NAGISING si Priscilla na wala na si Matthew sa tabi niya, pupungas-pungas siyang hinahanap ng mata ang binata sa paligid ng kwarto. Isinuot niya ang robe na nasa tabi ng kama at pumunta sa banyo para tingnan kung nandoon si Matthew ngunit nabigo siyang makita ang binata. Lumabas siya ulit at nang makita ang orasan sa side table ay past eleven in the morning na pala. Napahimbing ang tulog niya siguro ay dahil sa kapagurang natamo sa ginawa nila ni Matthew. Nang maalala ni Priscilla ang bawat detalye sa making out nila ni Matthew ay noon palang siya nakaramdam ng hiya sa sarili ngunit wala siyang pinagsisihan bagkus ay parang nanghinayang pa siya sa hindi paglagpas ni Matthew sa itinakda nitong hangganan sa sarili tila may isang biyahe siyang gustong marating sa bandang kasukdulan isang baha

