BIGLANG buhay na buhay ang gabi sa loob ng Bar lahat ay masaya dahil ang unang Ring d' Bell ni Matthew ay nasundan pa ng maraming beses at tulad ng dati nilang ginagawa ni Andrew ay nagpaulan din siya ng pera kasama si Priscilla na siya mismo ang pinapahagis niya pati ping-pong balls na may katumbas na pera bawat isa at nagpaputok ng mga confettis na pati ang ibang customers ay napagaya narin. Hanggang lumalim na ang gabi lingid sa kaalaman ni Priscilla ay may sorpresa pa si Matthew para sa kanya. Pagpatak ng alas-dose ay biglang huminto ang pagpapatugtog ng Disc Jockey ng mga rock music at pinalitan ng isang love song na kanta ni Dan Hill ang "Never Thought" wala ring dancers na umakyat, maya-maya ay inaya ni Matthew si Priscilla na umakyat sa stage at sumayaw na ikinagulat ni Priscilla

