Chapter 5 News

1139 Words
Chapter 5 Hindi pa din natigil ang kanilang pagbubulungan. Ano ba ang nangyayari? Tila ay napako ako sa aking kinalalagyan. Ang bigat ibangon ang aking sarili. Narinig ko ang tunog ng bumagsak sa sahig. Iminulat ko ang aking mga mata. Nakatagilid akong nakahiga. Nang maimulat ko ang aking mga mata ay wala akong makita sa aking harapan. Ilang sandali pa akong nakiramdam. Tila naririnig ko ang tunog ng nagpapalitan ng halik. Napahugot ako ng aking paghinga. Tama ba ang aking akala? Hanggang sa naririnig ko ang paghahabol nila ng hininga. Anong nangyayari? Iginalaw ko ang aking ulo upang hanapin kung saan naroon ang aking naririnig. Nag-angat ako ng tingin sa bandang hagdan. Hindi gaanong malinaw ang aking nakikita pero may tao doon. Kumalabog ang nabulabog kong dibdib. Nais kong sumigaw dahil napasok ako ng hindi ko kilalang tao. Pero habang pinagmamasdan ko kung sino ang naroob ay nanlaki ang mga mata ko nang makita silang dalawa na abala sa paghahalikan. Nakikita ko ang paggalaw ng kanilang mga ulo at ang kamay ng lalaki ay abala sa paglalaro sa buong katawan ng babae. Is this Lia and Ree? Napapikit na lang ako. Kinakabahan ako at nahihiya akong bumangon upang umakyat sa itaas. Ayoko na istorbohin sila sa kanilang ginagawa. I can sense they’re both having fun. I can’t just stand and tell them, excuse me aakyat na ako. I can hear the intensity of pleasure they share. Hindi na ba sila aakyat? Hanggang sa hagdan na lang ba? Hanggang sa narinig ko ang pag-unbuckle ng sinturon. Dahan-dahan akong nagtakip ng aking bibig. Oh my goodness! Are they serious? Hindi na sila aakyat sa kwarto? Ano ba naman itong naririnig ko. Halos naging abala din ang dibdib ko sa paggalaw ng paitaas at paibaba. Naghahabol din ako ng aking paghinga. Tuluyan na ba silang nagkasalubong? Ito ang tanong ko sa aking isipan. Gusto ko na talaga umakyat sa kwarto at mag lock ng pinto upang hindi ko sila maistorbo. Ayoko maudlot ang pinagsasaluhan nilang dalawa. Kahit na ang lamig-lamig at tila mapagpapawisan ako ng wala sa oras. Nakaramdam ako ng kati sa aking ilong. Sinubukan kong pakalamahin ang aking sarili. Subalit sasabog na ang malat kong lalamunan. Akma n asana akong titikhim ng biglaan akong napabahing ng hindi sinasadya. Ang sarap sa pakiramdam na bumahing dahil Makati na ang aking ilong. Biglang na-realize ko na iyon na. Wala na akong magagawa dahil nangyari na ang hindi inaasahan. Bumahing ako ng todo. Iminulat ko ang aking mga mata. Maliwanag na ang paligid. Nanlaki bigla ang aking mga mata ng maalala na may ilaw at nakikita na akong naroroon sa sofa. Bigla akong bumangon mula sa aking pagkakahiga. Nakita ko ang dalawa na halos mahubad na ang pang-itaas ni Lia. Bumakas ang gulat sa kaniyang mukha. Ayoko sana na malaman nilang nandoon ako. Si Ree naman ay natanggal na ang suot na pang-itaas at bukas na din ang kaniyang sinturon. Mabilis akong umiwas ng tingin ng bumungad ang matipuno nitong katawan. Napapikit ako dahil hindi ko alam ang aking sasabihin sa kanilang dalawa. “Les?” ang tawag ni Lia. “Bakit nandito ka? I mean why don’t you sleep upstairs?” ang tanong niya habang naririnig ko na papalapit ang kaniyang tinig. “Ano kasi—“ ang utal kong sabi. “Aakyat na ako. Wala akong nakita.” Ang sabi ko sabay tayo at dinampot ko ang phone ko. Saka ako dumaan sa harap nilang dalawa. Nakakahiya na nalaman nilang naroroon ako sa buong pagkakataon na may ginagawa silang dalawa. Humugot ako ng paghinga. Heto talaga ang ayaw ko sa lahat. Ang mapahiya ang ibang tao nang dahil sa akin. Pumasok ako sa kwarto. Nagtungo ako sa banyo dahil tila nanakit ang puson ko. Para lang akong magbabawas. Subalit wala naming lumalabas. Marahil nadala ako sa bugso ng damdamin nitong dalawa. Nakakakilabot naman at sa may hagdan pa. Hindi ko masabi kung may nangyari o doob pa lang sila nagpapakasaya. Nagsipilyo akong nahihimigan ang kanilang pinag-uusapan. Binilisan ko pa ang pagkukuskos sa ngipin ko. Ilang sandali pa ay tumunog ang aking phone. Mabilis akong nagbanlaw ng aking bunganga dahil sa pagsisipilyo. Kumuha ako ng towel at ipinahid iyon sa aking bibig na may sobrang basa ng tubig mula sa pagmugmog. Lumabas ako ng banyo. Lumapit sa console table kung saan naroon ang aking phone. I checked who’s calling. Si Sam. “Ate!” ang tawag sa akin. “Bakit ka napatawag?” ang tanong ko. “Nabalitaan mo ba?” ang tanong niya. Bigla akong nasabik sa ibig nitong sabihin. “Ano ‘yon?” ang tanong ko. “Ang daddy ni ate Lia.” Ang sabi ni Sam. “O? bakit?” tanong ko. “Nabalitaan ko ngayon lang. Isinugod daw sa ospital.” Ang sabi ni Sam. “Sigurado ka ba?” ang tanong ko. Hindi ako sigurado kung alam na ni Lia ang nangyari. Pero hindi ito magandang balita. Nasa malayo si Lia ganoon din ang mga kuya nito. Nasa France ang dalawa. “Sino nagsabi?” ang tanong k okay Sam. “Si kuya po. Napadaan ako sa café niya ngayon.” Ang wika nito. “Bakit ka nagpunta sa kaniya?” ang tanong ko. “Pag-uusapan kasi naming dapat ang next project na plano.” Ang sabi nito. “Anong plano?” curious kong tanong. “Mag-supply daw si Kuya ng mga café needs like coffee, cocoa—“ ang kwento ni Sam. “Wow! Papasukin niyo ‘yan?” tanong ko sa kaniya. “Nag-usap na kami. Ayoko na din sa hotel ate nakakapagod.” Ang sabi nito. “Mag-negosyo na lang ako kasama si Kuya.” Ang wika pa niya. Hindi ko lubos maisip na sa kabila ng nakaraang naganap ay maayos pa din ang relasyon ng aking pamilya kay Jeff. Iyon ang pinaka pinagsasalamatan ko dahil pinagbigyan ng aking pamilya ang aking kahilingan na tulungan nila akong magpatawad sa aking asawa. Ayoko na pati sila ay makigalit din dahil hindi naman nila kasalanan na naikasal ako sa asawa ko. “Sam sigurado k aba sa gusto mo?” ang tanong ko sa kaniya. “Oo naman, ate.” Sigurado nitong sagot. “O sige! Ikaw ang bahala. Buhay mo naman iyan at matanda ka na.” ang sabi ko pa. “Ate ibaba ko na ang tawag ha.” Ang paalam niya. “Okay. Mag-iingat kayo.” Ang habilin ko bago ko pa man na icancel ng tuluyan ang tawag nito. Naupo ako sa kama sa pag-iisip sa sinabi ni Sam na naospital ang tatay ni LIa. Nais kong bumaba upang ibalita kay Lia. Pero naasiwa akong bumaba at humarap sa kanila. Sa halip ay nagsend ako ng message sa kaniyang account upang malaman niya ang balita na tungkol sa tatay niya. Sana lang ay mabasa niya kaagad. Mukhang hindi magandang balita ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD