Chapter 1: The Adventure Starts

644 Words
Wylene’s POV “So anong plano mo? Saan ka mag-aaplay ng trabaho?” Napangiti ako sa tanong ni Millete, pinsan ko. Magkaharap kaming kumakain ng pizza sa loob ng restaurant. Libre niya siyempre. Pagkatapos kasi ng pag-uusap namin ni Nanay naisip kong harapin na rin ang sarili kong buhay. Ewan ko bigla ko nalang naisip mag-resign sa probinsiya at nagtungo dito sa QC. May bahay dito ang kapatid ng nanay ko kung saan pansamantala akong nakikitira habang naghahanap ng trabaho. “Try ko dito sa mall mag-apply at sa call center habang wala pang ibang offer,” tugon ko. “Ok sige, samahan kitang mag-apply basta rest day ko,” pagboboluntaryo nito. Napangiti ako. Buti nalang mabait 'tong pinsan ko. Sa call center din kasi ang trabaho niya. At alam rin niya na 'di pa ako sanay sa pasikot-sikot ng Manila. Tatlo silang magkakapatid, 'yong isang nakababatang kapatid niya ay admin assistant sa isang book company. Yung isa namang lalaki, computer technician sa isang computer learning center. *** Pagdating ng rest day ni insan sinamahan niya akong mag-walk-in applicant sa isang call center sa Magallanes. One-day hiring lang pala ang call center, 'pag hindi nakapasa papauwiin agad. At ganoon nga ang nangyari sa una kong inaplayan. Tatawagan nalang daw ako kung may available position na magfi-fit-in sa qualifications ko kasi overqualified daw ako. If I know, ayaw lang nila sa akin. Hmp! “May time pa, mag-apply pa tayo sa isang call center sa may Ortigas.” Bilib din talaga ako sa pinsan ko. Ala-dos palang kasi ng hapon. “Sige!” sagot ko nalang kahit nahihiya na rin ako sa kanya. Bandang 6PM na ng mainterview ako. Hintayin daw ang result ng interview. Bandang 8PM nang tawagin ako for Encoding Exam. Hindi na kami pinauwi at pinahintay na lang sa resulta. Bandang 10PM nang tawagin ako for final phone interview. Hintayin daw ulit. Hanggang sa umabot ng ala-una. Hindi ako makapaniwala na ang one-day hiring pala na 'yon ay literal na 24 hours. Buti nalang talaga matiyaga din ang pinsan ko na naghintay. 2AM na nang papirmahin ako ng kontrata. Buti nalang ulit at dala ko lahat ng requirements ko. Magti-training na rin ako in two weeks. Hayy! *** “Auntie, uwi muna ako sa probinsiya balik nalang po ako 'pag umpisa na ang training ko,” paalam ko kay Auntie kinabukasan. Sayang kasi yung two weeks na bakasyon. “Sige, ikaw ang bahala. Matanda ka na!” biro naman nito. Napatawa naman ako. Agad akong kumuha ng ilang damit at inilagay sa backpack ko. *** Sumakay nalang ako ng bus papuntang Cubao station. Bigla akong naalimpungatan. Naidlip pala ako. Shocks! Lumampas na pala ako. Ang bilis namang nakarating sa Ayala Avenue ang bus na 'to. Napagdesisyunan kong bumaba nalang sa Buendia at magji-jeep papuntang Malibay madadaanan doon ang isa pang bus station papunta sa probinsya namin. Buti kabisado ko ang daan. Sinasamahan ko kasi dati yung barkada ko 'pag nagpupunta ng Pasay. Naglalakad na ako papunta sa estasyon ng bus papuntang probinsiya namin nang madaanan ko ang estasyon ng RORO bus papuntang Mindoro. Napangiti ako. It reminds me of Puerto Galera. Matagal ko nang gustong pumunta ng lugar na iyon kaya lang walang pagkakataon at nasasayangan ako sa gastos. Tiningnan ko ang pera ko, pwede pa. Ano kaya kung doon nalang ako magbakasyon kesa umuwi sa amin? Isa pa pagkakataon ko na rin itong mag-travel mag-isa. Adventure na rin ito. Para maiba naman. . . . *** Napapangiti ako habang nakatanaw sa mga nadadaanang lugar. Medyo kinakabahan ako dahil mag-isa lang ako. Eto na yata ang pinaka-daring na ginawa ko sa buhay ko. Narinig ko sa mga katabi ko sa bus na magbabakasyon din sila at may kasama silang taga-roon na mag-gaguide sa kanila. Narinig ko ring sa mumurahing resort lang sila pupunta, susundan ko nalang sila pagdating doon. Hehehe!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD