Chapter 2

1558 Words
NASA helepad ng Gold Leaf Tower Mall si  Matthew na pag-aari niya. Kasama niya ang matalik na kaibigan at business partner na si Leandro. Papunta sila sa Pagudpud sa Ilocos Norte para tingnan ang development sa construction ng hotel and resort na ipinapatayo nila doon. Isa lang ito sa mga hotel businesses nila ni Andrew. Meron sa  Boracay, Palawan, Subic, Cebu, Mindoro, Clark Pampanga at sa Makati. Sa edad na thirty-eight ay isa na siya sa mga bachelors na bilyonaryo sa Pilipinas. He is a money-maker. He wants to get richer and richer. For him, money makes the world round. Money is equal to power and freedom. If you have money, you have connections and that's what he needs to excel in the business world. And now he has almost everything money could buy. But yet, he still wants more the more he gets, the more he wants. Biglang natahimik si Matthew at malalim na nag-iisip. Naaalala na naman niya ang mga kapatid na nawalay sa kanya. Sa tuwing naaalala niya ang mga nakababatang kapatid bigla nalang siyang nanghihina at nalulungkot. Pakiramdam niya may kulang sa pagkatao niya. Punong-puno ng pangungulila ang puso ni Matthew. Isa sa mga dahilan kung bakit ganoon nalang ang pagsisikap niya sa buhay iyon ay dahil gusto niyang mahanap ang mga kapatid. Hindi siya matatahimik at lubos na magiging masaya hangga't hindi niya nakakasama ang mga ito. Ulilang lubos si Matthew at ang dalawang nakababatang kapatid  niya. Maliliit pa sila ng unang pumanaw ang ama nila mula sa matinding karamdaman. Dahil sa kahirapan hindi manlang ito nadala sa ospital o natingnan manlang ng doktor. Siyam na taong gulang siya noon, pito at limang taon naman ang mga kapatid. Dalawang taon pagkatapos pumanaw ng ama nila ay sunod namang nawala ang ina. Nagkaroon ito ng severe depression na nauwi sa iba't ibang komplikasyon. Dahil sa sobrang kahirapan at lungkot na naranasan nito pagkatapos pumanaw ng asawa naging malungkutin ito. Wala itong ginawa kundi ang magtrabaho ng magtrabaho sa bukid kahit umuulan o matindi ang sikat ng araw. Hanggang sa nagkasakit ito ng  pneumonia at nauwi sa tuberculosis. Naulit lang ang nangyari dito sa nangyari sa ama nila, namatay ng hindi manlang naipagamot. Naiwan silang tatlo sa kubo nila. Ni isang kamag-anak ay wala manlang nag-alok na kupkupin sila. Sa edad na onse anyos ay naging ama at ina siya sa mga kapatid. Naranasan niyang mamalimos para lang may ipakain sa mga ito. Hanggang sa isang araw dahil sa sobrang gutom napilitan siyang magnakaw ng pagkain sa  isang grocery. Iyak na ng iyak ang mga kapatid niya dahil sa gutom. Magdadalawang araw nang wala silang makain kundi puro tubig lang. Dahil sa hindi siya sanay magnakaw ay nahuli siya ng may-ari at tumawag ito ng pulis para ipakulong siya. Ngunit dahil menor de edad siya sa DSWD siya dinala ng mga ito. Iyon ang naging daan upang kunin ng mga social workers pati mga kapatid niya. Dinala sila sa isang bahay-ampunan. Kahit papano sa bahay ampunan ay nakakakain na sila tatlong beses sa isang araw. Sa maikling panahon ay naging masaya sila ng mga kapatid niya. Hanggang isang araw may mag-asawang dumating at namimili ng batang aampunin. Pinalabas sila lahat mula sa mga kwarto at nakahilera sa labas para mapagpilian.   Yakap-yakap ni Matthew ang dalawang kapatid at pilit ikinukubli sa likod niya. Ayaw niya itong mapili o kahit sino sa kanila. Gusto niyang magkakasama lang silang tatlo sa ampunan. Ngunit napili ng mag-asawa ang bunso niyang kapatid na noon ay pitong taon gulang palang. Nagustuhan ito ng mag-asawa dahil bata pa, pogi at maputi. Konting bihis lang daw, patabain at pakinisin pwede nang sabihin na tunay nila itong anak. Tutol man si Matthew ay wala siyang nagawa. Naaalala pa niya kung paano pilit na kumakapit sa kanya ang kapatid niya at iyak ng iyak habang pinipilit itong ihiwalay sa pagkakayakap sa kanila ng isa pa niyang kapatid. "Kuya...kuya...kuya...huhuhu huwag niyo po akong ibibigay sa kanila huhuhu," todo iyak nito. Nag-iiyakan silang tatlo habang pilit pinaghihiwalay. "Ma'am, pakiusap po iba nalang po huwag po iyong kapatid ko huhuhu," todo iyak at pakiusap ni Matthew sa Ginang. Bigla naman lumuhod ang isa niya pang kapatid sa Madre. "Mother pakiusap po huwag niyo po kaming paghihiwalayin magpapakabait po kami huhuhu," pakiusap ng kapatid niya sa Madre na namamahala sa ampunan. Ngunit kahit anong pakiusap nila wala silang nagawa. Makalipas ang dalawang buwan ay sunod naman na inampon ang pangalawang kapatid niya.Dalawa silang pinagpilian ngunit mas pinili ng mag aampon ang nakababatang kapatid. Ayon sa mag-asawa kasing-edad ng kapatid niya ang anak nilang namatay. Kaya naiwan siyang mag-isa sa ampunan. Ayon sa mga madre mas madali daw naaampon ang mga mas bata sa kanya dahil mas madali pa nitong nakakalimutan ang totoong pamilya. Hanggang isang araw may matandang mag-asawa ang dumating sa bahay ampunan at napili siya. Wala daw anak ang mga ito. Kailangan daw nila ng mag-aalaga sa kanila pagdating ng araw at mapag-iiwanan ng mga ari-arian. Naging napakabait ng mag-asawa sa kanya at itinurin siyang parang tunay na anak. Ibinigay sa kanya ang lahat ng kailangan niya at pinag-aral sa mga mamahaling paaralan sa Maynila. Nakatapos siya ng Bachelor of Science in Business Management major in Accounting and Finance hanggang sa matapos niya rin ang Master's Degree. Ilang buwan matapos niyang mag-aral ay sabay na pumanaw ang mag-asawa dahil sa plane crash. Galing ang mga ito sa business and holiday trip sa ibang bansa. Noon parang binagsakan ng langit at lupa si Matthew. Punong-puno ng hinanakit ang puso niya. Bakit lahat ng minamahal niya ay nawawala sa kanya? Hindi niya maiwasan itanong sa sarili minsan. Hindi niya namalayan pumapatak na ang mga luha niya sa mapait na ala-alang iyon ng tapikin siya ni Andrew. "Hey bro!" gising nito sa diwa niya na malayo ang nilalakbay. "Malungkot kana naman, cheer up!" saad nito sa kanya. Napalingon siya at pinahid ang luha sa mata at tipid na ngumiti. "Para saan ba ang lahat ng ito bro?" may hinanakit sa boses na tanong niya sa kaibigan. "Anong para saan?" ganting tanong naman nito. "I mean I already have everything money could buy but yet, I still feel so poor and empty," sagot ni Matthew. "Bro, huwag kang mawawalan ng pag-asa mahahanap mo din ang mga kapatid mo. Maliit ang Pilipinas at sa yaman mong iyan  kaya mong ipahalughog bawat sulok nito mahanap lang sila. Pwera nalang kung dinala sila sa ibang bansa ng mga umampon sa kanila," saad naman ni Andrew. Bagaman at gusto niyang palakasin ang loob ng kaibigan ay hindi rin maiwasan na isipin niya ang posibilidad na wala sa Pilipinas ang mga kapatid nito. Ilang taon na nitong pinahanap ang mga kapatid. Nag-hire na ito ng mga private investigators ngunit hanggang ngayon ay wala manlang magandang balita sa kanya. "Alam mo bro, mas mabuti siguro mag-asawa kana at bumuo ng sariling pamilya ng sa ganoon mapunan iyang kakulangan diyan sa puso mo. Kapag nagkaroon kana ng asawa't mga anak magkakaroon kana ng inspirasyon sa buhay," pangungumbinsi sa kanya ni Andrew. Natawa naman si Matthew sa tinuran ng kaibigan. Wala sa vocabulary ko iyon bro, alam mo iyan. Lahat ng babae na nakakasama at nakakasalamuha ko pare-pareho. They are all after with nice shoes, expensive bags and perfumes, all signature clothes and expensive jewelries. They look at me like an ATM machine. They are all fakes," mahabang paliwanag ni Matthew sa kaibigan.  Napailing nalang si Andrew alam niyang totoo ang sinasabi ng kaibigan. Natigil sila nang sumenyas na ang piloto na ready to take off na sila. Kaya dali-dali na silang sumakay  sa private plane at pumuwesto sa kanya-kanyang upuan at ikinabit ang seatbelts. Habang nasa himpapawid sila ay naisip ni Matthew ang sinabi ng kaibigan na mag-asawa na siya at bumuo na ng sariling pamilya. Bigla niya tuloy naalala ang mga babaeng dumaan sa buhay niya. Bagaman at wala siyang seneryoso sa mga ito ay hindi naman siya naging masamang tao sa kanila. Katunayan ay naging napaka generous niya sa mga ito. Para kay Matthew it's better to give than to recieve. Hindi siya madamot sa kahit kanino mapapera man, materyal na bagay o pagkain. Mas masaya siya kapag nakikita niyang nakakapagpasaya siya ng isang tao. Ngunit sa mga babaeng nakasama niya wala siya ni isang nagustuhan ang ugali. Lahat ito ay magaganda at karamihan ay galing sa mayayaman na pamilya. Ngunit napansin niya na kung sino pa ang mayayaman sila pa ang demanding at tahasang nanghihingi ng mga materyal na bagay, mga "BILI MO 'KO TYPE" parang hindi sila nakukuntento. Para sa kanya wala namang problema iyon pera lang  iyan kaya niyang kitain at marami na siya no'n. Pero hindi iyon ang punto niya. Gusto niya sa isang babae ay iyong tipong mag-i-stay sa bahay, iyong domesticated type. Gusto niya iyong balewala kung malusyang tingnan basta ang mahalaga para dito ay makasama siya. Pero ni isa sa kanila ay walang ganoon, lahat sila ay vain at maaarte sa katawan. Para sa kanya hindi sila wife material kundi libangan lang. Sila iyong tipong asawa na nasa mga parties lagi at nakikipagtalbugan sa mga kapwa kababaihan na asawa rin ng mayayaman at nakikipagpalakihan ng mga diyamante sa katawan. Naiimagine niya palang ang ganoong klaseng babae mas gusto nalang niyang tumandang binata. Dahil sa dami ng naiisip nakaramdam si Matthew ng pagod at mild headache naidlip nalang muna siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD