bc

The Wild Boar (Filipino)

book_age18+
6.6K
FOLLOW
45.6K
READ
possessive
opposites attract
playboy
sweet
bxg
first love
love at the first sight
addiction
seductive
like
intro-logo
Blurb

If you want to catch a big fish, where do you go? To a lake  or ocean?

Yes, for Priscilla rich men are like big fishes. She needs a good bait in order to catch them. She needs to enter their world in order to smell them.

Priscilla is a free lancer talent. She grabs any opportunities that come alone in her way. No limitations at all as long as the price is right. Yes, she's so practical and ambitious. For her, it's not your fault you were born poor, but it will be your fault if you die being still poor. She is a perfect picture of a pretty woman gifted with especial physical attributes that could attract any normal man with normal needs. That's what she called "her bait."

Matthew, sadistic Billionaire playboy bachelor. A picture of the perfect creation of God... A kid in town type. For him women are all the same meat, just different gravies and garnishes. They all look the same when he lay them down. Until one day he saw the delicious, hot, beautiful and sexy Priscilla with such a beautiful face and innocent eyes and lips dancing in front of him wearing a see through body fitted sexy dress. Suddenly his world turned upside down. Suddenly he desired Priscilla. All of a sudden he changed his outlook in life.

How would he fulfill his desire for Priscilla? Would he use his money or charm?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
NAKATANAW si Priscilla sa kadiliman ng karagatan. Tanging mga bituin sa langit lang ang nagsisilbing tanglaw sa kinaroroonan niya. Nandito siya ngayon sa tabing-dagat; nag-iisip,at nagmumuni-muni. Nagpaplano sa kung ano at saan siya ulit magsisimula maghanap ng trabaho. Oo, "panibagong trabaho." Katatapos lang ng kontrata niya sa isang fastfood sa bayan  bilang isang service crew. Dahil hindi naman siya nakatapos ng degree course sa college nahihirapan siyang maghanap ng maganda at stable na trabaho. Puro contractual lang ang bagsak niya. Tanging vocational course lang ang nakayanan niya halos hirap pa siyang maisingit sa schedule niya dahil nagtatrabaho siya at the same time. No'ng nakatapos na siya ng high school ay nagsimula narin siyang magtrabaho para makatulong sa mga magulang at mga kapatid na maliliit pa. Pinilit niyang mag- enroll sa isang Vocational Institute at kumuha ng Bartentending and Food  Preparation course.   Nasa gano'ng pag- iisip siya nang lumapit ang Ina niya. "Anak, malalim na ang gabi at malamig na dito. Bakit gising kapa?" tanong ng ina kay Priscilla.   "Inay, bakit po kaya ang hirap maging mahirap?" tanong ni Priscilla sa ina.   "Ano ka ba naman anak ang lalim naman ng iniisip mo," sagot ng nanay niya. Imbes na sagutin iyong tanong ng anak ay inisip nitong may problema at pinagdadaanan ang dalaga niya. "Naisip ko lang po 'nay siguro kung mayaman tayo hindi natin mararanasan ang mga hirap na pinagdaanan at pinagdadaanan parin natin ngayon," mahabang saad ni Ella sa ina.   "Anak, ang buhay ng tao ay parang mga daliri natin iyan hindi pantay-pantay. Magkaka-iba tayo ng  kapalaran nagkataon na ito ang napunta sa atin," malalim na paliwanag ng ina sa anak. "Ang mahalaga ay buhay tayo at magkakasama ng mga kapatid mo," dagdag pa nito. Napabuntong-hininga si Ella. "Oh, ba't ang lalim naman yata ng buntong-hininga mo?" tanong ulit ng ina. "May pinagdadaanan ka ba anak?" May boyfriend kana ba at inayawan ka ng magulang kasi mahirap lang tayo?" pangungusisa ulit nito. Ang Inay naman....boyfriend agad?" nakatawang turan ni Ella kay Aling Cedes. Pinipilit alisin ang bara sa lalamunan at ang pagpatak ng luha  sa harap ng ina. "Wala pa po sa isip ko ang mga bagay na ganyan. At saka po pag dumating na ang araw na magbo- boyfriend na ako pipiliin ko iyong mayaman....Super yaman! Iyong kaya tayong iahon sa kahirapan," mahabang saad ni Ella sa ina sa tonong nangangako.   Napatitig ang ina sa anak niya. Tiningnan siya mula ulo hanggang paa. "Anak, dalaga kana. Hindi lang basta dalaga kundi isang napakagandang dalaga," buong pagtatanging turan ng ina sa anak.   Oo, isa siyang napakagandang dalaga.   British ang ama niya. Ayon sa kwento ng ina niya sa kanya, nakilala nito ang ama niya sa Puerto Galera sa Mindoro. Nagtrabaho ito noon sa isa sa mga restaurant sa isla kung saan dinadayo ng mga turista. Nagsama ng ilang buwan ngunit nang mabuntis ang ina ay saka naman ito nagpaalam na babalik na sa England dahil sa trabaho at naubos na ang ipon nito sa mga panahon na inilagi sa Pilipinas para magbakasyon. Sa una ay masigasig ito, madalas tumawag at kamustahin ang ina may pagkakataon pa nga na nagpapadala ito ng pera para sa pagpapacheck-up at iba pang gastusin sa pagbubuntis. Ngunit makalipas ang ilang buwan nagbago ito ng pakikitungo sa ina niya. Minsan nalang tumawag at hindi narin halos magpadala ng pera. Hanggang sa tuluyan na itong hindi nagparamdam. Nanganak ang ina niya sa kanya na walang naging katuwang kundi ang ilan lang sa malalapit nitong kaibigan. Iyon ang naging unang kabiguan ng ina niya sa pag-ibig at pangarap nitong makaahon sa hirap. Hanggang nagdalawang taon siya at noon nakilala ng ina niya ang step father niya. Isa itong tauhan sa fishing vessel na dumadaong sa isla at nagsusupply ng seafoods sa mga hotels at restawran ng lugar. Naging mabuting amain naman ito sa kanya at itinurin siyang parang tunay na anak. Hanggang sa nagkaroon siya ng mga kapatid. Doon nag-umpisang lalong maging mahirap ang kabuhayan nila.   Natinag siya sa malalim na pag-iisip ng magsalita ulit ang ina. "Napakaganda mo anak. Taglay mo ang mga katangian ng isang babaeng pinagpala ng Panginoon. Sa ganda mong iyan kaya mong bihagin ang puso ng kahit sinumang lalaki ang magustuhan mo. Pero hindi ko sinasabing gamitin mo ang katawan at sarili mo para makuha ang mga minimithi mo sa buhay. Ngunit kung may pagkakataon huwag mong palalampasin. Mabigo kaman huwag kang susuko na sumubok ulit. Huwag kang gagaya sa akin. Naging duwag akong makipagsapalaran ulit na mapaganda ko ang buhay natin. Hindi ka sana namulat sa kahirapan." May hinanakit sa boses nito habang nangangaral sa kanya. "Kung anuman ang iniisip mong sa tingin mo ay magiging daan patungo sa mga pangarap mo huwag kang matatakot sumugal. Basta lagi mong tatandaan huwag kang mananakit ng kapwa para umasenso sa buhay. Lagi kang hihingi ng gabay sa Poong Maykapal siya lang ang iyong makakapitan sa panahong pagod na pagod kanang lumaban," dagdag na pangaral nito. "Salamat po Inay, mahal na mahal ko po kayo ni Itay at ng mga kapatid ko." Maluha-luhang saad ni Ella sa ina at mahigpit na yumakap dito.   "Oh, siya sige na umuwi na tayo at malalim na ang gabi baka magkasakit ka pa," aya ng ina.   "Mauna nalang po kayo 'nay susunod nalang po ako," sagot naman ni Ella. Sa kaibuturan ng puso ni Ella hirap ba hirap siyang makita ang mga magulang at kapatid na nahihirapan. Madalas pa may magkasakit at walang pambili ng gamot kundi umasa sa ibinibigay sa center pahirapan pa lagi  sa sobrang haba ng pila. Madalas pa masusungit ang mga health workers. Kaya buo na ang plano niya...     ---     NASA harap sila ng isang hotel, bar and restaurant sa Puerto Galera. Isa ito sa pinakabago at sikat na hotel doon at kadalasan  dito nagdadaos ng mga espesyal na okasyon ang mga mayayaman sa probinsya ng Mindoro at mga kalapit probinsya. Kasama niya ang matalik niyang kaibigan na si Natalie. Parehong posisyon ang inaaplayan nila sa nasabing hotel. Sa labas nito doon nakapaskil ang karatulang hiring sila ng mga sumusunod. Mas pinili nilang mag-apply bilang Bartenders dahil iyon ang certificate na hawak nila National Certificate II na ibig sabihin qualified na sila sa ganoong klaseng trabaho. Dumaan sa rigid training at written and actual exam. Hhhmmn, tawag pansin nila sa Security Guard na nakatayo sa may mismong pinto ng establishment.   "Good morning Sir," magalang na bati nila dito. Ngumiti naman ito at gumanti ng pagbati sa kanila. "May kailangan kayo mga Miss?" at bahagya pang nagpa-cute sa kanila.   "Sir, mag aapply po sana kami," magalang na sagot nila ni Natalie. Halos sabay pa silang nagsalita. Natawa naman ng bahagya ang guard. Tiningnan sila nito at tinanong.   "Alin ba diyan ang aaplayan niyo?" nakatingin sa karatulang nakapaskil. "Dancer ba?" tanong nito na halatang interesado sa isasagot nila. Nagulat naman si Ella at Natalie. Biglang nagkatawanan.   "Si Sir naman sobrang mapagbiro," si Natalie na pinipilit kunin ang loob ng guard. Para mas madali nilang maipasa ang resume at baka sakaling i-top priority among other applicants.   Si Natalie ay kaibigan niya mula pagkabata. Para na niya itong kapatid kung iturin. May pagkakalog ito at palabiro. Maganda rin ito hindi man pumantay sa ganda niya pero meron itong mga katangian na makakapagpa second look kahit kanino. Pure pinay ang hitsura nito salungat sa itsura niya na blonde at may pagkakulot ang buhok niya na parang buhok ng mais sa sobrang kinis at lambot ng bawat hibla nito. Hazel ang mga mata niya na parang sa manika, maliit at matangos ang ilong niya at manipis ang pouted lips niya. Ang balat niyang sobrang puti na kahit magbilad sa araw maghapon ay namumula lang. Si Natalie naman ay morena iyong tinatawag na exotic beauty.   "Pero sir,  kung sakali bang mag aapply kaming dancer tanggap ba kami?" tanong ni Natalie na nasa tono ang pagbibiro.   "Ay, oo mga miss...tanggap na tanggap," buong paghanga naman na tingin nito sa kanilang dalawa ni Natalie. Si Ella naman ay tahimik lang pero nag-iisip. Kung ano siya lang muna ang nakakaalam.   "Bartender po ang inaaplayan namin sir," sabi ni Natalie sa guard.   "Eto po ang resume namin at xerox copy ng NC II namin," dagdag pa nito. Hindi rin ito mahiyain kaya sa lahat ng trabaho na pinanggalingan nilang dalawa ito lagi ang pambato niya sa mga pakikipag-usap at pakikipagbolahan sa mga security guards na silang nauunang tumanggap sa mga resume ng mga applicants. Madalas natatanggap sila agad dahil sa mga kindat at pagpapa-cute nito. Si Ella ay taga-tawa lang at taga-saway sa kakalugan ng kaibigan minsan.   "Ah, sige akin na at iibabaw ko sa lahat ng nagpasa ng resume para kayo ang maunang mainterview ng operation manager sa bar section ng hotel," mahabang salaysay nito sa kanila. Tiningnan muna nito ang mga resume nila at ipinatong na sa  ibabaw ng mesa. "Pero miss alam niyo mas malaki ang kikitain niyo kung magiging dancer kayo dito," sinserong alok ng guard sa kanila.   "Salamat nalang po sir, pero pareho pong kaliwa ang mga paa namin nitong kaibigan ko," saad ni Natalie. Ang totoo ay pareho silang magagaling sumayaw ni Ella dahil pambato sila ng school nila sa mga Dance Competition   during High School days. Pero paraan lang niya iyon para hindi ipakita sa guard na ayaw nila maging dancer at i- reject tuloy sila pati sa pag-bartender. Hindi lingid sa kaalaman  nila na karamihan ng mga babae sa probinsya ay doon nagtatrabaho at nahahanap ang mga swerte nila sa buhay. Marami na ang nakapag-asawa ng foreigners at nakapunta  na sa ibang bansa dahil sa island na iyon.  Puerto Galera  is one of the three places in the Philippines recognized by UNESCO as a Man and Biosphere Reserve in 1973. Aside from it's white beaches, it is also known to be a popular diving site, boasting a precious marine life. Puerto Galera doesn't fall far behind the more famous beaches in the Philippines when it comes to sketches of white sand, vibrant nightlife, and gorgeous sights to see. Kaya isa ito sa mga kilalang tourist spot ng Pilipinas kaya laganap din dito ang hospitality business establishments. Ngunit sa mga mura pa nilang kaisipan at kawalan pa ng karanasan hanggang maaari iiwasan lang muna nilang tahakin ang landas na iyon.   "Okay sige mga miss hintayin niyo nalang ang tawag for interview. Good luck!" dagdag ng guard at tumalikod na ito sa kanila para pagbuksan ang papasok na guest ng hotel. 

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Unexpected Romance

read
38.4K
bc

Billionaire's Secret Affection (Tagalog)

read
258.8K
bc

Unloved by the billionaire

read
397.2K
bc

A Billionaire In Disguise

read
654.4K
bc

Escaping from the Greek Tycoon (TAGALOG)

read
176.7K
bc

Bittersweet Memories (Coming soon)

read
85.4K
bc

Faithfully

read
266.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook