Chapter 10

1830 Words
Sabay kaming pumasok ni Justine sa unang klase ko ngayong araw na 'to. Mabait talaga si Justine at masaya ako kahit sa dinami-dami ng mga babaeng hot dito sa campus isa ako sa nagustuhan pero at the same time nakakalungkot dahil di ko sya kayang magustuhan. He deserves someone who can give back the love that he deserves at hindi ako yun. Yung sinabi kong mahal ko na si Sean ay di ako sigurado. Hindi ko pa naranasan pano mainlove kaya di ko mapangalanan ang mga paru-paru sa tiyan ko at ang paglakas ng t***k ng puso ko. If a fast heartbeat is a sign of love, then maybe I am in love. I am in love with a beast. Para sa akin isa talaga syang beast. My beautiful beast. My beast husband. Habang naglalakad sa hallway naririnig ko ang bulongan about sa pangalan ko. At alam ko na kung anong topic nila. Siguro dahil sa nangyari kahapon sa fastfood. "Akala mo kung sinong matino, malandi din pala." "Sinabi mo pa. Hindi ko talaga maimagine na papatulan siya ni Isaac." "Like, hello she's antisocial pero billionaryo pala ang tinatarget." "Slut." "Whore." I closed my eyes and tightened my grip on my shoulder bag. Keep calm and ignore them, Genesis. Kung sasagutin mo sila magiging malaking gulo pa. Nakasalalay sa magandang imahe mo sa school na 'to ang scholarship mo. "Are you okay? Wag mo nalang silang pansinin." napalingon ako sa gawi ni Justine at ngumiti. Hindi ko alam pano ibalik ang kabutihan ni Justine na ibinigay sa akin. Kahit binasted ko na sya andito pa din sya. Hinawakan niya ang braso ko at sabay kaming pumasok sa classroom. Nakahinga lang ako ng malalim ng makaapak na ako sa sahig ng room ko. "Genesis, are you alright? Sorry hindi ko na mapigil ang pagkalat ng issue about sayo. Hindi ko alam sino ang kumuha noon." malungkot na salubong sa akin ni Skylar. May picture daw kasing kumalat. Andito din si Chantel at Dylan. Ngumiti ako sa kanila. Thank God for these people na nandito para sa akin. "It's okay. Hindi naman tsismis yun dahil totoo." nakangiting sabi ko sa kanila. Tiningnan ako ng mga kaklase ko, yung iba nakataas ang kilay tapos magbulong-bulongan. "Hoy, anong binubulong bulong niyo dyan. Inggit lang kayo kay Genesis dahil may manliligaw syang sobrang yummy at yaman." singhal ni Chantel dito. "Tama na, Tel." pigil ko sa kanya. "Hindi eh. Ang kakapal ng mukha akala mo kung sinong mga malilinis. For sure may tinatago din yang mga yan. " inis na sambit nito. Inakbayan ito ni Dylan at binulungan, ayun parang walang nangyari ngumiti na naman. Abnormal talaga ang mga kaibigan ko pero sila yung mga totoong tao. Tanggap nila ako kahit di buo ang pamilya at sila ang nagpapakumpleto dito. Hinarap ako ni Skylar. "May utang ka sa aking kwento." hinila nya ako papunta sa upuan namin at pinalibutan nila ako. "Ano na? Paano nangyaring magkakulala kayo ni Sean Isaac del Rio?" kinikilig niyang tanong sa akin. Tahimik lang din sa tabi ko sina Dylan at Justine. Habang si Chantel at Skylar ay atat na atat ng pakinggan ang kwento ko. Huminga ako ng malalim at tiningnan sila isa isa. Ang alam ni Justine ay mahal ko si Sean at minamahal din ako nito pabalik. Hindi ko alam kung pano sisimulan ang kwento ko. Kung magsisinungaling ba ako o magtapat ng totoo. I trust them pero hindi ko alam kung anong mararamdaman ni Justine pag malaman niyang pinilit kang akong magpakasal kay Sean. He'll be upset. I closed my eyes tightly and asked God for forgiveness for a lie I was going to make. Minsan lang naman akong magsinungaling sa kanila. Ayoko lang na alalahanin nila ako. Sorry guys for being selfish. I am starting my story about when, where and how we met. I told them we would meet in a cafe. Well, that's true. We'd met at a Café. Then I tell them I fell in love at first sight. Sino bang hindi magkagusto sa isang Sean Isaac Del Rio? Lastly about the wedding. "Kaya pala absent ka ng dalawang linggo dahil nagpakasal ka na." nagtatampong utas sa akin ni Skylar. "Hindi man lang kami naisipang imbitahin." nguso naman ni Chantel pero hinamas himas ni Dylan ang likod nito. "Akala ko di ka pa handa pero bakit pagdating sa kanya ang bilis mong umuoo." may halong hinahakit na paratang sa akin ni Justine. Malungkot ko silang tiningnan. "I'm sorry guys." sabi ko. "As long as you're happy, we're here for you every step of the way." ani ni Skylar at niyakap ako. "Always remember your happiness is ours." bulong pa niya. "Group hug." komento ni Chantel. Pinalibutan nila ako at niyakap. I know that I am not alone. They are people who're there for me,loving me unconditionally and they are my true friends. A friend who sees my dirt in the eyes and laughs at me when I stumble. Natapos ang araw na may mga bulong-bulongan pa din akong naririnig pero dahil andyan naman ang mga tunay kong mga kaibigan kaya di ako nag woworry na masabunutan nalang bigla. As long as di naman ako ginagalaw physically kaya di ako nag aalala. Hinatid pa nila ako hanggang sa labas ng gate baka daw mamaya may bigla nalang manabunot sa akin at wala sila para umawat. Naaawa daw sila sa taong maospital pag pinatulan ko. Pasaway talaga. Paglabas ko sa gate ay naaninag ko na agad ang sasakyan ni Sean. Biglang kumalabog ang puso ko. Bagay na di naman nangyayari noong di pa sya dumating sa buhay ko. "Ang aga ni Mister magsundo." tukso sa akin ni Skylar. Ngumiti lang ako pero ang buong attention ko ay nasa taong kakababa pa lang sa sasakyan. Nagsinghapan ang mga kababaihang nasa malapit lang namin habang ang dalawa kong kaibigang babae ay halos hinatayin na sa kilig. "Sheeeet. Asawa mo ba talaga yan? May Kapatid ba yan baka pwede mo akong ireto." hirit pa ni Skylar. Tumawa lang ako at pinalo sya ng mahina. "Gaga. Only Child nga di ba?" batok ni Chantel dito. Sinamaan niya ito ng tingin pero ngumiti din. Napapitlag ako sa biglaang pag akbay sa akin ng Justine habang papalit si Sean at bumulong. "No wonder sya ang pinili mo." aniya. Tiningnan ko lang sya ng masama at nginitian. Bumaling ulit ako sa gawi ni Sean na ngayon ay nakadikit ang kilay habang nakatitig sa braso ni Justine na nasa balikat ko. Ginalaw ko ang balikat ko dahil ang sama sama na ng tingin niya na para bang isang kalabit lang ay sasabog na ito. Binaba naman ni Justine ang kamay niya at pinasok sa bulsa mg pantalon. Humakbang ako palapit kay Sean at may dalawang hakbang pa bago ako makalapit ay hinigit niya na ako papunta sa kanya at inakbayan. Nalaglag ang panga ng mga kasama ko. Narinig ko pa ang marahang bulong mi Skylar. "Ayy, Possessive si Mister." mahinang tili nito. Ngumuso ako at ngumiti sa mga kaibigan ko. I cleared my throat. "Uhm, guys this is Sean." pakilala ko sa kanila at bumaling din ako kay Sean na masama pa din ang tingin kay Justine. Oh, this is not good. "Sean, these are my friends. Skylar." Skylar extended her arms para makipagkamay nna tinanggap din ni Sean. Ganun din si Chantel at Dylan. "And this is Justine." Justine extended his arms tiningnan muna ito ni Sean bago tinanggap. "Sean, Autumn's husband if you don't know." madiin niyang sambit, Nakita ko pa ang pagngiwi ni Justine kaya bigla akong naalarma at nilayo ang kamay nila sa isa't isa. "Justine, friend ako ni Genesis." sagot naman ni Justine. Tumango lang si Sean at humarap sa akin. "Let's go?" aya niya. Tumango ako at bumaling sa mga friends ko, nakipagbeso pa ako sa kanila bago humiwalay. Tiningnan ako ng masama ni Sean ng matapos akong nagbeso kay Justine. "Bye, Guys. see you, tomorrow." paalam ko at sumunod sa naunang si Sean. "Ang possessive ng asawa mo." natatawang sigaw ni Chantel. Umiling lang ako at pumasok sa sasakyan. "Fasten your seatbelt." paalala niya ng makapasok ako di man lang magawang tumingin sa gawi ko. Ngumuso ako at kinabit ang seatbelt ko. "Ganun ba talaga yung kaibigan mo?" basag niya ng katahimikan. Lumingon ako sa kanya pero nasa kalsada pa din ang mga mata nito. He looked pissed. No, he's pissed. "Yes." maikling sagot ko. Ayoko na ding dagdagan pa ang sasabihin ko baka mas lalo lang syang mainis sa akin. "Galit ka ba sa akin?" di mapigilang tanong ko. Sumulyap lang sya at hinawakan ang kamay ko gamit ang libreng kamay niya. "Ayoko lang na may ibang humahawak sa pag aari ko." kinagat ko ang pang ibabang labi ko dahil sa sinabi niya. Pede ba tigilan mo na nga ako sa mga salita mo Mister Del Rio. "Wag kang ganyan, mister baka mainlove ako sayo." natatawang sabi ko dito. "Yun naman talaga ang goal ko eh. I'll make you fall for me and me alone." seryosong sabi niya. Hinawakan ko amg dibdib ko dahil sa biglaang pagwawala ng kung anong nasa loob nito. Lumunok ako. Akala ko noon bato ako dahil di ko alam kung pano ang magmahal pero mula ng dumating sya sa buhay ko paramg lahat ng bagay na dati akala kong impossibleng maranasan ko ay possible na ngayon. Tama siguro yung sinasabi ng ilan na ang pag ibig ay dumadating sa pahanong di natin inaasahan. Pero ang bata ko pa para sa salitang pag ibig. First time kong maranasan ang ganitong bagay. Baka sa darating na panahon magbabago pa ang nararamdaman ko. Kaya ngayon pa pang dapat alam ko na ang limitasyon ko bilang babae. Noong kinasal kami sinabi ko sa sarili kong hindi panghabang buhay ang pagiging mag asawa namin. Na lahat ng bagay may hangganan. People change and feeling fades. Natatakot ako, pano kung ako lang ang nagmamahal. Pano ako pagnawala sya sa buhay ko. Dapat ko bang panghawakan ang pinapakita niya ngayon? "We're here." napakurap ako ng namalayan kong nasa harap na kami ng Café. Ngumiti ako sa kanya at bumaba. Hindi na ako nag abalang magpaalam dahil magkikita pa naman kami mamaya. Paano nga kung ako lang pala ang nahuhulog. Sa isang buwan namin magkasama't magiging mag asawa possible ba talagang love na itong naramdaman ko? Paano kong limerence lang ito. Infatuation. Pinilig ko ang ulo ko habang papasok sa locker room. Bakit ko ba iniisip ang future eh nasa present pa ako. Why don't I enjoy the moment when it lasts? Sabi nga nila spent a day like it was the last day of your life. "May dapat ba akong malaman?" napatingin ako sa dambana ng pintuan kung saan nakatayo habang nakahalukipkip si Miss D. "Miss D?" bati ko sa kanya at lumunok. "I need you in my office." walang emosyong sabi niya at pumihit patalikod. Bakit parang galit ata sya sa akin? I'm dead. Alam na din ata niyang nagsisinungaling ako. And she Hates LIAR.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD