Chapter 6 Engaged

2296 Words
Chapter 6 Lumipas ang magdamag. Napasarap ang tulog ko. It’s weekend at wala akong pasok. Minulat ko ang aking mga mata at pansamantalang napatingin sa kisame. Hinawakan ko ang aking tiyan na wala pang umbok. Napangiti ako habang hinahaplos ko ito. “Hello my love.” Ang magandang bati ko sa aking anak sa loob nito. Tahimik ang paligid kung kaya maagap akong bumangon. Bahagya akong tumigil sa paggalaw dahil naramdaman ko ang pagkahilo. Siguro ay kasama ito sa aking pagbubuntis. Nakalimutan ko na kailangan ko pala magbasa ng mga dapat gawin ng isang buntis sa first trimester nito. Naupo ako saglit napangiti sa pag-iisip na ilang buwan na lang ay makikita ko ang paglaki ng aking tiyan. Mahahawakan ko na siya at kaunting tiis na lang. Nang maramdaman ko na unti-unti nang bumubuti ang pakiramdam ko ay tumayo ako at diretsong pumasok sa banyo. Inayos ko ang aking sarili. Bababa ako upang maghanda ng makakain. Nagugutom na din kasi ako. Hindi naman ako nakakain ng marami kagabi dala nga at wala naman akong kasamang kumain. Lumabas ako ng kwarto. Biglang nabaling ang tingin ko sa kwarto ni Lia. Baka tulog pa dahil nakasarado ito. Bumaba ako ng dahan-dahan sa hagdan. Nais ko nang mag-ingat sa kilos ko ngayon. Hindi na ako lang ang kailangan kong ingatan kung ‘di pati ang anak ko sa aking sinapupunan. Pagdating ko sa ibaba ay diretso naman akong nagtungo sa kusina upang kumuha ng maiinom. Gumawa ako ng kape. Subalit bigla kong naisip na hindi pala ako pwedeng uminom nito dahil buntis ako. Kung kaya ay itinabi ko na lang ang coffee maker. Baka kailanganin ni Lia mamaya. Siya na lang ang uminom. Nagbukas ako ng fridge to check if there is something I can eat. Nagtitingin ako mula sa itaas paibaba hanggang sa pinto nito. Nakita ko ang fresh milk. I took a glass and poured some milk. Nag toast ako ng tinapay nilagyan ko ng kaunting butter. Pagkatapos kong kumain ng kaunti at uminom ng gatas ay saka na lang ako magluluto ng breakfast namin. Bitbit ang baso na may gatas at may hawak na tinapay ay naglakad ako patungong sala. Doon ko sana balak muna maupo habang pinakakalma ang aking isip at katawan. Habang ako ay naglalakad patungo doon ay may naaninag akong tao sa sofa. Natigilan ako nang isipin. Kinabahan ako bakit kami may kasamang lalaki dito sa oras na ito. Mukha pang himbing na himbing ang kaniyang pagtulog. Naalala ko kaagad si Lia at Ree kagabi. Natawa ako sa aking isipan ng madatnan ko silang dalawa. Pareho yata silang nakainom kagabi kung kaya at ganoon na lang ang eksena na aking nakita. Nilapitan ko pa siya. Tiningnan ko ng maigi. Lalaki ang nakahiga dito. Nais ko lang makasiguro kung sino ang naririto dahil sarado ang kwarto ni Lia. Marahil nandoon si Ree at magkasama sila. Nasa harap ko na ang lalaking mahimbing ang tulog. It is Ree! Naningkit ang mga mata ko habang tinitingnan siya. Ang himbing ng tulog nito. Nakasalukbong ang comforter sa kaniyang katawan. Bigla akong napaisip kung nasaan si Lia. Nagtaas ako ng tingin sa bandang itaas ng bahay. Bakit kaya dito natulog itong isa? Nasa kwarto kaya siya? Inilapag ko ang dala ko sa console table na nasa ibabang bahagi ng hagdan. Umakyat ako doon. Subalit naisip ko baka mahimbing pa ang tulog nito, kung kaya ay bumaba ako at kinuha ang baso ng aking gatas at ang tinapay na itinosta ko. Bitbit ito patungong kusina. Naisip ko na magluto na lang ako ng kakainin namin. Nagluto ako ng omellete egg roll, fried pork sausage at nag toast na lang ng tinapay. I am not sure kung gusto ni Lia kumain ng kanin. But I badly need rice. Gustong-gusto ko kumain ng kanin ngayon. Feeling ko I have a lot to feed. Kaya naman ay nagsaing ako ng sakto lang dahil hindi naman siya gaano malakas kumain ng kanin. Most of the time kakain siya ng patatas na nilagyan lang ng salad dressing at hahaluan niya ng ilang leafy vegies at ilang tomatoe cherries at grapes. Ganado akong naghanda. May bisita eh. Nakakahiya naman kay Ree kung ultimong cereals lang ihahain ko. Parang hindi ako nag-aral ng culinary kung ganoon. And knowing chef ang pakakainin ko nito. Ilang sandali pa at natapos na akong ihanda ang mga iyon. Naisipan ko gumawa ng buttermilk waffles. Paborito itong kainin ni Lia. I am sure she will be happy to see it ready on the table. Parang may kulang pa sa niluto ko Naalala ko bigla na baka may hang-over pa ito. Kung kaya ay nagpakulo na ako ng tubig para gumawa ng chicken mami soup. Filipino food pa rin ang mas mainam. Sa unang linggo ko dito ay nanibago ako sa mga pagkain. Kaya siguro nangayayat ako. Pero ngayon nakasanayan ko na. Pero hanap pa din ng panlasa ko ang masasarap na lutong bahay sa Pinas. Ilang minuto pa ang lumipas habang abala ako sa pagluluto sa kusina ay may narinig akong tumikhim mula sa aking likuran. Napaigtad ako bigla ng marinig ko iyon. Ang tahimik kasi ng paligid pagkatapos ay may biglang titikhim. Napalingon ako habang hawak ang sandok dahil katatapos ko lang tikman ang sabaw ng niluto kong soup. “Good morning!” ang bati ni Ree sa akin. His voice sounds so good to my ears. I smiled and nodded to him. “Hi! Good morning.” Ang tugon ko naman sa kaniya. He’s covered with his long sleeves na unbuttoned at nangungutya ang kaniyang matipunong katawan. Maagap akong umiwas ng tingin sa kaniya upang harapin ang ginagawa ko. Saktong luto na nga ang soup. Sumandok ako doon at naglagay sa isang bowl. Ihahain ko ito para sa kanilang dalawa. “Kanina ka pa ba nagluluto preggo?” ang tanong niya. Napangiti ako sa salitang preggo. Yes nakaka-excite pakinggan. I am preggo. Nilingon ko siya kaagad. Nakangiti ako. Tuwang-tuwa sa tawag niyang iyon. “Oo. Nagluto na ako kasi baka tanghaliin si Lia. Mabuti na itong nakahanda na ang breakfast. Anytime we can eat.” Ang sabi ko sa kaniya. “You may take a seat if you want.” Ang alok ko pa dahil nakita ko siyang nakasandal sa may b****a papasok sa dining area namin. Kaagad naman siyang lumapit sa mesa. HInila niya ang upuan at tahimik akong tinitingnan habang naghahain. He looks messy but hot. Sana lahat ng bagong gising ay kasing gwapo pa din niya. He really reminds me of Jeff. I remember those times we had together. Iyong gigising akong may yayakap sa baywang ko. Mararamdman ko ang init ng kaniyang hininga. I keep missing him every single day. What if magkasama pa din kami ngayon? What if he knows I am pregnant with his child? Masaya din kaya siya? Biglang naagaw ang pansin ko ng biglang sumulpot si Lia. She looks tired at tila antukin pa. “Hi!” ang bati ko. “Did you two had fun last night?” ang mabilis kong tanong. Nagtinginan silang dalawa. Nagtaas ng tingin si Ree sa kaniya. Tila nag-uusap ang kanilang mga mata. I can see smile in her eyes. She looks happy. Ipinatong niya ang kaniyang braso sa balikat ni Ree. Hinawakan naman ito ni Ree with his two hands. Naalala ko tuloy na masyadong naging mabilis ang tanong ko. Thinking they did something last night. Ays! Ako tuloy ang nahihiya for asking. Baka ang isipin nila I am talking about what they did sa may hagdan nang bigla akong bumahing. Hindi ko naman sinasadya iyon. Nagkataon lang na naroon ako noong oras na may ginagawa sila. Bumitaw sa kamay at tumayo si Ree at hinila ang upuan for Lia. He did not utter a word. He kissed her on her forehead. Ang lambing-lambing naman. “Ano nga ulit ‘yon, Les?” ang tanong ni Lia na tila nawala sa sarili. “Kamusta ba ang dinner date?” ang tanong ko. “Good! It was good!” sagot niya. Itinaas niya ang kanang daliri niya. There is that sparkling jewel in her finger. I can say parang engagement ring ito. She smiled all the way she could. Ang saya-saya ng kaniyang ngiti. “Oh my! Are you two?” ang tanong ko dahil na-excite din ako. Tumango si Lia. Biglang napakagat ako ng ibabang labi ko. Masaya ako to know she is engaged. “Sana nga sumama ka. The music was amazing. We danced and drink and laughed.” Ang kwento nito. Nananahimik lang si Ree. Ako naman itong nakaharap sa kanilang dalawa. May galak sa aking mga mata. “Congratulations!” ang wika ko sabay tayo at nilapitan ko si Lia to give her a warm hug. “Thank you! Thanks to you for deciding na mapadpad dito," wika niya. "Kung hindi ka pa umalis ay hindi makakarating ang mga paa ko dito para balikan si Ree.” Ang sabi niya. “I am happy for you!” ang sabi ko. “O! by the way ipinagluto kita ng chicken mami. Naisip ko baka kailangan mo ng mainit na mahihigop na sabaw.” Ang sabi ko at bumalik ako sa aking upuan. “Wow! Gusto ko ‘yan, Lesley.” Ang sabi ni Ree. “I-celebrate natin ang mahalagang araw na ito.” Ang dagdag pa niya. I felt good when I heard na gusto din niya. I was worried na wala siyang kainin sa mga hinanda ko. If ever ayaw niya kailangan ko pa yata magtawag for food delivery. Binigyan ko silang dalawa. Nakahain na din ang ilan pang hinanda ko. Naupo ako sa harap nila. Tumikim kaagad si Ree. “Wow! You’re good.” Ang sabi niya. “Coffee?” ang tanong ko pa. Lulubusin ko na ang pagsisilbi dahil parheo silang napagod kagabi. “Meron ba?” ang tanong ni Ree. “Oo naman.” Ang sagot ko. Kaagad akong tumayo at tinungo ang coffee maker. Saglit lang naman ito. Pagkatapos ay inihain ko na sa kanilang dalawa ang tig-iisang tasa ng kape. Humigop kaagad si Lia. “Thank you, Les. Ang sakit ng ulo ko.” Ang sabi niya. “Babe have you seen my phone?” ang tanong nit okay Ree. “Nasa pouch mo di ba?” ang sabi pa niya. Do I have to tell her? Parang hindi good time to let her know about her dad. But kailangan. “Lia—“ ang tawag ko sa pangalan niya. “May message ako doon last night.” Ang sabi ko sa kaniya.. I remember na ang dad niya ay isinugod sa hospital. “Nag-message ka?” ang tanong nito sa akin. “Oo. Iyong dad mo.” Ang bungad ko. “What happened?” ang mahinahon niyang tanong. “Just calm down.” Ang paunang sabi ko. “Nasa hospital daw. Hindi ka ba tinawagan?” ang tanong ko pa. Umiling siya. Kaagad na tumayo ito kahit may kagat-kagat na waffle sa bibig. Hinanap niya ang kaniyang pouch. Nasa sofa iyon kung saan naroon si Ree kanina. Kinuha niya at tumingin dito. Nakita ko na lang napatakip ng bibig si Lia. She’s in state of shock. Biglang pumalit ang saya sa pag-aalala. Napatingin siya sa amin ni Ree. I can see through her eyes. “Babe?” ang tawag ni Ree na tila nagtatanong. “I need to book a flight going to Philippines.” Ang sabi ni Lia. Natigilan ako sa narinig ko. Uuwi si Lia? Biglang nalungkot ako. Maiiwan ako ditong mag-isa. Parang gusto ko na din sumama sa kaniya. Mabilis na bumalik ito sa kinaroroonan namin ni Ree. “Are you sure na uuwi ka?” ang tanong pa ni Ree. “I should. Baka kung mapano si dad tapos wala ako doon.” Ang sabi pa nito. Abala na si Lia sa kaniyang phone. “Babe kumain ka muna. We will settle things right away basta kumain ka muna.” Ang sabi ni Ree sa kaniya. Nagtitipa ang mga daliri nito at abala sa ginagawa. “Ipinaalam mo ba kay Lucas?” ang tanong ni Ree. I heard his name again. “Not yet. Baka nga alam na nila.” Ang sabi ni Lia. Biglang naisip ko tuloy. Uuwi din ba siya katulad ni Lia? Ano ba ang kalagayan ng dad nila? I am worried. I don’t know why. Alam ko na hindi ako dapat nag-iisip ng kung ano. But this time I feel uneasy. May café na si Jeff. Then if uuwi si Lucas, he used to go on a café all by himself. Magkikita ba ulit sila? Ayoko kahit na hinayaan ko na kung ano ang pipiliin ni Jeff. Natahimik akong nakaharap sa dalawa. Tumingin si Lia sa akin. I can feel her sadness. She is worried. “Les will you be alright if I leave?” ang tanong niya. At this time ako pa din ang iniisip nito. Tumango ako. “Oo naman!” nais ko siyang makampanti kahit na nag totoo, I am so afraid to be left alone. Ilang sandali pa ng katahimikan ay binasag ulit ito ni Lia. Lumingon siya kay Ree na abala naman sa pagkain. “Babe doon na lang kaya muna si Lesley sa iyo?” ang sabi nit okay Ree. Nanalaki ang mga mata ko sa aking narinig. Ano ang gagawin ko sa bahay ni Ree? May bahay kami. Okay lang akong mag-isa. “No!” ang tanging nasambit ko. Hindi na yata kailangan. Nakakahiya naman. “What?” ang tanong ni Lia. “I need to make sure na okay ka kahit wala ako.” Ang sabi ni Lia. “It’s okay!” sabi ko pa. “Please, Les.” Pakiusap niya. “I want you to be safe with Ree while I am away.” Ang sabi ni Lia.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD