2: Exploring the World

619 Words
Ganoon pala ang RORO bus, isasakay ang buong bus sa barko. Nakakahilo, buti nakayanan ko. Nakisabay na rin ako sa mga ilang nakasakay din sa bus papuntang Puerto Galera, marami din pala sa kanila ang namamasyal lang. Ang saya sa pakiramdam noong makita ko ang asul na dagat at puting-puti na buhangin. Nagawa ko! Nakapagtravel akong mag-isa! Ilang oras lang ang nakalilipas nasa Manila pa ako, ngayon andito na ako sa Mindoro nang walang kasama at kakilala. Ngunit may kung anong sense of fulfillment akong nararamdaman. Pakiramdam ko isa akong ibon na nakalabas sa hawla. Getting out of my comfort zone ika nga. Pagkatapos kong ilagay sa loob ng cabin ang gamit ko, agad akong lumabas at naglakad-lakad sa tabing-dagat. Napapangiti ako sa tuwing may makikitang magkasintahan na magkahawak kamay pa habang naglalakad sa dalampasigan. Sana ako din! Haha! Pero wala naman akong pinagsisisihan na wala na akong naging bf simula nung mag-aral ang kapatid ko. It was a self-made decision. Worth it naman dahil nakapagtapos ang kapatid ko. Nagpapasalamat nalang ako at di nasayang ang lahat ng sakrispisyo ko. Kinuha ko ang pagkakataon para iexplore ang lugar, maglunoy sa dagat nang mag-isa. Spending time with myself ika nga. Nang sumunod na araw namasyal din ako kasama ng ilang grupo ng turista. Enjoy naman dahil first time kong makipagkwentuhan sa iba’t-ibang tao na diko lubusang kilala . Nanuod din ako ng fire dance sa gabi nang mag-isa habang ang karamihan ay may kaholding-hands. Wala man lang kasi akong makitang gwapo na mag-isa kagaya ko. Hehehe! Lahat yata ng kaedaran ko taken na, ako nalang ang hindi. How sad! Ikaapat na araw nang mapagpasyahan kong umuwi na. Bumalik ako sa RoRo port. Medyo marami-rami rin ang pila. Tumitingin-tingin ako sa paligid nang makita ko ang karatula na Cebu. Napangiti ako, matagal ko nang pangarap na makita ang Cebu. Naisip ko tuloy parang gusto kong tumuloy muna doon. Tutal adventure na tong ginawa ko. Lubos-lubusin ko na baka di na rin ako makapagtravel pag nagsimula na ako sa call center. Sabi ng pinsan ko mahirap daw makakuha ng leave doon. I just found myself lining up papuntang Cebu. A sudden happiness struck me when I land Cebu. Ewan ko ba wala naman akong kakilala dito ni isa, nakikita ko lang to sa TV. Tama nga sila para din itong Manila pero clean version nga lang. Malinis ang lugar at halatang progresibo na ito. I went around Metro Cebu. Nagcheck-in din ako sa isang maliit na hotel. Yun lang ang kaya ng budget ko. Tatlong araw bago ko nalibot ang buong Cebu. Halos masaid na rin ang budget ko. Magpapabook na sana ako ng flight ng hapon when I decided na dumeretso na ng Mactan airport. Baka kasi wala nang matira sa pera ko kung sa hotel pa ako mag-stay. Buti nalang may available flight ng 5AM. Kaso lang nagmahal na pala ang plane ticket. Pagbukas ko ng wallet ko napamura ako. 500 nalang ang natitira sa pera ko magbabayad pa ako ng terminal fee. Buti nalang pala nag-check out na ako sa hotel. Dito nalang ako sa airport magpapalipas ng gabi habang hinihintay ko ang check-in time ko. Shocks! Nagugutom na ako. Di ko na talaga matiis. Siguro naman mga 200 lang ang terminal fee sa domestic flight pwede kong ikain pa yung dalawang daan ko. Magpapasundo nalang ako sa pinsan ko pagdating ko ng NAIA. Kung maglalakad ako palabas ng airport, malayo pa kaya dito nalang ako kakain sa restaurant sa loob ng airport. Oh!Em! Ang mamahal ng pagkain. Pinili ko ang pinakamura sa menu na pagkain yung tag 250 lang at water nalang. Pagdating ng pagkain ang konti pa ng serving. Gutom pa naman ako. How sad?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD