Kahit kailan hindi sumagi sa isip ko ang mag asawa ng ganito kaaga. Kaya nga di ako pumapasok sa pagboboyfriend dahil wala pa sa isip ko ang bagay na yun. Pero what now?
I'm getting married, forcedly, to someone I once knew. I am getting married to someone I've once met. I am getting married to a beautiful and dangerous beast. Dangerous nga ba?
"What am I going to do, just to stop from marrying you?" napapaos kong tanong sa kanya. Napaos ako kakaiyak buong magdamag dahil sa narinig. God, why me? Why?
He chuckled and touched my face carefully. "You have nothing to do but just go with the flow." aniya. Bumuhos na naman ang panibagong luha sa mga mata ko. What have I done to be in this kind of situation?
"Now, fix yourself, we're leaving the country. Sa ibang bansa tayo magpapakasal." he firmly said. I brushed my tears with my palm and cried silently. I guess I don't have a choice.
Lumabas na sya ng kwarto at may pumasok na katulong at binigay sa akin ang dalawang paper bag ng mga sikat na boutique ng damit at sapatos. Malungkot na inabot sa akin ng katulong ang paper bag at walang lingong likod na umalis.
Tiningnan ko ang laman ng paper bag isang bandage dress na kulay baby pink at 3 inch stilletos na heels. Napalunok ako. Hindi ako sanay magsuot ng ganitong mga damit.
Tumayo ako mula sa kama at tumuloy ng shower room. Inaamin kong sobrang yaman niya talaga, from an elegant room to shower room na mas malawak pa ata kesa sa kwarto ko sa apartment. May jacuzzi pa sa gilid. Filthy Damn Rich Beast.
Hinubad ko ang damit ko at binuksan ang shower. I closed my eyes while pouring myself into a warm shower water. Isa-isa pumasok sa isip ko ang masayang pamilya namin noon. Hindi man kami pinagpala financially, but we're full of love.
Kahit mainit ang tubig na nanggaling sa shower iba pa din ang init na nanggaling sa mga mata ko. Hinayaan kong bumagsak ang luha ko kasabay ng tubig ng shower baka sakaling pagkatapos mahugasan nito ang mga mata ko everything will be alright.
Pagkatapos kong maligo at magpatuyo ng katawan ay sinuot ko na ang damit na binili niya sa akin. I stared back at the human-sized mirror in front of me. Fit na fit ang damit sa akin na para bang tinahi para lamang sa akin. How did he know my exact size?
Ganun din ang stilleto ko. Napatingin ako sa tukador kung saan nakalagay ang pampaganda sa mukha, may cream, make ups, lipstick at iba't ibang klase ng pabango. May mga eyeliners din.
Nilagyan ko ng concealer cream ang mukha at ilalim ng mata ko para matakpan ang pamamaga nito pero ang pagkasingkit ng mata ko dahil sa pag iyak ay nandoon pa din. Di kayang takpan ng cream. Naging instant chinita ako kaya nilagyan ko ito ng liquid eyeliner para magiging bagay tingnan.
Hindi ako mahilig maglagay ng kung ano-ano sa mukha ko pero dahil may artistic mind ako alam ko kung pano gawin ang bagay pag may kinalaman sa art.
Nang makontento na ako sa itsura ko ay nag shower ako ng pabango sa buong katawan ko. He told me to go with the flow kaya, gagawin ko kung anong sinabi niya.
Hinayaan kong nakalugay ang buhok ko para takpan ang sexy'ng part ng likod ko. Pagkatapos ng lahat ay tiningnan ko ang sarili ko sa malaking salamin and I don't recognized myself from a maskara I am wearing. Gone from an innocent girl.
Narinig kong bumukas ang pintuan ng kwarto pero di ako bumaling. Nasa salamin pa din ang mga mata ko. Amoy pa lang niya kilala ko na. Kakapasok niya pa lang pero nilukob na ng amoy niya ang buong kwarto. Man-ly fragrant.
"Are you done?" mahinang tanong niya habang mariin akong tinitingnan mula sa peripheral vision ko.
"I guess I am." malamig pa sa yelo kong sagot sa kanya at tumayo mula sa inuupuan ko. Humarap ako sa kanya at nakita ko kung paano nalaglag ang kanyang panga habang dilat na dilat ang mata na para bang nakakita ng multo.
"What's with the face?" seryosong tanong ko. Still on my poker face. Pano pa ako makangiti kung alam ko sa sarili kong di na ako ito. Di na ako si Autumn Genesis Villarama na simpleng babae na nasa kanya lahat ng kalayaan sa mundo dahil malapit na akong itatali sa taong di ko kilala sa buong buhay ko.
"You l-look perfectly different and amazingly beautiful." masayang puri niya sa akin. I keep a straight face in spite of the overwhelming feelings I feel inside because of his words of appreciation.
"Thank you." sagot ko.
Sabay kaming lumabas ng kwarto, ngayon lang ako nakalabas sa loob ng dalawang araw. Nasa ikalawang palapag kami ng malaking bahay. Mula sa kwarto na nilabasan namin ay maglalakad lang ng sampung hakbang mula sa kaliwa at grand staircase na ang bababaan namin.
Nasa taas ka pang kitang kita mo na ang mamahaling chandelier na nakasabit sa unang palapag ng bahay. May red carpet pa amg staircase, para nakakatakot apakan. This is not just a house, but a mansion. A f*****g mansion.
Hindi ko alam kahit sobrang yaman niya na pero mas gusto niya pa ding makuha ang iba pang kayamanan ng pamilya niya. Anong gagawin niya sa kayamanan niya, hindi niya naman ito madadala sa langit.
Napansin niya siguro na napatigil ako sa paglalakad kaya hinawakan niya ang braso ko dahilan ng pagtalon ko sa gulat. He smiled sheepishly at my reaction. Anong nakakatawa?
"You were startled at my touch. I like that." ngisi niya. Tiningnan ko lang sya ng masama. I don't know anong nakain niya bakit panay ang ngisi niya mula ng kinidnapped niya ako. The first impression ko sa kanya. He's a serious type, maybe this is his dark secret Yna is talking about.
Hindi ako nagsalita. Wala naman kasi akong sasabihin. Nakikisabay lang ako sa agos ayon na din sa sinabi niya to not complicate things. And it actually helps. It helps me to process the things that run in my mind. I am young and this may be a great experience na maranasan ko sa buong buhay ko.
Pagkababa namin ay sinuyod ko ang buong paningin ko sa buong paligid ng bahay. May nakita akong grand piano na nasa ilalim ng staircase. Malawak ang living room ay may magandang sofa set. Carpeted ang sahig. May paintings na nakapaskel sa wall. The works of famous painters.
Classic with a touch of modernized ang istilo ng bahay. Kung siguro sa ibang pagkakataon I would love to live in this mansion with my happy family. "The plane is waiting for us." anunsyo niya pagkalipas ng ilang minuto ng pagmasid ko sa mansion niya.
Huminga ako ng malalim at sumunod sa kanya palabas ng mansion. Kung gaano kaganda ang bahay sa loob ganun din kabongga ang sa labas.
May fountain sa harapan nito at napakagandang garder. Para akong nasa ibang bansa which is nasa Pilipinas lang ako. May nakaparadang limousine sa paanan ng hagdaan for sure nag aantay na para aming sasakyan. I should be grateful to be chosen, but I am not.
He led me the way. Binuksan ng driver ang pintuan ng limo at hinawakan naman ni Sean ang braso ko para alalayan akong makapasok. Where did his beastly attitude go? He became a different man after he saw my new face.
Hinayaan ko sya, I know after all of this he'll dump me as trash and I have already prepared for that day. After niyang makuha ang kayamanan niya I know makakawala din ako sa kanya. He'll marry me because of his inheritance and to pay for my sister's debt.
Magkaharap kaming dalawa sa loob ng limousine pero di ko magawang tumingin sa gawi niya, instead binaling ko ang tingin ko sa labas. Tahimik lang ako dahil natatakot na ulit akong magsalita. Habang sya naman ay taimtim na nakatitig lang sa akin.
"You're very different from your sister." napatingin ako agad dahil sa biglaang pagbasag niya ng katahimikan. Ibuka ko na sana ang bibig ko pero pinigilan ko ang sarili ko.
"I don't understand why she let you live your life alone and now she's gone with my money." aniya na para bang impossibleng nagawa ng ate ko ang bagay na yun.
"How do you know about me?" I heard myself asked.
"Your sister is an employee of my company, everything about her is listed on our information. Family background and anything-"
"Then, why not look for her and make her pay. Why me?"
"I know where your sister is, but I can't make her my wife. I know how greedy she was. That's why I chose you to be." naningkit ang mga mata ko dahil sa narinig. But isn't it unfair?
Tiningan ko sya ng di makapaniwala. This is really absurd. How can he be so cruel for his own good? How about me? How about my future?
"And..... I am doing all of this just to protect you."