WARNING!! SPG Alert!! Read at your own risk!! -- Lumipas ang mga araw at di na bumalik si Sean sa apartment mula ng tinaboy ko sya. Nagpatuloy ang buhay ko bilang estudyante, isang taon nalang ay gagraduate na ako sa course kong Fine Arts. Nalungkot ako dahil pinatunayan niya lang na di ako ganun kaimportante sa kanya kaya mabilis lang para sa kanya ang sukuan ako. Umaasa pa naman ako na susuyuin niya ako dahil mag asawa kami pero umaasa lang pala ako sa wala. Aminado akong miss na miss ko na sya. Halos araw araw umaasa akong makikita ko sya sa harap ng apartment ko para pabalikin sa bahay naming mag asawa pero wala. Alam kong naging selfish ako sa naging desisyon ko na iwan sya. Umaasa akong kaladkarin niya ako pabalik sa bahay namin dahil yun lagi ang sinasabi niya. Sabi niya sa kan

