Chapter 9

1316 Words
Maaga akong nagising kinabukasan. Back to normal ang lahat. Bumalik kami bilang stranger sa isa't isa pero ako lang ata ang nagtreat sa kanya na stranger. "Aalis ka na ba?" napalingon ako sa dambana ng pintuan ng kusina kung sana nakatayo si Sean habang may hawak-hawak na sandok. Nalaglag ang panga ko ng mapansing punong puno ng pawis ang mukha nito. Kunot noo akong lumapit sa kanya. "Nagluto ka?" tanong ko. Alam kong nagluto sya pero hindi, as in never talaga pumasok sa kukote ko na makitang naka apron habang nakatupi ang polo niya hanggang sa siko at puno ng pawis ang isang high profiled businessman na katulad niya. "Nag work out ako." pabalang niyang sagot sa akin sabay irap at tumalikod. Patay! Nagalit ata sa akin. Binaba ko muna ang shoulder bag ko at patakbong sumunod sa kanya. Nanlaki ang mata ko ng madatnan ko kung gaano kadami ang pagkain na nakahanda sa mesa. Napatakip ako ng bibig. Nakatalikod sya mula sa akin habang kaharap pan na may nakasalang na kung ano. "Y--you cooked all of this?" di makapaniwalang tanong ko habang pinasadahan ng tingin ang nakahandang almusal. Sumulyap sya sa akin ng ilang sigundo pero di nagsalita. Napako ang tingin ko sa nakahandang chicken salad at may note sa tabi nito. Umupo ako sa upuan ko kinuha ang note na nakalagay. "I'm sorry. I know I put you down last night, but believe me. You were never be a second choice and will never be." - Sean DR. Mangiyak ngiyak akong bumaling sa kanya pero ganun pa din nasa harap pa din ng niluluto ang attention niya. Why are you so sweet, Beast? Why are you making me fall for you? Tumayo ako at niyakap sya mula sa likuran. Napapitlag naman sya sa ginawa ko. "Ooopps!" aniya at hinarap ako. Binaba niya ang sandok sa sink at hinarap ako. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at pinahiran ang luhang pumatak mula sa mga mata ko. "My little girl is crying." tukso niya. Sinuntok ko ang dibdib niya pero tumawa lang sya. "Hindi na ako bata." sabi ko sa kanya habang nakanguso. Mas lalong lumakas ang halakhak nito. "I know, but for me you're still a little girl. My little girl." "Kikiligin na ba ako?"naiiyak kong tanong sa kanya. Niyakap niya ulit ako ng mahigpit at hinalikan ang buhok ko. "Bakit? Di ka pa ba kinikilig sa lagay na yan?" tukso niya kaya sinuntok ko na naman ssya. Napa aww naman sya sa ginawa ko pero ngumiti din kalaunan. "Yabang mo." "Gwapo naman." "Oo nalang ako." irap ko dito at kumalas mula ssa mga yakap niya. Inalalayan niya akong umupo sa upuan at sinandukan ako ng pagkain. Nakatitig lang ako sa kanya buong minuto na ginagawa niya. "Bakit ang sweet mo ata ngayon Mister?" tanong ko sa kanya habang nagsisimulang sumubo. Tumingin siya sa akin at ngumiti. "Bawal bang pagsilbihan ko ang asawa ko." pakiramdam ko umusok ang mukha ko sa sinabi niya at kumalabog ang dibdib ko. "I really love to watch you blush with my words, such a turn on." mas lalong namula ang mukha ko. "You're thinking again." halalhak niya bago sumubo. Ang sarap pala nng feeling pagmagkasama kayong mag almudal ng asawa mo. Naks, asawa. Nakakapanibago. Mula ng kinasal kami ngayon lang kami magkasalo at siya pa ang nagluto. Busy sya lagi sa trabaho at unexpected talaga na mangyari pala ang ganitong pagkakataon. "Kumain na nga lang tauo at mahuli pa tayo sa school at sa office mo." sagot ko sa kanya. Maaga pa naman kaya di ako malelatr that's for sure. "Sabi mo eh." ngiti niya. God bakit ang gwapo niya? Lahqt nalang ng ginagawa niya ang gwapo gwapo niya kung magkakaanak kami sana magiging kamukha niya. Napangiti ako sa naisip ko. Me having a child with him. Ang sarap siguro ng pakiramdam. "Are you okay, Autumn? Bakit ka namumula?" puna niya sa akin habang umiinom ng juice. Bigla naman akong napahawak sa pisngi ko. "Huh? W-wala." nauutal kong sagot at bumaba ng tingin. He chuckled soundly. Pagkalipas ng ilang sandali ay natapos na din kaming kumain. Sabay kaming umakyat ulit papunta sa kwarto para magsepilyo. Pumasok ako sa kwarto ko at sya naman ay sa kwarto niya. Sabay ding kaming lumabas and as usual nalaglag naman ang panty ko sa kagwapohan niya. Indeed, he's the most handsome man I've seen in my entire life. At ang swerte ko dahil asawa ko siya. Hindi man kami kinasal dahil mahal namin ang isa't isa pero sabi nga, pero kahit papano umaasa ako sa salitang develop. "Let's go?" tumango ako at lumapit sa kanya. Kinuha niya ang kamay ko at pinagsalikop niya ito. Dapat na ata akong masanay na ganito sya kasweet sa akin. "Hatid na kita sa school mo." napatigil ako sa sinabi niya. Bumaling naman sya sa akin habang nagtataka. "What?" he snapped smiling. "Are you sure?" tanong ko. He nodded his head and kissed my palm. "Sure as hell. And don't worry about starting today, ako na ang maghahatid at susundo sayo from school and café." "Pero, you're a busy man." "Not anymore for you." then he winked. Okay. Dapat ko na talagang isanay ang sarili ko sa ganitong bagay. Hindi na ata nawala ang ngiti ko habang papunta kami sa school. Ihahatid niya daw muna ako bago sya tumuloy sa office. "See you after school?" tanong niya ng makarating na kami sa harap ng school gate. Napatingin ako sa labas at bumaling sa kanya. "Okay." "Uhm. Wala bang goodbye kiss?" ngisi niya. I Namula ako pero nilapit ko ang mukha ko sa kanya para halikan sya sa pisngi pero bigla itong humarap kaya nagtagpo ang labi naming dalawa. Nilayo ko ang mukha ko pero hinawakan niya ito at nilaliman ang halik naming dalawa. Napapikit ako for the first time in forever, I tasted his sweetest kiss ever. Tinugon ko ang halik niya and I felt his lips twist for a smile. Inilayo niya ako mula sa kanya at hinawakan ang magkabilang pisngi ko. "You go ahead. See you." he kissed my temple and opened the door for me. Ngumiti ako sa kanya at bumaba ng sasakyan. Kumaway ako at pinagmasdan ang pag alis ng sasakyan niya. Huminga ako ng malalim at ngumiti sa sarili. "So, totoo pala ang tsismis." napatalon ako sa gulat sa galit na boses na nagsalita mula sa likuran ko. "J--Justine?" nauutal kong bati sa kanya. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Magdedeny pa ba ako at anong tsismis ang sinabi niya? "Kaya pala di mo ako kayang sagutin o bigyan man lang nang pagkakataon, Dahil mas mayaman sa akin si Sean Isaac Del Rio?" nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. "A-anong ibig mong sabihin?" pilit kong ngumiti para iwasan ang pagiging guilty. "I never thought you were that low. Ang taas taas pa naman ng tingin ko sayo pero katulad ka din pala ng iba. Mukhang pera." biglang tumaas ang palad ko at tumama sa mukha niya. Tumawa sya ng pagak. "You're angry because I'm right." nanlisik ang mata ko sa kanya pero ngumiti lang sya ng nakaloloko. "Wala kang alam.".singhal ko sa kanya pero mas lalong lumaki ang ngisi niya dahilan kong bakit mas lalo akong nagalit. Tinalikuran ko sya pero hinawakan niya ang braso ko. "Sabihin mo sa aking magkano ang kailangan mo para makuha ang matamis mong Oo." marahas kong hinila ang braso ko mula sa kanya pero mas lalo niyang hinigpitan ang hawak sa akin. "Bitiwan mo ako." madiin kong sabi sa kanya pero hindi man lang siya natinag. "Hindi kita bibitawan hanggat di mo ako sasagutin." ngumiti ako ng nakaloloko. "In your dreams." singhal ko ulit. "Bakit ba hindi mo ako kayang magustuhan?" "Sorry Justine." bumaba ako ng tingin. Binitawan niya ako na para bang hinang hina sya. "Do you love him?"nag angat ako ng tingin. He's face softened while waiting for my answer. "Yes." sagot ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD