Chapter 3

1045 Words
Chapter 3 I had fun with this couple. Inihatid kami ni Ree sa bahay na tinutuluyan namin. He has his own house. Malaki iyon. Nais nga niya na doon na lang kami ni Lia. But I refused, since mahirap makishare ng bahay sa iba. So, I preferred na bumukod na lang kami. Mabuti at pumayag naman si Lia sa gusto ko. Nakakailang lang din naman kay Ree. Bago pa man kami bumaba sa sasakyan niya ay nag-usap muna silang dalawa. They looked at each other. Natutuwa ako sa tuwing ganiyan silang dalawa sa isa’t-isa. Feeling ko may teen couple akong kasama. Nakakainggit man, but still I feel happy for Lia. She got the perfect loving guy for her to keep. “Get ready, babe.” Ang sabi ni Ree. Ang lamig pa naman ng boses niya. Naaliw ako makinig kapag nagsasalita siya. “Sige magbibihis lang ako then tawagan kita if I am good to go.” Ang tugon naman niya kay Ree. Mabilis na lumapit ang mga bibig nila. They kissed in front of me. Hindi ako makalabas ng sasakyan dahil nakalock pa ito. Hindi pa na unlock ni Ree. So I rather closed my eyes. I know usual na nilang ginagawa ito but I can still feel a bit awkward. Lalo na minsan talagang passionate kiss. Well maybe they both grew up in a liberated environment. So kailangan ko sanayin ang sarili ko para since I am living here now. Medyo nagtagal ang halikan and suddenly I heard them laugh. I opened my eyes and they were looking at me. “Are you alright?’ ang tanong ni Lia. Tumango ako. Alam ko na namula ang pisngi ko dahil sa kanila. And I think it is the reason why they laughed. They saw me hiding behind my eyes. Bumaba kaagad si Ree at ipinagbukas ako ng pinto ng sasakyan. Bumaba ako ng dahan-dahan. Saka siya umikot s abanda kung saan naroon naman si Lia at pinagbuksan din niya ito. Bumaba na din si Lia. Umikot ako at nauna nang pumasok sa bahay. Iniwan ko silang dalawa dahil alam ko naman na susunod si Lia. I opened the door at tuloy-tuloy akong pumasok. Hindi ko pa nailalapag ang aking gamit ay narinig ko ang caller-tone ng aking phone. Someone’s calling. Kaya naman ay dinukot ko ng cellular phone ko mula sa aking jacket na suot. Tiningnan ko at si Sam ang naghihintay na sagutin ko ang tawag na iyon. I tapped the answer button. I turned the speaker on para habang may ginagawa ako ay marinig ko pa din siya kahit hindi ko hawak ang phone ko. “Ate—” ang tawag niya. “Bakit ka napatawag?” “Mangangamusta lang. Na-miss ka na namin dito.” Ang malambing na sabi ni Sam. “Maayos lang ako. Masaya ako ngayong araw---” bigla kong pinutol dahil naisip ko kung sasabihin ko na ba sa kanila na buntis ako? O mas maigi na itago ko muna? “Talaga ba? Mabuti naman at masaya ka.” Ang tugon naman niya. “Ate nagbukas na po ng café si kuya.” Ang balita niya. “Uy! Totoo? Kailan?” ang tanong ko. Interisado pa naman ako malaman kung ano ang nangyayari sa kaniya. Kahit anong kubli ko ay siya pa din naman ang naiisip ko madalas. Bigla naman pumasok si Lia dahil narinig ko ang pagbukas ng pinto kahit na ako ay nasa harap ng fridge at naghahanap ng maiinom. “O, Sam tuloy mo na ang kwento.” Ang sabi ko pa. “Nagpunta dito ang kuya.” Ang sumbong niya sa akin. Natigilan ako sa ginagawa kong pagbuhos ng Juice sa baso ko. “Kailan?” ang tanong ko. Ang layo ng biniyahe niya upang makipagkita sa pamilya ko. Ano kaya ang pakay niya? “Noong isang araw.” Ang sabi ni Sam. “Bakit?” kasunod kong tanong. “Tungkol yata sa annulment niyo ‘yon.” Sabi niya. “Ganoon ba?” ang tanging tugon ko sa kaniya. Alam kong hindi rin ako napapanatag kahit sabihin kong ayos lang ako. Pero sa kabilang banda ay nalulungkot akong isipin. “Magpapatawag na daw ng hearing.” Ang kwento ni Sam. “Hearing? Para saan?” ang tanong ko. “Dismissed daw po kasi ang unang petition ni kuya.” Ang saabi pa niya. “Dismissed?” ang tanong ko dahil may pinirmahan ako na documents. Hindi pa bai yon? “Oo. Kulang daw sa supporting evidences.” Ang sabi niya. “Naku. Paano ‘yan?” ang tanong ko. Pero sa loob ko may galak na humalik at nagpaalala na tama lang na huwag muna mapawalang bisa. Napailing ako. Hinahanap niya ako? Pero hindi pa ito ang tamang pagkakataon na mag-usap ulit kami. Baka naguguluhan pa lang naman siya kaya niya ipinupursige ang annulment. Besides nasa ibang bansa ako. Hindi niya basta-basta lang magagawa ang gusto niya lalo na at walang appearance ng other party. “Anong sinabi niyo?” ang tanong ko sa kaniya. Nais ko makasiguro na wala silang sinabi dito. Naglakad ako patungo sa sala upang maupo sa couch habang kausap ko si Sam. Nakita ko naman na pagikting-ikting na naglalakad si Lia dahil wala itong suot na medyas. Malamig ang temperature ng sahig dala ng malamig na klima ngayon. “Si mama at papa ang kausap niya. Hindi ko na naalalang magtanong pa tungkol diyan ‘te.” Ang sagot ni Sam. Huminga ako ng malalim. Sana lang ay hindi nila ibinigay. Bigla kong naisip. Kung sakali man ay kaagad na tatawag si Jeff sa akin. Pero nananahimik ang phone ko. “Nagtagal ba siya diyan?” pang-uusisa ko pa. “Opo. Napasarap ang kwentohan nila. Grabe, ate.” Ang sabi ni Sam. “Kamusta naman ang itsura ng kuya mo?” ang curious kong tanong. The last time I saw him ay nangayayat at inubos ko ang buhok niya ng gupitin ko. “Ang pogi na ulit ni Kuya.” Ang mapanuksong sabi ng kapatid ko. “Ano ka ba? Given na kaya iyon. Ang ibig kong sabihin kung maayos na ba ulit siya?” ang paglilinaw ko sa kaniya. “Hindi ko masabi. Tawagan mo kaya.” Turan nito. Napailing ako ng marinig ko iyon mula kay Sam.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD