Chapter 2 Ree
“By the way. I called somebody.” Ang sabi ni Lia.
Nagtaas ang mga kilay ko. Tama kaya ang narinig ko? May tinawagan daw siya? Umayos ako ng pagkakaupo. Kinuha ko ang baso ng juice at humigop doon gamit ang straw.
Ngumiti si Lia. Abot-tainga ang ngiti.
Biglang humaba ang leeg niya at lalong lumapad ang ngiti nito sa labi.
Tumayo siya sinalubong ang isang lalaking naka body fit polo shirt na grey. He is smiling on her. Ang puti at ang ganda ng ngipin niya. He has this mamula-mula na kulay ng pisngi. Maputi siya pero a bit pinkish. He is even beared and he’s wearing a black summer glass. Ang kisig ng mga braso. He reminds me of Jeff. Ganito din si Jeff kalinis manamit. Ganito din si Jeff ka sexy gaya niya. Kaya naman everytime na nakikita ko siya ay may tuwa na humahaplos sa aking damdamin.
Napahinga ako ng malalim ng maalala ko na naman ang aking asawa. Kamusta na kaya siya? Pero ayoko na muna siyang gambalain. Baka lalo pa magulo ang sitwasyon kapag nalaman niya na may anak na kami. Ayoko guluhin ang panahon na nanahimik na siya at nagpapahilom ng sugat ng kahapon.
Alam kong hindi ko dapat sinukuan ang asawa ko. Pero nakikita ko na mas higit ang pagmamahal niya kay Lucas kaysa sa akin. Kung kaya minabuti ko na lang ilayo ng aking sarili upang makapagsimula ulit. Pero heto at malaya akong makakapagsimula.
Lumapit silang dalawa sa kinaroroonan ko. Lia is holding his hand. Nag-activate na naman ang energy ng babaeng ito. She really amaze me. Parang may baterya kapag nandito ang boyfriend niya.
“Hey Les!” ang bati ni Ree sa akin.
“Oh! Akala ko naman si Keanu Reeves ang paparating.” Ang bulong kong sabi. Siniguro kong hindi niya maririnig. Medyo seryoso din kasi ang taong ito. Tumayo ako to give him a kiss. Sa isang buwan na pamamalagi ko dito ay nakagaanang loob ko na din siya. Kahit madalas tipid siya magsalita.
“Let’s eat.” Ang yaya ko sa kaniya.
Hinila niya ang upuan para kay Lia. Naupo na din siya sa tabi nito.
“So how was your check-up?” ang tanong niya.
“Confirmed babe!” ang sabi agad ni Lia. Tila siya ang mas nakahihigit sa excitement kaysa sa akin.
Tumango si Ree at tumangin sa akin.
“Confirmed?” ang tanong niya kay Lia.
“Confirmed! She is twelve weeks pregnant.” Ang sabi ni Lia.
“Great!” tanging sambit niya.
“Congratulations!” dagdag pa niya.
“Thank you.” Ang sabi ko naman. Masaya ako sa araw na ito. I received the best blessing ever. I am finally a mom.
“By the way are you two free tonight?” ang tanong ni Ree.
Nagtinginan kami ni Lia. May mahalaga yata siyang sasabihin.
“I am inviting you for a dinner concert.” Ang sabi niya.
“Dinner concert?” nagkunot ang noo ko. Ayoko yata lumabas. Gusto ko magpahinga sa bahay. Besides date nila ‘yon. Hindi na ako dapat sumama nang magkaroon naman sila ng intimate moment together. Lately naging busy si Lia sa akin. Inasikaso ako ng maayos when I was not feeling well.
“Yes.” Ang sabi ni Ree.
“I wish to take you two.” Dagdag pa niya.
Ngumiti lang ako at napapaisip. Sincere and invitation. Paano ko ba aayawan? Biglang nakita ko ang tuwa sa mga mat ani Lia. She looks so excited. Pagkakataon niyang mag-enjoy tonight. I do not want to spoil their moment together so I guess tama lang na manatili ako sa bahay.
“Babe saan ba ‘yan?” ang tanong ni Lia.
Abala ako sa pagsubo ng pagkain. Nagugutom akong talaga.
“Sa hotel. Nag-file ako ng leave kahit na mahalaga ang gabing ‘yon. I wanted to spend time with you.” Ang malambing niyang sabi kay Lia. Bigla naman ako kinilig ng marinig yon. Grabe naman ang lambing ng lalaking ito. Ang swerte ng kaibigan ko. Ang gwapo, mayaman at maalaga sa kaniya si Ree. Ang buong akala ko lang talaga noon ay magkaibigan lang sila. Iyon pala ay matagal na ang relasyon nilang dalawa. Itinago lang ni Lia.
Pero mas maigi nga naman na itago ang kung anuman na namamagitan sa kanila.
Tumingin silang dalawa sa akin na abala sa pagkain. Ramdam ko talaga ang gutom. Ang tagal ng paghihintay ko kanina.
“Les?” ang tawag ni Lia sa pangalan ko.
Nagtaas lang ako ng aking kilay habang abala sa pag-nguya. Mabilis kong nilunok ang pagkain.
“Hindi ako sasama.” Ang sagot ko sa kaniya. Alam ko na itatanong niya sa akin kung sasama ako.
Nag-asim ang mukha ni Lia na nakatingin sa akin.
“Bakit hindi?” ang tanong niya.
“Walang buntis ang naglalabas sa gabi. Gusto ko mag-enjoy kayo.” Ang sabi ko naman.
“Oh! Ang sweet mo. Pero nakakainis ka.” Ang sabi niya.
Tumawa ako sa harap nilang dalawa.
“Ree take your girlfriend tonight. Huwag niyo na ako isama.” Ang sabi ko sa kaniya.
Tumango na lang ito at hindi na nakipagtalo. Pero ang mukha ni Lia naasar yata sa akin.
“Hey! Ayoko maging dakilang third wheel. Intimate dinner ‘yon. Hindi ako sasama. Take your time together. Sa lahat na lang ba ng lakad ninyo ay isasama niyo ako? Alagain mo pa ako mamaya kung sumama ang pakiramdam ko.” Ang mariin kong paliwanag sa kaniya.
“Fine.” Kumalma na ang itsura nito.
“Next time sasama ka na.” Ang sabi pa niya.
“Sure!” ang sagot ko naman.
“Kapag malaki na ang baby.” Dagdag ko pa.
“Minsan may sira ka din. Gusto mo talaga ako lagi pinasasabik.” Ang sabi niya sa akin.
“Please. Allow me to get some rest. May work ako bukas. I need some time to sleep.” Ang paliwanag ko pa.
“Babe hayaan mo na si Lesley. Tayo na lang umalis.” Ang sabi ni Ree sa kaniya.
“Intindihin mo. She’s pregnant. Maybe she needs more rest this time. Buong shift niyan nakatayo.” Ang paliwanag pa ni Ree sa kaniya.
“Fine! I won’t say more. Ang akin lang mas maigi na kasama ka namin.” Turan niya.
“Ayos lang ako. Huwag ka mag-alala.” Pagpapasiguro ko naman sa kaniya.
“Les pasensiya ka na. Masyado lang talaga concern itong baby ko sa iyo. Ikaw lagi ang topic namin.” Ang sabi pa ni Ree.
Nagulat ako sa revelation nito sa akin. Ganoon ba talaga ako kahalaga sa kaniya? She treats me like her sister. And I am so grateful to have her. Lalo lumalakas ang aking loob dahil sa kaniya. I don’t even think much of how I gone through in the past.
Malaking biyaya sa aking buhay ang makilala si Lia.