Chapter 3

1626 Words
Malapit lang naman ang apartment ko mula sa school at Café kaya di nakakatakot kahit gabihin pa ako sa daan. Kungsabagay lagi naman akong gabi na makakauwi dahil sa trabaho ko. "Magandang gabi, Genesis. Kamusta ang buong maghapon mo?" bati sa akin ni Aling Sally, may ari ng tindahan na kaharap ng apartment na tinirhan ko. Nasasanay na ako sa kanya dahil araw-araw niya akong binabati. "Magandang gabi din po. Maayos naman sa awa ng Diyos." nakangiting sagot ko sa kanya. Nakita kong ngumiti ito at napatigil bigla na para bang may inaalala. "Oo nga pala Esis, may nakita akong lalaki kanina sa harap ng apartment mo, tinanong ko kung anong kailangan, bigla nalang umalis." kwento nito sa akin kaya nagtaka naman ako. Alam kong daanin din itong lugar namin pero ngayon ko lang ata nalamang may nag mamasid sa bahay ko. "Hindi po ba ninyo naitanong kung sinong hinahanap?" tanong ko. "Hindi eh, at mukhang dayo sya dito. Kilala ko na kasi halos lahat ng kabarangay natin. Baka nga nakikidaan lang din." aniya. Para din akong nabunutan ng tinik. Syempre mag isa lang ako sa bahay at kung may balak man syang magnakaw, sinisigurado ko namang wala akong kayamanan. "Baka nga ho siguro. Sige ho, una na po ako gabi na ho kasi. Goodnight Aling Sally." paalam ko sa kanya. Nag paalam na din sya sa akin. Pagkapasok ko ng aking munting tahanan ay di pa din maiwasan ang mga iisipin lola na tungkol sa huling sinabi ni Aling Sally. Sino naman ay magtangkang pasukin ang bahay ko eh naghihirap na nga ako eh. Napailing nalang ako at dumeritso sa kwarto at kinuha ang towel at damit na susuotin ko pagkatapos maghalfbath at bago matulog. Sa Café na din ako kumakain ng hapunan kaya kahit papano ay nakakaluwag-luwag ako sa budget. Pag sunday madami akong gastos dahil walang libre. Pagkatapos maghugas ay matutulog na ako. Nasanay na din ako sa routine ko araw-araw. Oo masaya pero syempre aaminin ko nangungulila din ako, sa family ko. Namiss ko na pano ang kumain kasama ang buong pamilya sa hapag kainan. Habang inaayos ang kama ko ay may narinig akong kumatok sa pintuan ko. Tiningnan ko ang orasan sa alarm clock sa bedside table ko. 11pm na. Sino namang tao ang pupunta sa bahay ko ng ganitong oras? Wala akong maisip. Natatakot akong magbukas at the same time ay curious ako kung sino man sya. Hindi naman siguro ako papatayin nito. Sana naman wag madami pa akong pangarap para mamatay ng maaga. Kinuha ko ang walis tambo at hinanda para ipanghampas kung sinuman ang kumakatok sa likod ng pintuan. Habang hawak ang seradura ay bumilis ang t***k ng aking puso. Ngayon alam kong kinakabahan ako kaya mabilis ang t***k ng puso ko. "Kung sino ka man magpasensyahan nalang tayo." bulong ko sa aking sarili. Huminga ako ng malalim bago pinihit ang seradora ng pinto. Pagbukas ko walang tao. Napanguso aako at tiningnan ang paligid pero wala akong mahagilap. "Hello? May tao ba dito?" tawag ko baka sakaling umihi lang or something. Pero wala talaga. Huminga ako ng malalim at binaba ang walis tambo ng dala-dala ko. "Walang tao? Ano yun multo?" Pumihit ako patalikod ng may biglang naglagay ng panyo sa ilong ko, naamoy ko ang kakaibang amoy na ngayon ko lang naamoy sa buong buhay ko. Hanggang sa unti-unting nawawalan na ako ng malay. -- Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulog pero ang sarap-sarap ng pakiramdam ko habang nakahiga sa pinakamalambot na kama na nahigaan ko sa buong buhay ko. Bigla akong napadilat dahil hhindi ganito kalambot ang kama ko. Nasa isang madilim na kwarto ako. Oo madilim dahil inaadjust ko pa ang paningin ko. Nang maging malinaw na ang mata ko ay nilibot ko ang paningin ko sa buong paligid. Napapalibutan ng makakapal at abot hanggang sahig na kulay peach na kurtina ang harapan at kaliwang bahagi ng kwarto. Nasaan ako? Hindi ito ang kwarto ko. Napatingin ako sa suot kong damit ito pa din ang suot kong damit kagabi mula sa CR nung naghugas ako. Nanlaki ang mata ko. Nakidnapped ako?! Bumangon ako at tumakbo papunta sa pintuan sa aking pagkadismaya ay nakasarado ito. Umiling iling ako. Hindi ito maaari. Paano ako nakapunta sa lugar na ito? Inisip ko ang mga taong pedeng gumawa nito sa akin pero kahit isa walang pumasok sa utak ko kung sino ang may galit sa akin para ipakidnapped ako. Wala naman akong perang pantubos sa sarili ko. "BUKSAN NIYO ANG PINTO!! PARANG AWA NIYO NA!" sigaw ko kahit di ako sigurado kung may makarinig ba sa akin. Bakit ako nandito sa lugar na ito? Sa buong buhay ko ngayon lang ako natakot ng ganito. Noong nawala ang parents ko hindi ako natakot na mag isa pero ngayon parang gusto ko ng ibalik ang panahon na buo pa ang pamilya ko. Andyan si Papa at Mama kahit di kami nagkakaintindihan ng ate ko basta andyan din sya. Naging malungkot ako ng mawala ang parents ko pero kahit kailan hindi ako natakot. Hindi ako natakot na harapin ang buhay ng mag isa pero ngayon nanginginig ang buong kalamnan ko. Unti-unti na ding bumuhos ang luha ko. I silently shed tears. Can someone wake me up? Tell me that it's just a dream. Paulit ulit kong pinihit ang doorknob pero nasasayang lang ang lakas ko. Knowing na kinidnapped ako nawalan na agad ako ng lakas. Paano na ang pag aaral ko? Ang apartment? Ang trabaho ko? Ano nalang ang iisipin. g mga tao pag nalaman nilang nawawala ako. Ang daming pumapasok sa utak ko pero ni isa wala akong sagot. Biglang gumalaw ang door knob kaya napaatras ako at bumalik sa kama at nagtalukbong ng comforter habang nakalabas ang ulo. Ilang beses na akong napalunok sa tuwing umiikot ang knob. Bigla itong bumukas at may isang tray na puno ng pagkain na dala ng di ko pa nakikita na tao ang iniluwa. Biglang kumalam ang sikmura ko. Gutom na nga ako. Hindi ko alam kung anong oras na. "Glad you're awake." napatingin ako sa lalaking nagsalita at inilapag niya ang tray ng pagkain sa table na nasa loob ng kwarto at pumunta sa kurtina. Di ko pa nakita ang itsura nito dahil medyo madilim ang buong paligid. Hindi ako nagsalita dahil di ko din alam kong anong sasabihin ko. Natatakot akong magbitaw mg salita at baka bigla nalang akong sakmalin. Ayoko pang mamatay. But his voice is familiar, parang narinig ko na sya somewhere. Nakatalikod ito sa akin habang unti-unting hinawi ang makapal na kurtina para makapasok ang sinag ng araw. Tanghali na. Napatingin ako sa labas ng glass wall at napanganga ako sa view sa labas. Kahit nasa kama ako naaninag ko pa din lung gaano kaganda ang paligid. Napatingin ulit ako sa lalaki at ganun nalang ang panlalaki ng mata ko kasabay ng pagbuka ng bibig ko ng makilala ko ang lalaking nasa harapan ko habang nakalukipkip. "IKAW??" pasigaw kong tanong habang dinuduro sya. Gusto ko syang sugurin pero nakakatakot ang klase ng titig na binigay niya sa akin. Then, he smirked. The most dangerous smirk I've seen in my entire life. "Yes it's me." ngisi nito at dahan-dahang lumapit sa kama. Siniksik ko ang sarili ko sa headboard ng kama habang mahigpit na hinahawakan ang comforter. "Wag kang lumapit." pilit kong tinatagan ang loob ko pero alam kong sa sarili kong halos namamatay na ako sa takot. Hindi naman nakakatakot ang itsura niya pero kasi nakakatakot ang sitwasyon. "I won't hurt you. I promised, just bear with me." malambing niyang bulong habang hinahaplos ng pisngi ko. Iniwas ko ang mukha ko dahil nagtayuan ang balahibo ko sa simpleng paghaplos niya. "W-what do you want from me?" naiiyak na ako sa takot. Biglang lumambot ang mata nito at pinahiran ang butil ng luhang tumulo mula sa mga mata ko. Napapikit ako sa sensasyong naramdaman ko ng maingat niyang pinahiran ang luha ko. "You're too innocent and fragile." bulong nito. Hindi ko magawang buksan ang mga mata ko. Mas gustuhin ko pang damhin ang lambot ng kamay at malamyos ng tinig kesa panoorin kung pano niya ako titingnan na para bang isang napakasarap na pagkaing nakahain. "If your sister cared about you, it wouldn't happen." napadilat ako ng mata nang marinig ko ang salitang sister. Wag mong sabihing dahil sa kapatid ko kaya ako nandito? "W-what are you talking about?" nanginginig kong tanong sa kanya. Ngumiti sya ng bahagya. Ito na ba ang sinasabi ni Yna na dark secret? Isa syang kidnapper? Tumayo ito mula sa kama at humalukipkip habang nasa labi ang isang kamay na para bang nag iisip ng sasabihin. "Let's just say that your sister have debts with me and you are a perfect payment for it." mas lalong nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. "You're kidding, right? My sister and I parted ways a long time ago." hysterical kong sabi sa kanya. He just smirked. God, what have I gotten to be in this kind of situation? "Sorry honey, but I don't have a choice. You are perfect for my plans." "What plans are you talking about?" "Let's just say I need a wife. And you are a perfect catch, since I don't have a steady girlfriend to ask for. I need you to be my wife in front of my family to have my whole inheritance." para akong mabaliw sa kakaisip sa lahat ng sinabi niya. "But I am only nineteen." bulong ko at bumuhos na naman ang panibagong luha mula sa mga mata ko. "Right age to get married." "You're insane." "Nope. I'm just being me." "You're a beast." humalakhak sya dahil sa sinabi ko. "I was. I am and will forever be a Beast. And this beast will be your husband."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD