Chapter 3

1924 Words
DAHIL nawawalan na ng pag-asa si Prescilla na matatanggap sila ni Natalie bilang Bartender sa Gold Leaf Hotel and Resort ay naisipan niyang mag-apply sa iba. Hanggang isang araw habang naghahanda sa pag-alis ay tumunog ang message tone ng cellphone niya. Galing sa staff ng HR ng hotel ang text, giving her schedule and instructions for interview the next day. Nabuhayan ng loob si Prescilla at agad tinawagan ang matalik na kaibigan at tinanong kung nakatanggap din ito ng text message mula sa hotel. Laking- tuwa niya nang sabihin ng kaibigan na tenext din siya for interview. Dahil pareho ang schedule na ibinigay sa kanila ay sabay narin silang pumunta. Pagdating sa hotel ay sinalubong sila agad ng security guard para tanungin kung ano ang sadya nila at noong nalaman nito na naka schedule sila for interview dahil sa ipinakita nilang text ay agad naman sila nitong itinuro sa opisina ng HR. Dahan-dahan silang kumatok at agad namang may nagbukas ng pinto, ang secretary at itinuro silang pumunta sa isang mesa. Mismong ang General Operation Manager ang humarap sa kanila. Sobrang kaba  ang nararamdaman nila nang makitang mukhang suplada ngunit magandang babae na nasa late thirties ang edad at may pagka mestisa. Tinitigan sila nito mula ulo hanggang paa. "Good morning po ma'am", halos sabay nilang pagbibigay galang ni Natalie. "Good morning", maikli nitong sagot. "Have a sit", at itinuro sa kanila ang dalawang visitor's chair sa harap ng table nito. "Hhmmn", bahagyang tumikhim bago nagsalita. "Based on your résumé ay qualified naman kayo para sa posisyon na inyong inaaplayan dito sa hotel at marami narin kayong pinagdaanan na iba't ibang trabaho but, this will be the first time na pagbartender ang papasukan niyo", paunang salaysay nito. Napatango naman sina Prescilla at Natalie bagama't gusto sanang magsalita ay alam nilang may sasabihin pa kaya focus lang sila sa pakikinig. "Well, hindi na ako magpaligoy-ligoy pa ang gusto ko nalang marinig ay kung desidido kayo sa trabaho more than one hundred percent. Dahil marami ang nag-aapply tapos pagnatanggap mahirapan ng konti nagki-quit na agad. Hindi madali ang bartending una, babad kayo sa lamig at nakatayo most of the time hanggang matapos ang duty. Dahil kung sigurado kayo sa sarili niyo ay tanggap na kayo", at ngumiti ito sa kanila ng bahagya. Hindi makapaniwala sina Ella at Natalie na ganoon kadali silang tinanggap at wala ng marami pang tanong tulad ng mga dati nilang pinagtrabahuan. May mga linya pang " tell me about yourself, why you want to apply this job, how can you imagine yourself five years from?" at kung anu-ano pang mga kaek-ekan. Sa huli contractual parin naman ang bagsak nila. Bahagya man natigilan silang dalawa ay agad namang naicompose ang mga sarili at nanatiling focus ang attention sa sinasabi ng  kaharap na magiging isa sa mga bosses nila. "Naghahanap talaga kami ng mga bata at baguhang mga bartenders na ete-train. Mas gusto naming sa amin niyo unang matutunan ang mga pasikot-sikot sa mga alak at iba pang klase ng beverages. Mas madali sa amin ang maghandle ng mga baguhan kesa sa mga batikan na. Minsan mas boss sila umasta kesa sa mga amo. In short matitigas na ang ulo. Karaniwang lalaki talaga ang tinatanggap ko sa trabahong ito dahil ang bartender ay halos all around ang trabaho niyo. Nandoon iyong magbubuhat kayo ng cases ng beers and soft drinks, boxes ng iba't ibang alak at sako-sakong yelo kapag wala ang utility boy. Ngunit dahil sa hindi maiwasang katigasan ng mga ulo at patagong nagpupuslit ng alak at umiinom sa oras ng trabaho kaya madalas nagkakaproblema. Kaya naisip kong maghire ng mga babae at wala pang mga karanasan at siya ang e-train namin. Isa pa mas prefer namin ang dalaga na katulad niyo dahil marami kaming branches sa buong Pilipinas may mga pagkakataon na kailangan naming magpadala ng staff sa ibang lugar kung kinakailangan. Sa mga katulad niyo malaya pang makakapunta kung saan-saan kesa doon sa may mga asawa at mga anak na. Masyado nang complicated ang buhay nila", mahabang paliwanag nito. Naiintindihan naman nila Prescilla ang ibig sabihin nito kaya tumango lang sila. "And,oh...by the way I'm Miss Olivia Gomez, I'm the General Operations Manager sa Bar and Restaurant section nitong hotel", pagpapakilala nito. "Oo, miss pa ako dahil sa tawag ng trabaho kaya huwag kayong magulat pagtumandang dalaga rin kayo katulad ko", birong turan nito sa kanila. Natawa naman sila Ella at Natalie pero agad ding nagseryoso sa pakikinig. "We operate 24/7 both the bar and the resto kaya there will be times na isa sa inyo ay ma-assign sa araw at ang isa ay sa gabi, kaya be flexible," saad nito. "Once a week ang day off but not during Fridays, Saturdays and Sundays, iyon ang araw na matao. So you can choose from Monday to Thursday pero kailangan hindi kayo sabay," dagdag nito. Sandali itong huminto at tiningnan at hinintay ang pagsang-ayon nila pagkatapos ay nagsalita ulit. "Absences with out valid reason or prior notice is strictly prohibited and one very important reminder ipinagbabawal ang pakikipagrelasyon sa kapwa empleyado sa hotel man o dito sa bar at restaurant section that's equal to termination," sinadya nitong bigyan diin ang huling sinabi. "Any questions?" tanong nito. "Wala na po ma'am," sabay na sagot nila ni Natalie. "Ok then, you can start tomorrow and bawal ma-late!" mariing saad nito. "Yes po ma'am," magalang na pagsang-ayon nila. "Okay that's it then congratulations to both of you, now you are part of our growing family Gold Leaf Hotel and Resorts," nakangiting pahiwatig nitong tapos na siya sa mga gustong sabihin. "Thank you so ma'am," masayang saad nilang magkaibigan. Tinawag na nito at ibinigay ang dalawang folder na naglalaman ng papeles nila. Ibinilin din sa secretary na bigyan na sila ng uniforms at lumabas na ito ng opisina. Naiwan silang pareho tuwang-tuwa ngunit kinakabahan dahil sa panibagong pakikipagsapalaran. Pagkatapos makuha ang uniforms nila ay lumabas narin sila at umuwi. Habang nasa daan si Natalie ay panay biro at tawa sa sariling mga jokes ngunit si Priscilla ay tahimik lang. "Beshy excited na ako sa white egg hunting natin," biro ni Natalie na ibig sabihin ay mga foreigners na pumupunta sa lugar para magbakasyon. Minsan nasasabi nito na gusto niyang makatisod ng dayuhan dahil daw sa white eggs nito este white skin ay magpapalahi siya ng magkaroon din ng anak na kasing ganda ni Ella. Natawa naman si Priscilla sa sinabi ng kaibigan. "Makabingwit lang ako ng isang matabang isda este kano ay makakaalis narin ako sa islang ito," tahasang pagsasabi ni Natalie na pagod na ito sa lugar na iyon kahit pabiro lang. "Kaya ilalabas ko na ang bulate ko para gawing pain sa kanila," dagdag biro nito na namimilog pa ang mata. "Aba eh mga fresh and juicy pa tayo bes, naku pagnatikmannila tayo tiyak maaadik sila", sabay halakhak. "Wala akong hilig sa white eggs Nat," ganting biro ni Priscilla sa kaibigan. "Mas gusto ko parin ang native eggs este ang sariling atin kasi organic, mas healthy nakangiting dagdag niya. Ang totoo dahil sa maputi siya kaya ayaw niya ng maputi din mas type niya iyong  may pagkamoreno. Nakarating sila sa bahay na hindi namalayan dahil sa biruan at tawanan. Pagdating niya sa kanila ay nadatnan niyang nanananghalian ang mga magulang at mga kapatid. Agad naman siyang inalok ng  makita siya ng ina sa may pinto pa lamang. Nagmano muna siya sa ina at amain. "Natanggap na po ako sa sa trabaho 'nay, 'tay," nakangiting  pagbabalita niya sa mga magulang. "Talaga ate?" halos sabay-sabay naman na sabat ng mga nakababatang kapatid sa ina. "Yeheeyy may trabaho na si ate mabibilhan na ako ng bagong damit tsaka laruan," masayang sabat ng bunsong kapatid na si Roy. Siyam na taong gulang pa lang ito kaya kapag may pagkakataon ay laruan lagi ang hinihingi sa kanya. "Ate, ako din po bilhan mo akong bagong sapatos kasi pudpod na ang sapatos ko at medyo butas narin sa harap," ang isa naman niyang kapatid na si Welona. Fourteen years old ito kaya medyo nakakaramdam nang hiya sa mga ganoong klaseng sitwasyon. Siguro nga may crush na ito sa school kaya nagsisimula na maconscious at naiintindihan naman iyon ni Ella. "Ate pwede naba akong mag-aral ulit?" tanong naman ng kapatid na si Mira. Nasa mata nito ang pakiki-usap na sana ay sabihin niya "oo". Labing-walong taon gulang ito ngunit hanggang fourth year high school ang natapos dahil sa sobrang kahirapan. Nagkasakit ng malubha ang tatay nila matagal na naratay sa higaan kaya sobra silang nalubog sa utang at problema. Kinailangan din nitong full time na mag-aalaga sa nakaratay na ama habang ang ina ay naghahanap buhay para sa kanila. Kaya hindi man sigurado si Priscilla kung kakayanin niya ay tumango nalang siya at nginitian ang kapatid na parang iiyak na. "Oo naman mag-aaral kana ulit sa susunod na pasukan," wikang pangako ni Ella sa nakababatang kapatid. "Mga anak hindi paman nagsisimula ang ate niyo ay kadami niyo na agad hinihingi," wika ng ina sa mga anak na mababakas ang lungkot sa boses nito. "Oo nga mga anak hayaan niyo munang maging stable ang ate niyo tsaka na kayo humingi ng mga gusto niyo," sabat ng ama na noo'y payat na payat dahil kagagaling lang sa sakit. Parang pinipiga ang puso ni Prescilla kapag nakikita niya kung gaano ang mga ito nahihirapan sa buhay na meron sila. Ngunit kailangan niyang maging matatag ni hindi niya ipinaparamdam sa pamilya na maski siya ay pagod na pagod. Simula sixteen years old ay nagsimula na siyang magtrabaho at para siyang batong pagulong-gulong kung saan-saan lang mapadpad ngunit wala paring asenso. Isang kahig-isang tuka parin sila minsan pa nga sumasalya sa oras ng pagkain. "Inay, itay ...okay lang po hayaan niyo at pagbubutihan ko sa trabaho para maging regular ako ng sa ganoon maging stable na ang sahod. Balita ko malakas din daw ang tips doon kaya iyon palang makakaraos na tayo sa araw-araw," wika ni Priscilla sa mga magulang. Gusto niyang bigyan ito ng pag-asa na makakaahon din sila sa sobrang kahirapan. "Basta mag-iingat ka lagi anak," paalala ng ina niya na nasa tono ang pag-aalala. Pagkatapos kumain ay binanlawan niya iyong uniform na ibinigay sa kanya. Mini-skirt iyon na itim at puting blouse na may kapares na blazer at parang scarf na pula at bulaklakin na ilalagay sa may puno ng kwelyo at itatali sa harap na parang ribbon, itim na stockings at black na flat shoes. Lahat iyon ay libre ng kompanya. Naisip ni Prescilla na napaka generous ng may-ari ng hotel dahil first time niyang makaranas ng ganoon, walang salary deductions. Ayon sa secretary ay mabait daw ang big boss nila gusto daw nito hindi na problemahin ng mga empleyado ang mga ganoong bagay at magfocus nalang sa trabaho. Isa pa kailangan daw "uniform"  talaga at hindi "any form" kaya pati tali sa buhok ay pare-pareho din at kailangan lagi daw nakatali ang buhok lalo na kung mahaba sa oras ng trabaho para neat tingnan. May nangyari daw kasi na may nag-order ng fruit shake na may nakahalong buhok kaya mula noon istrikto na ang management sa sanitation and presentations ng mga employees. Kinagabihan ay naihanda na ni Prescilla ang lahat ng isusuot at kakailanganin niya sa pagpasok sa trabaho kinabukasan. Bagama't trainees lang muna sila ni Natalie ay may sahod na sila at kasama narin sa tips dahil centralized ito. Pinaghahati-hati pagkatapos ng trabaho mula sa checker, cashier, utilities, waiters, waitresses at bartenders. Naiisip palang ni prescilla na sa wakas magagamit na niya ang kinuhang vocational course ay naeexcite na siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD