Chapter 4 Party Night
Matapos kami mag-usaap ni Sam ay ibinaba ko ang phone. Tumayo ako mula sa couch at umakyat sa kwarto ko. Napansin kong nakaawang ang pinto ng kwarto ni Lia. Kung kaya ay sinilip ko muna siya. Naghahanda na yata siya para sa dinner date niya.
Kumatok ako ng dalawang beses sa pinto.
“Pwede ba pumasok?” ang tanong ko sa kaniya.
Napalingon siya. Nakaupo siya sa vanity corner niya at abalang nagboblow dry ng kaniyang buhok.
“Pasok.” Ang mabilis niyang sagot. Tila natataranta na siya sa pagmamadali na matuyo ang buhok niya.
“Naligo ka pa?” ang tanong ko habang naglalakad ako patungo sa kinauupuan niya.
“Oo naman!” ang sagot niya.
“Ako na diyan.” Ang alok ko. Ako na ng mag blow dry ng buhok niya. Kung kaya naman ay iniabot niya sa akin ang hair blower at ako na ang umasikaso sa kaniya. Tinitingnan niya ako sa salamin habang abala ako sa pagpapatuyo ng kaniyang buhok.
“Bakit?” ang tanong ko nang mapansin ko ang titig niya.
Napangiti siya ng bahagya. At ang mga mata niyang may kislap sa tuwa. She looks happy. And I know she is really happy.
“Are you happy?” ang tanong niya sa akin. That question that is easy to answer but hard to express. Lalo na at kakatawag lang ni Sam. Nalilito ang isip ko tungkol s annulment na iyon.
Kumurap ang mga mata ko at ngumiti.
“I am happy. I am blessed to bear a baby.” Ang sagot ko sa kaniya.
“Ano kaya ‘yan?” ang tanong niya. Maybe she wants to know if this is a girl or a boy?
“Would she be a sassy little girl? Or a pretty little boy?” curious niyang tanong.
I can feel that overwhelming excitement too, Lia. Ang pumasok sa aking isipan.
Nagkibit ako ng aking balikat habang abala pa din sa pagpapatuyo ng kaniyang buhok.
“Huwag natin pag-usapan ang baby. Lalo ako nae-excite na makita na siya kaagad.” Ang sabi ko pa.
Tumawa kaming dalawa.
“By the way. Si Ree napakaalaga sa iyo no?” ang wika ko. Nahahalata ko ito sa tuwing may lakad sila na kasama ako. Lagi akong natutuwa kapag nakikita kong masaya silang pareho.
Napangiti siya na may tamis habang nakatitig sa akin sa salamin.
“Oo. Sobrang lambing niyan. Alam mo ba na sa France siya nag-aral ng culinary?” ang sabi niya.
“Wow! Ang layo naman!” ang wika ko.
“Oo. Doon kami nag-meet during holidays. I was wandering around a museum yata ‘yun. Then he was there too mag-isa lang din na nagtitingin-tingin. Nagkadikit kami habang abala ko ng kakakuha ng photos. Akalain mong nabuhol ang bracelet ko sa kaniyang buttons sa sleeves? Grabe galit na galit ako noon. Napigtas kasi ang bracelet ko.” Kwento ni Lia.
Napanganga ako ng marinig kong napigtas at nagalit siya.
“Then? Inaway mo?” ang tanong ko.
“Hindi.” Sagot niya.
“Tinanggal ko sa buttons ng sleeves niya.” Ang sabi niya.
“Then? Wala siyang reaction?” ang tanong ko.
Tumawa si Lia.
“Ang cute lang kasi tiningnan niya lang ako while I was trying to take it back. Napakatahimik niya habang ko ang ingay-ingay.” Ang sabi pa nito.
“Baka destined kayo to meet each other?” ang sabi ko pa.
“Sana nga.” Ang sabi pa niya na may kilig sa mga mata.
“Oh—ayan na. You are good to go.” Ang sabi ko sa kaniya.
Natapos ko na patuyuin ang kaniyang buhok. Tumayo ito at tumungo sa cabinet niya. She opened the doors and looked at her dresses. May iilan na hindi pa niya nasusuot dahil may nakasabit pa na brand tags doon.
I am watching her as she picks her choice. Kumuha siya ng dalawang damit at dinala ang sarili sa harap ng salamin upang tingnan kung babagay ba ang suot nito. Naaaliw ako kay Lia.
Lumingon siya sa akin.
“Okay kaya ito?” ang tanong niya.
“Oo naman. Kahit na ano ay bagay sa iyo.” Ang sabi ko.
Mabilis siyang pumasok sa sarili cr at doon na din nagbihis.
Ilang sandali pa ay lumabas na siya. She looks so stunning in her dark green body fit dress. Halos maguhit ang dibdib at baywang niya sa suot niya.
“You are so pretty.” Ang sabi ko na may saya at pagkamangha sa kaniya.
“You think?” ang tanong niya.
Tumango ako kaagad to show her I agree.
Bumalik siya sa vanity mirror at nag-ayos ng kaniyang sarili.
“Gusto mo ba ako na maglagay ng mga ‘yan?” ang alok ko. Somehow, I have a little knowledge on how to properly put make ups. Nasa personality development namin ito noong college days. Kaya naman ko na ang gumawa ng paraan to make her look more attractive kay Ree.
Ilang sandali pa ay natapos ko siyang ayusan.
“Ayan na.” Saad ko. Tumayo siya at muling tiningnan ang kaniyang sarili na suot ang dress niya at nakaayos na ang mukha niya.
She looks so lovely lalo na at ang puti-puti pa ng balat niya.
Tumayo ako upang iwanan muna siya.
Nilingon niya ako.
“Thank you, Les.” Ang matamis niyang saad sa akin.
Lumabas ako ng kwarto niya at tinungo ko naman ang kwarto ko. Pagpasok ko ay kaagad kong hinanap ang kama. Nais kong ihimlay ang aking katawan at makapagpahinga saglit ang aking diwa.
Ipinikit ko ang aking mga mata. Tila ang haba ng araw na ito. Ito ang araw na pinaghalo ang aking kagalakan at pangungulila. Napahugot ako ng aking paghinga. Ilang sandali pa ay kumatok si Lia mula sa pinto. Mabilis ko naman na iminulat ang aking mga mata at dahan-dahan na bumangon.
“I’m leaving!” ang sabi niya.
“Oh!” ani ko.
“Saglit ihatid kita sa ibaba.” Ang wika ko. Kaya naman ay tumayo ako at tinungo ang pinto. Tumalikod na din si Lia at naunang bumaba sa hagdan na may dalang maliit na clutch bag.
“Les magdahan-dahan ka dito sa hagdan ha.” Ang habilin niya.
“Oo naman. Hindi naman ako tumatakbo.” Ang pabiro kong sabi.
Napatawa ko siya ng bahagya.
“Huwag mo ako alalahanin. Have fun tonight.” Ang wika ko sa kaniya habang papalapit na kami sa pinto.
“I will.” And she smiled at me.
Binuksan niya ang pinto. Nandoon na pala sa labas naghihintay ang prince charming niya. Ree smiled and waved his hand. Lumapit siya malapit sa pinto para sunduin si Lia.
Muntik ko ng hindi itikom ang aking bibig. He looks so tidy and so damn attractive. I can see Jeff in his ways. Lalo ako naghahanap sa asawa ko. Bakit ganoon? Kung kailan naman ako malayo at may dinadala ay parang hinihila ako na uuwi na lang ng Pinas.
“Hello ladies!” ang bati niya. Kahit naman ilang oras pa lang naman nang huli kaming magkita.
I can see him stares at Lia like she is the most beautiful girl. How lucky.
“Les I’ll take this lady with me.” Ang paalam niya. Tumango ako at ngumiti.
“You may take her. Pero ingatan mo at ibalik mo ‘yan dito mamaya. Okay?” ang sabi ko pa.
Sabay silang naglakad papunta sa sasakyan ni Ree. Kumaway pa si Lia bago pa man niya tuluyang isinara ang bintana ng sasakyan.
Ako naman ay pumanhik na papasok sa loob ng bahay. Naisipan kong magluto ng hapunan ko. Alam ko na mamaya pa ang uwi ni Lia. Naisipan kong gumawa ng spinach apple salad. Naghahanap ang panlasa ko ng gulay. This one will do.
I ate dinner alone. Parang walang lasa ang pagkain kahit na I feel like I am so hungry. Bigla akong nakaisip na kung pwede lang kumain ng ube halaya na may manggang hinog na filling.
Biglang bumagsak ang balikat ko. Saan naman ako kukuha ng iniisip ko?
But I have to eat. Kailangan ng anak ko ang pagkain.
Matapos kong kumain ay nagligpit muna ako sa kusina. Pagkatapos ay minabuti kong tumambay sa sala upang mag-surf sa web.
Hanggang sa pinatay ko ang ilay at iniwan ko ang lamp shade nan aka-dim ang liwanag.
Nahiga ko sa sofa hawak ang aking phone. Tiningnan ko ang oras and it’s half past nine in the evening. Maaga pa naman pala. Ayoko pa umakyat. Kaya dito na muna ako habang hinihintay ko si Lia.
Halos malunod ako sa antok. Hikab ako ng hikab at medyo maanghang na ang aking mga mata.
Kung kaya ay minabuti kong ipikit ang aking mga mata.
“Wait---” ang tinig na aking narinig. May babae at lalaking nagbubulungan sa isa’t-isa.
Hindi ko kaagad nabuksan ang aking mga mata. Mabigat at nais pa bumalik sa pagtulog.
“Uhm! Take it slow—” ang bulong pa ng babae.
Nagkunot ang noo ko. Si Lia na ba ito? Pero mabigat pa talaga ang ulo ko.
“Sssshhh!” ang himig na aking nahagap.
“Let me. Just stand still.” Ang malamig na himig ng lalaki.
Biglang nag-init ang aking tainga. Sandali lang.