Chapter 7 Flight

2356 Words
Chapter 7 Flight I do not know what to say. I am speechless and I don’t know how to say no. Naiwan akong nakatikom ang bibig. Tumayo si Lia and went upstairs. Naiwan naman kami ni Ree sa mesa. Abala siya sa pagkain while I? Hindi ko alam kung isusubo ko pa ang pagkain ko. I wanted to say no, I wish to stay home. But how am I supposed to say it? Ayoko na makadagdag sa iisipin niya. She got her most wonderful night last night. And now here she is. Nagmamadali na asikasuhin ang pag-uwi niya ng Pinas. Tinitingnan ko pa lang si Ree pero ayoko na kaagad sumama sa bahay niya. I know may katulong siyang kasama. But Lia said, daytime lang ito nag-stay doon. How am I supposed to live with him in one roof? Biglang iginalaw ko ang aking sarili ng dahan-dahan. Tatayo na ako upang magligpit. Nagtaas ng tingin si Ree sa akin. “Are you done?” ang tanong niya. Tumango lang ako at tumalikod kaagad. Naguguluhan ako. I really wanted to stay here. I cannot live with this man. Hindi ako komportable. Kaya naman humingi ako ng paumanhin kay Ree. “Aakyat lang ako. Sandali lang ha?” ang sabi ko sa kaniya. Mabilis akong lumagpas sa kaniya at umakyat. I will talk to Lia. Gusto ko na makampante siyang iwanan ako kahit na malayo siya ay kakayanin ko naman siguro ang mag-isa ngayon. Nasanay na akong mag-isa. Narating ko ang harap ng kaniyang pinto. Kumatok ako ng dalawang beses. Gumalaw ang door knob sa ikatlong attempt ko. Binuksan siya and she let it hang opened. “Pasok ka.” She said at kaagad akong pumasok. Naupo ako sa kama niya. Habang siya ay abala pa sa kaniyang phone. “Have you booked a flight?” ang tanong ko sa kaniya. Humugot ito ng malalim na paghinga. Tumingin siya sa akin. Her eyes speaks how worried she is. “I am trying to find a ticket.” Ang sabi nito. “Fully booked and dalawang araw na flights.” Ang sabi niya. Nakakagulat naman na maraming pasahero ngayon. “Lia—“ sambit ko sa pangalan niya. “Les?” tugon naman niya. “About sa paglipat ko kay Ree.” Ang bungad ko. Naupo siya kaagad sa tabi ko. She looked at me. “Les please! I can’t let you stay here alone. You’re pregnant. You need somebody.” Ang paliwanag niya. Yes I need that but I think hindi ang fiancé mo ang kailangan ko. Napanguso ako habang iniisip ito. “Lia ang akin lang naman kasi—“ katuwiran ko sana. “Les huwag na matigas ang ulo. You need Ree to be around. What if something happened?” ang nag-aalala niyang sabi sa akin. “Maingat ako. Anytime I can call for help. Alam mo ‘yan.” Ang sabi ko pa. “Please don’t argue with me. I am concerned with you and your baby.” She insists. “Okay! Ito na lang. Allow me to stay home. Then if something happens, maybe that is the time I should leave home.” Ang sabi ko. Tiningnan pa niya ako. Maybe she’s thinking now. Ilang sandal pa ng katahimikan ay nagsalita na siya. “Okay! I will let you. But I will still ask him to check on you.” Ang sabi niya. Nabuhayan ako ng loob. Natahimik na ngayon ang isip ko dahil hindi na ako lalabas upang makituloy sa bahay ng isang lalaki. Kahit naman na okay si Ree ay hindi ako magiging komportable na may kasamang ibang tao sa bahay. “Just make a promise!” ang sabi nito. “Call him when u need anything.”ang habilin nito. Ngumiti ako. I feel relieved knowing she agreed. At least hindi ko na kailangan iworry si Ree. Tumayo siya ulit. And she checked on her phone. “Ay ito pala may na-miss akong slot.” Ang wika nito. Biglang nabuhayan ang loob niya at nakakita na siya ng ticket pabalik sa Pilipinas. Mabilis itong nagbook halata sa galaw ng kaniyang daliri sa ibabaw ng phone screen niya. “Ilang araw ka mag-stay ka?” ang tanong ko sa kaniya. Nag-angat siya ng ulo niya at tumingala ng bahagya. Nag-iisip kung ilang araw nga ba siya mag-stay doon lalo na at nasa ospital ang tatay niya. “Kamusta daw dad mo?” ang kasunod kong tanong. “Mom said they rushed him right away he collapsed. Nasa intensive care unit daw ang daddy.” Ang sabi nito. Biglang kinabahan ako. Malubha kaya ang kaniyang kalagayan? “Is he okay?” ang dagdag ko. “Not yet—wala pang sinasabi ang doctor. Under observation pa daw. Ang worry ko lang ay si mommy lang ang kasama niya doon. “Kaya nga.” Saad ko. “I sent a message to my brothers.” Ani nito. Kinabahan na naman ako. Gusto ko tuloy sumama na lang pabalik kung uuwi na rin si Lucas. Hindi pa nga ako dito nagtatagal pero heto ako. I am wishing to go home. Napabuntong ng hininga ito. “I don’t have an idea if they are willing to see dad.” Bagsak ang balikat nito ng sabihin niya. Ilang sandali pa ay may kumatok sa nakaawang na pinto. Sabay kaming napalingon. “Ladies I should go.” Ang paalam nito. Nilapitan siya ni LIa. “Hatid na kita sa labas.” Ang wika nito sabay hapit sa braso ni Ree. “No just stay here and do your thing. Call me when you have to.” Ang tugon naman niya kay Lia sabay halik sa noo nito. Kumalas si Lia sa pagkakahawak sa kaniya. “Okay!” tanging nasabi niya. Nagtaas ng kamay si Ree habang nakatingin sa akin. “Lesley I’m going—“ ang sabi niya. Kumaway naman ako bilang tugon din ng paalam. “Ingat!” saad ko. Tumalikod na siya at bumaba. Naiwan kami ni Lia sa kwarto nito. Bumalik si Lia sa kinaroroonan ko. “Maybe I should start packing my stuffs.” Ang sabi niya. Sabay naman akong tumango bilang pagsang-ayon dito. Lumapit siya sa cabinet at humugot doon ng kaniyang luggage bag. Inilapag niya ito sa kama. Tumayo naman ako. “Anything I can do?” tanong ko sa kaniya. “Kaya ko na. Take a rest.” Ang sabi nito. “Okay—baba lang ako. Ligpitin ko lang ang nasa dining.” Ang wika ko. “Sure!” ang tugon niya. Bumaba ako at tumungo sa kitchen. Nakakamangha naman ng madatnan koi to. Everything is in order. Malinis na ang dining table. At lahat ng natirang pagkain ay nakasilyo sa mga lalagyan. Napangiti na lang ako dahil nagawa pa ni Ree na ayusin ang mga iyon bago kami iwanan. Kung kaya ay bumalik ako sa room ko upang maghanda. I want to go for a walk habang abala pa si Lia sa pag-impake. Pag-akyat ko sa aking kwarto ay may natanggap akong mensahe mula kay Sam. Sabik akong binuksan ito. Natigilan ako ng makita ko ang larawan. She sent me a photo of Jeff busy in a bar counter. Pinagmasdan ko pa ito. He looks better now. “I miss you, hon.” Tanging nasambit ko. Kirot sa aking dibdib ang yumakap dahil sa pananabik na siya ay makita at mayakap muli. Bakit kung kailan maayos na ako dito ay mas lalo ko siyang kinasasabikan. Ibinaba ko ang phone ko at inayos ang aking sarili. Lalabas na lang muna ako upang makapaglakad-lakad. SUMAPIT ang araw ng pag-alis ni Lia. I am ready para ihatid siya. Hinihintay din namin si Ree. Sumandal ako sa may pinto. I am watching her busy fixing herself. She’s wearing a black pants and a beige sweat shirt. Nakahanda na ang lahat ng dadalhin niya. Nakapalag na din ang passport at ticket nito sa kama. Biglang napalingon siya sa gawi ko. “Les I am worried about you.” Ito ang sinabi niya nang lapitan ako na nakatayo sa b****a ng pinto ng kwarto niya. “Ano ka ba? Matanda na ako. Kaya ko ang sarili ko.” Ang paliwanag ko. Hindi na niya ako kailangan na alalahanin. “Just call Ree anytime when you have to.” Ang sabi niya. Tumango ako ng may ngiti sa aking labi. “Don’t worry. Umuwi ka and be with your family. Mas kailangan ka nila ngayon. Hayaan mo ako na tumayo sa sarili kong mga paa. I should learn how to live by myself and my child.” Ani ko sa kaniya. She hugged me. “Take care. Do not think anything na makakapagpapa-stress sa iyo at sa baby. Remember you have us.” Ang sambit niya. Napakalambing ni Lia. Maybe she found a sister in me this is why she really wanted to make sure that I will be fine. Kumalas niya ng yakap at nakita ko na bahagya naluha ang kaniyang mga mata. Napatawa ako saglit. “Hey—don’t cry.” Ang sabi ko. Humalakhak kaming dalawa. Biglang tumunog ang busina ng saskayan ni Ree. “Oh! He’s here.” Ang saad niya. Kaagad niyang dinungaw sa bintana kung si Ree na nga ang naroon. Dinampot niya ang kaniyang passport at ipinasok sa kaniyang handbag kasama ang kaniyang phone. “Let’s go!” yaya niya sa akin. Bumaba na ako upang ipagbukas si Ree ng pinto. Pagdating ko sa baba ay nakahanda na ito sa labas upang salubungin kami ni Lia. Parang may liwanag sa na umilaw sa loob ko nang makita ko siya. He’s wearing a black sweat shirt and a faded jeans. He looks so tidy. But the moment na nilapitan niya kami. I hated his sent. Gusto ko na tuloy magtakip ng aking ilong. Why do I hate perfumes? Nagkunot ang noo ko. I closed the door and followed them. Bitbit ni Ree ang luggage ni Lia. Bumabakat ang muscles sa braso niya habang bitbit ang luggage nito na iniaakyat sa compartment ng sasakyan. Kami naman ni Lia ay nakaabang sa kaniya na matapos iyon na maikarga. He closed the compartment at umikot. Ipinagbukas niya si Lia ng pinto ng sasakyan at saka isinara. Pagkatapos ay ipinagbukas din niya ako. Dahan-dahan lang akong umakyat. While were on the road, ay tahimik ang dalawa. Nakakabingi pakinggan. Hindi man lang nagbukas ng stereo si Ree. Kung kaya ay nilibang ko ang sarili ko sa phone ko. Nagbukas ako ang message box ko. Wala naman akong mensahe na naghihintay na mabuksan. Malayo-layo pa ang Toronto Pearson kaya sinubukan ko na lang maidlip sa likod. Hindi ako natutulog. Tamang nakapikit lang dahil nakikiramdam sa aming biyahe. Ilang sandali pa ay nag-usap na ang dalawa. “Babe are you sure you don’t want me to go with you?” ang tanong ni Ree. “Babe may trabaho ka. Besides wala nang kasama si Lesley kung sasamahan mo ako.” Ang sagot naman ni Lia. “You really wanted to make sure she will be okay.” Ang sambit ni Ree. Nahiya ako bigla sa usapan nila. At this moment na aalis na itong isa ay ako pa din ang nasa isip. “Are you going to tell them about our engagement?” ang tanong ni Ree sa malamig na himig. “Not yet! Maybe kapag maayos na si dad. I can tell them.” Ang sagot naman nito. “Do you think Lucas would approve?” ang tanong ni Ree kay Lia. “Ano ka ba? itanong mo kung magiging approved sa dad at mommy. I don’t care about whatever he’s going to say. He don’t belong in my circle.” Ang sabi nito. Bigla yata nag-iba ang ihip ng hangin. “Calm down. Malayo ang biyahe mo.” Ang sabi nito. Iyon ang huling narinig ko nang tuluyan na akong nakatulog. “Les—“ ang himig ng tawag sa aking pangalan. Iminulat ko ang aking mga mata. Naramdaman ko ang pagtapik ng kamay sa aking braso. Bumungad si Lia na nasa unahan ko. “Were here!” ang sabi niya. Kaagad akong umayos ng pagkakaupo. Inayos ko ang aking sarili at bumaba na ng sasakyan. Nasa labas na din si Ree na abala sa pagbaba ng luggage bag ni Lia. Narinig ko pa ang pagsara nito ng compartment at saka niya binitbit ito habang pinagugulong sa sahig. Sabay kaming tatlo na pumasok. Naupo kami sa waiting area. Tatlong oras pa bago ang flight niya. Pero maaga kaming naparoon upang masiguro na hindi siya ma-delay. Naupo ako sa may kalayuan upang mabigyan sila ng panahon pareho. Ang ganda nilang tingnan. Nakasandal si Lia sa balikat ni Ree. Para silang mga batang nagpapalipas ng oras sa isang sulok. Nakaakbay naman si Ree sa kaniya. Lia is so secured with Ree. She deserves him well. I wil be very happy kung maikakasal na silang dalawa. Naghintay kami hanggang sa marinig na naming ang hudyat ng kaniyang pag-alis. Tumayo kami. Nilapitan ko siya. “Ingat!” ang sabi ko. Ayoko talaga ng pamamaalam dahil laging nalulungkot ang puso ko sa tuwing darating ang pagkakataong ito. She hugged me so tight. “Call me everyday.” Ang habilin niya. “Oo naman. Huwag mo na akong alalahanin. Have a safe flight.” Ang bulong ko sa kaniya. Habang si Ree ay pinagmamasdan kaming dalawa na magkayakap. Pagkatapos ay silang dalawa naman ang nagyakap ng sobrang higpit. “I’ll be back!” ang bulong nito sa kasintahan. Kumalas si Ree at humawak sa kaniyang mga pisngi. Halos mabalot ng mga kamay nito ang mukha niya. Hindi ko inasahan ang mabilis na pagsakmal nito ng halik kay Lia. I know they usually do this, but this time I felt a pinch inside me. Nalulungkot ako at magkakalayo silang dalawa. Kumalas na sila sa isa’t-isa at tumalikod si Lia. I can see her holding her tears with a smile na pilit na ipinakikita. She wanted to make him feel that she is strong to leave him for a while. Nakatayo ako sa tabi ni Ree. Nakapamulsa itong pinagmamasdan ang papalayong minamahal. Kumaway si Lia sa amin. And I did the same thing.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD