3: Dining with a Handsome Man

815 Words
Wylene’s POV “Hi! Pwede ba akong makiupo?” Napatingala ako sa lalaking nagsalita. I smiled! Shocks! Ang gwapo! Matangkad-check! 5’9’’ or 6’ di ako sure! Makinis ang balat-check! Pero di naman yung masyadong maputi, sakto lang! Matangos ang ilong-check! Kissable lips-check! Mukhang mayaman-check! Naka-Lacoste polo shirt ito at faded jeans. Check lahat pero sure ako, taken na to! He looked mature na kasi. Siguro ka-age ko lang siya o mas matanda ng isang taon sa akin. Gosh! Nakatayo pa rin siya at nakatingin sa akin. He moved his brows. Haha! Hinihintay lang pala ang sagot ko. Tumingin ako sa paligid, wala palang ibang vacant na table. “Sure!” sagot ko nalang. Tahimik akong kumain. Habang siya nag-oorder palang ng pagkain. Pagdating ng order niya, nagulat ako. Andami niya kasing inorder. Makakain niya ba lahat yan? Ako nagtitipid, samantalang ang isang to nagtatapon ata ng pera. Napatingin ako sa kanya. Nakatingin din pala siya sa akin. “I’m Jayden!” He smiled. “Wylene!” tipid kong sagot. “Nice name!” napapatango niyang komento. “Thanks!” Napangiti naman ako. “Let’s eat!” he said. Napalunok ako, ang konti lang kasi ng pagkain ko. Siya ang dami! “Bakit di mo ginagalaw ang pagkain? Ayaw mo ba tong inorder ko?” saad niya. “Ha?” naguguluhan ko namang tugon. Napatawa siya ng mahina. “Kumain ka lang! Inorder ko to para sa ating dalawa.” Saad niya sabay lagay ng pagkain sa plate ko. Tatanggi sana ako pero naisip ko gutom pa ako at kulang ang pera ko. Mukha naman siyang mabait wala naman siguro siyang inilagay na pampatulog dito. Haha! Tahimik lang kaming kumain. “Anong oras ang flight mo?” maya-maya’y naitanong niya. Paano niya nalaman? Ay, oo nga pala nasa airport kami. Hehehe! “Mamayang 5AM” sagot ko naman. Feeling close lang. Hehe! Napatango naman siya. “Pareho pala tayo.” Tumango nalang din ako. Wala naman akong dapat isagot. “To Manila rin ba flight mo?” tanong niya matapos ang mahabang katahimikan. “Hmm…” tumango lang ako. May laman pa kasing pagkain ang bibig ko. Isang mahabang katahimikan ulit. Natapos na kaming kumain. “May dessert pa. Wait lang.” saad niya ng nakangiti. Napangiti rin ako. What if takasan ako neto at pabayarin ako sa kinain namin? Gosh! Pero mukha naman siyang mabait. Maya-maya’y dumating na ang dessert. Nakikain na rin ako. Pakapalan na to ng mukha. Hehe! “Taga-rito ka sa Cebu?” tanong niya while we are eating. “Hindi, namasyal lang.” tipid kong sagot. Napatango naman siya. Siya lang ang nagtatanong at nagbubukas ng usapan. Nakakahiya naman kasi kung ako ang magtanong baka akalain niyang interesado ako sa kanya. Gwapo siya, oo sobra, pero baka taken na to mahirap na. Pagkatapos naming kumain. Tinawag na niya ang waiter para kunin ang bill namin. Pinag-isa niya ang bill naming dalawa at inipit ang card niya. “Naku, nakakahiya ako na ang magbabayad nung akin.” Saad ko kahit naman limang daan lang ang pera ko, nakakahiya pa rin. Ngumiti lang siya at inutusan ang waiter na umalis na. “Hala, nakakahiya.” Mahinang saad ko. “It’s fine with me don’t worry.” Ngumiti siya. “Pero-” “Isipin mo na lang pa-thank you ko for sharing your table with me and for entertaining my questions.” Napamaang ako. Di na rin ako nagsalita. “Where will you stay for the night? Ihahatid na kita.” Saad niya habang hinihintay namin ang receipt. I looked at him puzzled. Shocks! What if gusto lang ng lalaking to na maka-score? Pero sa gwapo niyang to imposible naman na magustuhan niya ako. Ordinary looking girl lang naman ako. He chuckled. “Bakit?” sambit ko. “Wala naman baka iniisip mo may gagawin akong masama sayo.” Natatawa niyang saad. Haluhh, nabasa niya ang iniisip ko. Nakakahiya! Nagmagandang loob pa naman siya na ilibre ako. “Hindi naman.” Bawi ko nalang. Napatango lang siya pero nakangiti pa rin. Shocks! Ang gwapo niya talaga! Pagkatapos niyang pumirma at ibinalik ang card niya tumayo na siya. “So, ihahatid na kita sa hotel na tinutuluyan mo?” tanong niya. Umiling ako. “Wag na, nakakahiya, mauna ka nalang.” Nahihiyang sagot ko. Eh wala naman akong tutuluyan. Sa airport na nga lang ako magpapalipas ng gabi dahil wala na akong pera. Nagpapasalamat nga ako dahil hindi nabawasan ang 500 ko. “Are you sure?” ulit niya. “Yeah, thanks pala sa libre.” Nakangiting sagot ko. “Don’t mention it! Sige ha, I’ll go ahead.” Nakangiting saad niya bago tuluyang umalis. Lumingon pa siya nang makarating sa pintuan ng restaurant, nginitian ko naman ito. Tumango naman siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD