ARAW ng pag-alis nila Priscilla at Jeremy kaya maagang sinundo ni Jeremy si Priscilla sa inuupahan nitong condo unit at sabay silang pumunta ng airport habang si Matthew ay maaga rin pumunta sa tinitirahan ni Priscilla ngunit huli na ang dating niya dahil nakaalis na ang dalaga. "Sir sino po ang hinahanap nila?" tanong ng security guard ng mapansin na mga ilang minuto na si Matthew sa harap ng unit ni Priscilla at nagdodoorbell. "Ahm, si Miss Priscilla Alonzo sana… Ito ba ang unit niya?" sagot ni Matthew na hindi sure kung tama ang ibinigay na impormasyon ng private investigator niya. "Ah yes sir, kaso ka aalis lang po nila?" magalang na sagot ng guard. "Nila? Sinong kasama at saan sila pupunta?" biglang kinabahan si Matthew. "Kasama niya po yung boyfriend niya yata yun, pupunta daw

