gigil siya sa kaniya. That night reminds me of the same thing na nangyari sa eldest namin.” Ang sabi pa ni Lia.
“Kaya nga you did not tell me exactly what happened that night.” Ang sabi ko naman.
“What I love about your revelation? Wala akong sakit sa ulo sa Pinas kapag bumalik ako.” Ang sabi nito.
Tila malalim ang galit ni Lia sa kuya niya. Kaya naman ganito na lang siya kasaya na wala na ito sa pamamahay nila.