Jayden’s POV
Kagagaling ko lang bumili ng plane ticket. One-way ticket lang kasi ang kinuha ko dahil hindi ako sigurado kung magtatagal ako rito sa Cebu.
Wala talaga akong kakilala dito. I only came here to research if it’s a good potential place for putting up a branch of my restobar.
Online reservation na lang sana ang gagawin ko, however I wanted to familiarize myself with the place kaya nag-drive nalang ako papuntang airport. I rented a car while I am here.
Nakaramdam ako ng gutom kaya nagdecide akong kumain nalang muna dito sa restaurant ng airport.
Inilibot ko ang paningin ko sa paligid. Walang vacant table, may naantala daw kasing flight kaya marami-rami ang tao. Napangiti ako nang makita ang babaeng nakaupo sa pinakagilid na mesa.
I smiled. Si 500-peso girl. Kasunod ko kasi siya sa pila ng tickets kanina. Then, I heard her say, “s**t 500 na lang!”
I have no idea kung ano ang sinasabi niya but I accidentally peeped on her wallet at nakitang 500 nalang ang laman. Poor girl!
Noong makitable ako sa kanya. Nakita ko ang pagkain niya. Small serving of carbonara and sandwich at water. On-diet ba siya? Or talagang kulang lang ang budget niya.
I don’t know but I just ordered food enough for two. I’m not usually kind to strangers but I don’t know kung bakit umandar ang good Samaritan side ko.
Hindi naman siya mukhang nakakaawa pero I think kulang lang siguro ang pera niya. At mas lalong hindi ako attracted sa kanya physically. Hindi siya pangit pero hindi rin striking ang beauty niya. She’s just plain that’s it. So, I’m more than sure I am not attracted to her.
I smiled when she touched the food I ordered. Tama nga ako. Ang dami kasi niyang nakain. Hehe!
Wylene pala ang pangalan niya, unique! I haven’t heard that name before.
I offered na ihatid siya sa hotel na tinutuluyan niya but she refused. Siguro nga dahil wala na siyang gagamitin panghotel. I-ooffer ko sana na tulungan siya pero baka ma-offend. Besides, she looks tough for a woman who only has 500 in her wallet. Siguro kung iba iyon nagpapanic na pero siya cool lang.
Wylene’s POV
This is really an adventure. Akalain mo! Kung saan-saan ako napunta. I feel a sense of pride.
Whew! Nasaid ang budget ko. Uutang nalang muna ako kay insan. Wala kasi akong savings dahil sa pagtustos ko ng pag-aaral ng kapatid ko. Buti nalang may naantalang flight. Marami akong kasama sa airport na naghintay ng 5AM flight.
“200 pesos ma’am” saad ng cashier.
Napangiti ako. May pangtaxi pa ako pagdating ng Manila. Buti nalang pala hindi nabawasan ang 500 ko kagabi kung hindi kailangan ko pang istorbohin ang pinsan ko. Thanks sa gwapong lalaki na yun! Naniniwala na talaga ako sa divine intervention at divine providence.
Jayden. Sayang hindi ko nakuha ang apelyido niya at ng ma-search sana sa sss o twitter at makapagthank you ulit.
Nakahinga ako nang maluwag nang makasakay ng eroplano. Hay salamat! In less than an hour nasa Manila na ako.