Naningkit ang kaniyang mga matang nakatingin sa akin. Biglang nagdabog ang dibdib ko sa pag-iisip na kapag bumaba si Jeff ay makikita niya si Ree. Kung kaya ay mabilis kong nilapitan si Ree at hinawakan sa braso nito. “Let’s talk outside.” Ang bulong ko sa kaniya. Nagbaba siya ng tingin sa akin. Tiningnan ko siya sa mata at nangungusap na sana ay pagbigyan ako. “Lesley?” ang muling pagtawag ni Jeff. Napalingon ako sa bandang hagdan. Inakala kong naroon na siya at nakatayo. Tumikhim ako dahil tila nanunuyo ang lalamunan ko. Pero guminhawa saglit ang aking dibdib dahil wala siya sa hagdan. Natatakot din siyang iwanan si Elle. “Wait a sec! May ginagawa pa ako.” Ang sabi ko na lang upang hindi na siya mabahala kung sino man ang siyang kausap ko. Hindi na si Jeff umimik pa. Si Ree nama

