Chapter 2

1652 Words
"Ang gwapo talaga ni Sir Sean kahit laging nakasalubong ang kilay." kinikiliting bulong ni Anya sa tabi ko. Naghuhugas ako ngayon ng mga platito at cups. Hindi ko siya pinansin ng bigla niyang yugyugin ang braso ko. "Di ba ang gwapo ni Sir Sean?" ngumiti ako ng pilit dahil muntik ko ng mabitawan ang mug. Tumango nalang ako bilang sagot kahit di ko naman kilala ang tinutukoy niya. "Kilala mo ba si Sir Sean?" pinandilatan niya ako ng mata. Hindi ko na alam kung anong irereact ko dahil mukhang naghehisterikal na sya ngayon. "Tell me na hindi tayo magiging magkaribal. Akin lang sya Genesis, kuha mo. Akin lang si Sir Sean at walang ibang pedeng magkakagusto sa kanya." Hindi ko na mapigilan ang sarili ko, I rolled my eyes. "Oo na sayo na sya. As if naman interesado ako doon." napailing nalang ako at tinapos ang ginagawa ko. Wala naman syang ginagawa sa tabi ko kundi ang makipagchikahan. Hindi naman ako tsismosa pero ako ang napili niyang maging tagapakinig niya. "Bilisan mo na dyan at baka aalis na sya." utos nito sa akin. Tiningnan ko sya ng masama kaso sa labas ang tingin nito. I rolled my eyes again. "Anya, mauna ka na sa labas, tatapusin ko lang ito." sabi ko sa kanya. Di na kasi sya mapakali sa kinatatayuan niya. Wala naman kasing pumipigil sa kanya. "Sigurado ka? Baka kasi mapagalitan ako ni Miss D pag iniwan kitang mag isa dito." aniya habang nakanguso. "Okay lang. Kaya ko naman eh. Baka kasi madami na ding tao sa labas di naman ganun kadami ang hugasan dito." nakangiting saad ko sa kanya. Mas gugustuhin ko pa atang mag isang gagawin ang trabaho kesa inaapura ako. Ayokong binabantayan ako pero di man lang tumutulong. "Sige, sa labas na muna ako. OMG!! Sir Sean!!" hagikhik nito at excited na lumabas ng kusina. Napailing nalang ako. Sino ba kasing Sean yan? Tinapos ko ang hinuhugasang plato at baso at dinala palabas. Dahil part timer lang ako kaya ang paghuhugas, pagpupunas ay nakatalaga sa akin. Ayos lang naman yun sa akin dahil masaya naman ako sa trabaho ko eh. "Bakit naunang lumabas si Anya sayo?" tanong ni Yna sa akin habang inaayos ang mga baso na malapit sa counter. Nagkibit balikat lang ako. Anong sasabihin ko na gusto niyang lumabas para makita si Sir Sean? "Di naman kasi ganun kadami ang hugasan kaya ako nalang ang naghugas at baka kasi kailangan na sya dito sa labas." ngiti ko sa kanya. Inismiran niya lang ako. "Wala namang ganung naitulong dito sa labas ang Anya'ng yun kundi ang magpacute kay Sir Sean as if naman mapapansin siya eh ang suplado ng taong yan. Ni minsan nga hindi ko pa nakitang nakangiti yan?" "Sinong Sean? Bakit ako di ko sya nakikita at nakikilala?" tanong ko sa kanya pagkatapos kong punasan ang kamay ko at inayos ang pagkapusod ng buhok ko. "Regular customer sya dito nng Café nakikita ko sya tuwing weekend. Wala ka lasi pag weekend gabi lagi ang shift mo. Ngayon pa lang ata sya nakapag kape dito ng ganitong oras. Pero halos araw-araw ata syang nandito para magkape."aniya. Tumango tangi lang ako. Di ako pumapasok ng weekend dahil hanggang saturday ang klase ko at sunday naman ay day off ko. "Gwapo ba talaga sya?" di mapigilang tanong ko sa kanya. Nanlaki ang mata niyang nakatingin sa akin at para sinasabing "Gwapo is just understatement." "He's beyond that word. Hindi ko nga inakalang may ganun pala kagwapong nilalang na nag eexist dito sa lugar natin. Akala ko nga nasa Brazil lang. Pero syempre magkaiba tayo ng paningin. Basta para sa akin gwapo talaga sya." "Kaya siguro kung makabakod itong si Anya kala mo kung sa kanya na talaga." ngisi ko. "Sinabi mo pa. Tingnan mo si Anya kung makatitig wagas parang lalapain mg buhay si Sir Sean." mahinang halakhak ni Yna. Napatingin ako sa lugar kung saan nakatingin ang mga mata niya. Nakatalikod sa pwesto namin ang lalaking tinutukoy ni Yna. Yung lalaking pinagpapantasyahan ni Anya. Para naman akong biglang na curious kung ano ba talaga ang itsura ng lalaking yan pagnakaharap. Para namang dininig ng Diyos ang panalangin ko ng bigla itong lumingon sa pwesto namin. Pakiramdam ko tumigil ang ikot mg mundo and mga tao sa paligid ko biglang na pause sa ginagawa nila dahil sa pagsarado ng mata naming dalawa. Di ko alam kong naengkanto ba ako o ano basta ang alam ko, I can't take my eyes away from his gaze. Then he raised his eyebrows perfectly. How can a guy be so perfect, even with his raised eyebrows? Then it hits me. He's a guy from yesterday, yung lalaking sumalo sa akin kahapon. Regular customer nga sya at may kasama sya ngayon. "Gwapo di ba? Kaya lang suplado." bulong ni Yna dahilan upang bumalik ako sa tamang pag iisip. I nodded bilang pagsang ayon. "Kaya naman pala halos mabaliw si Anya sa kanya." bulong ko din at iniiwas ang tingin ko dito pero para atang may magnet ang lalaking ito dahil di ko magawang iiwas ang titig ko ng limang segundo. Seryoso silang nag uusap ng kasama niya sa table at di ko maiwasang maconscious dahil maya-maya'y nakatingin sa gawi ko ang kausap nito. Ayokong mag assume pero di ako nagkakamaling ako ang tinitingnan nila. "May nabasa akong article about sa kanya, na sya na daw ang isa sa pinakasikat na young businessman around Asia. But he has a dark secret." napatingin ako kay Yna ng nagtataka. "Anong Dark secret?" tanong ko. "Secret nga di ba? Kaya di ko alam. Di ko alam kung totoo ba yung article na yun pero parang impossible naman atang may dark secret yang si sir Sean eh mukhang namang mabait kahit laging nakadikit ang kilay."aniya. Napatingin ulit ako sa gawi nila. Ano kayang sekreto meron ang taong ito? "Nag usap na tayo Genesis, sabi ko di ba walang agawan ng crush bakit mo tinitingnan si Sir Sean?" napangiwi ako sa mahina ngunit madiing singhal sa akin ni Anya. "Ang possessive mo." halakhak ko dito. Sinamaan niya ako ng tingin. "Eh ano naman ngayon? Basta akin lang si Sir Sean. Papatayin ko ang aagawa sa kanya sa akin." "Ang tanong kilala ka ba niya?" singit naman ni Yna. Gusto kong matawa sa facial expression ni Anya. Paramg anytime ay mangangalmot na ito sa galit. "Hindi pa pero malapit na."sagot nito ng makabawi na. Tumawa ng malakas si Yna dahilan ng pagkuha niya ng attention galing sa customers. Agad din siyang yumuko para humingi ng sorry. "Hmmmp." biglang nagwalk out si Anya sa tabi namin. Natatawa pa din si Yna kaya natawa din ako. "Have you seen her face? Parang tanga talaga itong si Anya. Ni hindi nga natapunan nang kahit kunting sulyap pero makaangkin wagas." natatawang sabi ni Yna. Pinalo ko siya para matigil na. "Tama na nga yan. Pinagtitinginan na tayo ng mga customers." paalala ko sa kanya. "Genesis, punta ka sa table nina Sir Sean kukunin na ata ang bill." siko sa akin ni Yna. Inabot niya sa akin ang resibo at pumunta na ako sa table nina Sir Sean. Nakiki-Sir na din ako kahit di ko naman sya kilala at mas matanda naman sya sa akin for sure. I'm nineteen and he's midtwenty's or thirty I think. Dahan-dahan akong lumapit sa kanila. Di ko alam kung saan nanggaling ang panginginig ng paa ko habang papalapit ako sa table nila. Ilang beses pa akong palunok dahil sa kaba. Bakit ako kakabahan kung wala naman akong kasalanan. Tumikhim ako bago magsalita. "Ahm, excuse me, Sir ito na po ang bill niyo." sabi ko sabay abot ng bill. Bumaling sya sa kinatatayuan ko at halos himatayin ako sa sobrang kabog ng dibdib ko. First time kong kabahan ng walang dahilan. Sa simpleng pagtingin niya lang gamit ang malalim at parang nang aakit niyang mata na mas maganda pala sa malapit tingnan para na akong maiihi ng rainbow. Possible pala yun. Naiihi ng rainbow. Teenage feelings. Ito na ba ang tinatawag nilang crush. Aaminin ko di pa ako nagkakaroon ng crush dahil wala akong panahon. Kung magkakagusto man ako ngayon first time ito. "Are you alright, Miss?" napakurap ako ng mata sa baritonong boses na nagsalita sa tabi ko. Napalunok ako at halos pukpokin ko ang ulo ko sa pagwawala ng utak ko dahil lang sa itsura ng lalaking nasa harapan ko. This is not so me. "Y-yes Sir." nauutal kong sagot. Then at that moment parang gusto kong ipause ang oras dahil sa lopsided smile niya. I blink kaya agad ding nawala ang ngising yun at bumalik sa pagiging poker face. Namalikmata lang ba ako. Did he just smile? Narinig ko ang pagtikhim ng isa pang lalaking kasama namin at that moment. Nakataas ang labi nito at mukhang amused na amused sa nasaksihan. "Like you two has a different world." halakhak nito pero binigyan sya ng masamang tingin ng kaharap niya dahilan kaya natigil din ang pagtawa niya. "Sorry." may ngisi pa din sa labing sabi niya. "Pay the bill, I'll leave first." sabay lahad ng pera sa mesa ni Sir Sean kung di ako nagkakamali habang nakatingin sa kaharap niya. Tumango lang din ang kasama nito habang nakangisi pa din. Tumayo ito kaya napaurong ako para makadaan sya. Bigla akong nahiya sa height kong 5'3 more than 6 feet ata sya. Ang tangkad niya. At naamoy ko ang mabangong panlalaking pabango niya. Buti nalang napigilan ko ang sarili kong pumikit at namnamin ang nakakaadik niyang amoy. "See you in the office." saludo pa ng kasama niya sa kanya tumango lang ito at nilagpasan ako.Sinundan ko ang lugar na dinaanan niya at halos lahat ng customers mapababae man o lalaki, teenager o matanda ay nakatingin sa kanya. Head turner. Hinarap ko ang kasama niyang mariing nakatitig sa akin habang pinapasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa. "Not bad for his taste." bulong nito na narinig ko din naman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD