KINABUKASAN mismo ay dinala ni Jeremy sa ospital na pag-aari nila at pina undergo ng series of laboratory tests si Priscilla. "Doc Jeremy I suggest na mag undergo din siya ng pregnancy test baka kasi buntis na ang girlfriend mo dahil based sa mga sintomas na pinapakita niya,"saad ng isang OB GYN na nakaduty. Hindi na nagulat si Jeremy sa sinabi ng OB pero hinayaan niya pa rin na mag undergo ng pregnancy test at nilagay si Priscilla sa Penthouse ng hospital para doon makapag pahinga habang hinihintay ang mga results ng laboratory tests. Makalipas ang ilang oras ay lumabas na lahat ang results at personal itong dinala ng OB GYN sa kwarto kung saan nandoon si Priscilla at Jeremy na naghihintay. "Congratulations Doc Jeremy your girlfriend is two months and two weeks pregnant!"bungad ng OB G

